Magkahawak kami ni Lilo ng kamay habang naglalakad papunta sa ice cream shop na tinuro niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang excitement kung kaya naman hindi mapigil na lihim na mapangiti. Hindi ko ma-explain iyong feeling habang pinagmamasdan siya. Kaming dalawa lang ni Lilo ang bumaba ng sasakyan, samantalang naiwan naman ang driver at nanny niya sa loob ng sasakyan. “Ayos lang kami, huwag ka ng sumama. Ako na ang bahala kay Lilo, saka sa harap lang.” pigil ko sa nanny nang akmang bababa na. Hindi naman siya pumalag. Makahulugan lang siyang tumingin sa driver na para bang humihingi siya ng approval. Medyo uminit ang ulo ko dahil parang wala silang tiwala sa akin. Ganunpaman, alam kong ginagawa lang nila kung ano ang trabaho nila kaya naman hindi ko na pinalaki pa ang issue. “Hindi