Mabilis na siyang napatayo sa aking tinuran. Parang patalim ang ipinupukol na mga tingin. Nilabanan ko iyon at hindi ako dito nagpatalo. “Mom? Will you please calm down? Nagbago na siya. Tama na ang masasakit na mga salita. Nakakarindi ng pakinggan. May tiwala pa rin ako sa kanya—” “Come on Israel. Huwag kang magsinungaling sa sarili mo. May tiwala? Harap-harapang niloloko ka na niya! Wala kang gagawin? Magkukunwari kang walang nakita o hindi kaya ay narinig?” “Hindi niya iyon kayang gawin sa akin, Mom. Baka ibang tao ang nakita niyo at nagkakamali lang kayo. Marami siyang pagkakataon pero—” Ang pag-iling niya ng ilang beses na paulit-ulit ang nagpatigil saglit sa aking pagsasalita. Pagak na halakhak ang ginawa ko para pagtakpan ang guwang na nasa aking puso. Nahihibang na ako. Oo, al