EPISODE 8

3945 Words

ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Oh? Bakit nandito si cutie patootie?” tanong ko kay Alona pagkapasok ko ng bahay namin. Pinuntahan ko siya dito dahil wala lang, gusto ko lang makigulo. Day-off kasi ni Alona ngayon kaya wala siya sa flower shop. Nilapitan ko agad si Michael, ang napaka-cute na bata na nakaupo sa sahig at nilalaro ang toy car nito. Ang cute-cute niya dahil ang taba-taba ng pisngi. Tiningnan ako ni Alona. “Nandito ka pala,” aniya. “Hindi wala-wala, anino ko lang ito,” pambabasag ko sa kanya saka tumawa ako. Ibinalik ni Alona ang tingin niya sa binabasa niya at hindi pinansin ang sinabi ko. Abalang-abala naman siya sa kung anong binabasa habang nakaupo ng prenteng-prente sa mahabang sofa. “Iniwan sa akin ‘yan ni Aling Norma. Wala kasing mag-aalaga sa kanya,” sagot niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD