Habang lumilipas pa ang mga araw ng buwang iyon, unti-unti ay nawawalan ako ng pag-asa kahit na gaano pa ako ka-positibong gigising si Eloise. Kung pagbabasehan ang mga buwan ay parang hindi na rin normal ang bagay na iyon. “Israel, ano ang mga posibility na iyong hawak para umasa tayong magigising si Eloise isang araw? Sa tingin mo ay may pagkakataon pa? Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang mangyari ang insidente. Ang tagal ng nakaratay niya sa kama at patuloy natutulog. Naniniwala rin naman ako, pero hindi ko pa rin mapigil ang hindi mag-alala sa kung anong kalagayan niya.” Ilang buntong-hininga ang pinawalan ng ina ni Eloise. Siya ang matandang version ni Lilo na wala ng ibang ginawa kung hindi ang magtanong. “Hindi ko rin po alam, Mama pero naniniwala pa rin ako na malapit na