Prologue

956 Words
PROLOGUE Isang itim na tela na ang zipper ay nakasara, naninikip na dibdib na nagdudulot ng mabibigat at nanginginig na paghinga, isang amoy metal na pilit sumisigid sa kanyang ilong, iyon ang mga bagay na bumungad nang magbalik ang lahat ng pakiramdam niya --- nang muling bumaon ang hindi matukoy na sakit sa bawat kalamnan ni Natalie.   Kalakip ng paghinga niyang iyon ay isa pang paghinga. Hindi niya maunawaan kung saan iyon nanggagaling. Nanginginig din, at napakalakas, sumasabay sa yabag ng mga paa at ingay sanhi ng pagsagi sa telang itim na nasa harap niya.   "Cooper! Where are you, bud!" A tiny voice reverberated from afar, a voice of a girl.   The other heavy breathing got louder, noise rattling the fabric became profound. Nasasagi na maski ang pisngi at tiyan niya sa ilalim ng telang iyon.   Doon lang mismo sa malapit, sa kanyang tabi, ay naroroon ang maraming yabag. Magaang na yabag na tila bumabaon sa buhanginang hindi ganoon kapino.   Noon napapiksi si Natalie; sa tiyan niya ay may kung ano na namang sumagi, mas marahas. Gumuhit ang hapdi sa parteng iyon. She could recall she had been inside that fabric for a long time. She could still remember how many times she felt like she wanted to give up -- as if no one would ever see her in that place she did not know where. Ilang ulit na rin siyang sumubok na kalagin ang mga kamay sa lubid na itinali mula sa likuran niya.   Maraming beses na rin siyang nagising at parati ay inaakala niyang patay na siya.   But every time that the excruciating pain rippled all over her body, every time her flesh shook in the midst of piercing wind hitting that fabric, she was whimpering. Palagi ay walang tinig na lumalabas mula sa lalamunan niya. Her throat was dry.   She was not dead . . . yet, because she sensed it all.   "Water," ang nag-iisang salita na ninais niyang sabihin. Nais niya ring isigaw pero nagmistulang bulong na lamang iyon sa kanyang pandinig. Noon lang niya nahanap sa isip: iyong busal sa kanyang bibig -- packing tape -- ay bahagya nang nakahawi.   "Gina! I said get back to the car!" Another voice echoed. Sa puntong iyon ay tinig na ng isang lalaki.   "Cooper?" Nasa malapit na ang boses ng batang babae. Bukod sa mga yabag na kanina pa niya naririnig, sumulpot ang iba pang mga tapak ng mga pang papalapit. "Cooper!"   Noon tumigil ang mabibigat na paghinga --- paghinga na hindi nanggagaling mula sa baga niya kundi sa kung anong nilalang na sumasagi sa telang nakabalot sa kanya.   Suddenly, a howl got Natalie's eardrums twitched. Definitely, it was a dog. Natalie wanted to yell for help. Pero sa puntong iyon ay nais niya ng tubig. Maraming-maraming tubig.   "Blood! There's blood! Lots of blood! Oh my God! Dad!" Unti-unting lumalakas ang tinig ng batang babae habang sinasabi iyon. The kid was standing near to her, she knew.   Pinilit ni Natalie na igalaw ang paa. She thought she could but she did not sense that she did.   "What!" the voice of a man asked, his feet burying the sand seemed to get near to her.   "It's moving! Dad, quick!"   Isang alulong muli ang umalingawngaw sa paligid. Natalie needed water. Kung hindi siya makakainom, alam niya, malalagutan na siya ng hininga.   "Gina! What---Oh, f**k . . ."   "Go check it, Dad. I saw it moved."   "Are you sure?"   "Yes! Yes! I'm sure!"   "Okay. Just stay here. I'm gonna check it. Cooper, come here, boy."   Sa paglayo ng mga yabag, siyang paglapit ng mas mabibigat na ingay ng mga paa. Gumalaw ang tela, sa bahagi ng kanyang ulunan. Wala pa man ay sumigid na sa tainga ni Natalie ang tunog ng zipper sa harap niya.   Just when the light streamed over her sight, she closed her eyes. Bagaman, sa tindi ng pagkatuyo ng lalamunan niya, kasabay ng paghinto ng tunog ng zipper ay nagmulat siyang muli.   Noon bumungad ang mukha ng isang lalaki. Balbas sarado. Nakasuot ng sumbrero. Nanlalaki ang mga mata. Sa likod nito ay pigura ng mga matataas na punong walang mga dahon. Saka lang muli nadama ni Natalie ang tindi ng lamig. Her body trembled. A tear from her eye escaped -- her eye that had a sight of red.   Finally, someone could give her water.   "Water . . ." aniya.   "She's alive. Oh, s**t," ang naiusal ng lalaki, mabilisang hinuhubad ang suot na makapal na jacket.   "Dad---"   "Stay there, Gina." Maingat na ipinatong nito ang jacket sa katawan niya.   "Wa-Water . . ." wika muli ni Natalie.   "What?" tanong ng lalaki, nanlalaki pa rin ang mga mata nito.   "W-Water . . ."   "Gina, hand me over your tumbler, quick!"   "Is it alive?" tanong ng bata.   "Yes. It's a she."   "W-We must call the police, dad."   "No, please, no." Hindi na pinag-isipan pa ni Natalie na sabihin ang bagay na iyon. Kung ilang araw o oras na siyang naroroon ay hindi na niya alam. She had lost her senses while kept praying not to die.   She was still there, alive, still breathing. These people might get involved if somebody knew that. Ang huling nanaisiin niya ay may makaalam na buhay pa siya. Marga was powerful. And Natalie had to survive.   Parang naunawaan naman iyon ng lalaki. Tumango ito.   Kahit na pabagsak na naman ang talukap ng kanyang mga mata, kahit na dama niyang parang hindi na niya kaya pang makahinga, anong alwan pa rin ang dulot sa sistema ni Natalie.   She would be able to make it. She knew, she was able to make it -- lalo na noong tinulungan siya ng lalaking makainom ng tubig saka sinabi, "Get back in the car Gina, open the back door. This woman needs help." ~~**~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD