Habang magkaharap na nakaupo kami ni Israel sa dining table ng umagang iyon at kumakain ng breakfast ay hindi namin mapigilan magpalitan ng makahulugang mga tingin. Nakapagkit ang aking mga mata sa kanyang katawan na para bang wala ni isang saplot ay wala iyon. Ang imahe ng kanyang hubad na katawan ay hindi maalis sa aking isipan. Hindi ko mapigilang umangat ang gilid ng labi tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin. Sa paraan ng mga pagtitig niya ay parang pareho kami ng iniisip. Ipinilig ko ang ulo. Pilit itinataboy ang kalaswaan sa isipan ko. Umayos ka nga, Eloise! Nasa harapan kayo ng pagkain pero kung anu-ano ang iniisip mo. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa plato kahit na dama ko ang paglapat ng mainit na tingin ni Israel habang patuloy na kumakain. These brief looks ar