ELOISE POV Napakunot ang aking noo nang maramdaman na parang may mabigat na nakadagan sa aking katawan at hindi ako makahinga. Nang buksan ang mga mata ay napamulagat ako nang matagpuan si Israel sa aking ibabaw. Ikinikiskis ang sarili sa aking katawan na tila ba batong pilit na pinagliliyab ang aming katawan. Muli kong isinara ang mga mata upang magpanggap na wala akong nakita, ngunit late na. Nagtama na ang aming mga mata ng ilang sandali. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi na tila nang-aasar nang makita ang reaction ko. Para kang tanga, Eloise. Nakita ka na ni Israel, huwag ka ng magpanggap na walang pakialam! Naramdaman ko ang mga mata niyang titig na titig sa akin. Puno iyon ng pagnanasa kanina pero ngayon, seryoso na. Gumalaw pa ang adams apple niya na parang nagpipigil n