Chapter 2: West Virginia To Los Angeles

2515 Words
C H A P T E R 2: W E S T V I R G I N I A T O L O S A N G E L E S  “Hey, Maria? We’re here.” Quickly turning her head to Brian’s direction, who was on the driver’s seat, Natalie ended up just looked at him. Wala kasi sa reyalidad ang kanyang isip at sa katunayan ay hindi niya narinig ang sinabi nito. It was twenty-four-hour road trip from Mississippi to West Virginia, and all Natalie did was to listen to the news on the radio, surfing the internet. Nagbabakasakali siya na makasagap ng kahit anong bagong balita ukol sa mass shooting, at marahil ay tungkol na rin kay Bradley. Kung nakauwi na ba ito, kung nasaan na ito. Pihado kasing kung nasaan ang lalaki, naroroon din si Prince. However, having Prince being exposed to the public was seemed a big issue to Bradley. Kailanman ay hindi nakakita si Natalie ng kahit na anong ambush photo ng anak nila. Natalie had never seen her son since that night. Gustong-gusto niyang makita ang anak niya. Aside from that , just like every second of the year that had passed, her mind couldn’t seem to breathe. Kasi, kung nasaan mang lupalop ngayon si Bradley at si Prince, siguradong naroroon din si Marga. Gayunman ay wala siyang bagong balita na nahanap --- bukod sa kasalukuyang misa at padasal sa harap ng Johansson Memorial Hospital na araw-araw namang inilulunsad ng lokal na pamahalaan. “Hey.” Brian snapped his fingers right in front of her face. Sa puntong iyon ay nakababa na ito mula sa driver’s seat nang hindi niya namamalayan. Noon na lang niya nawaring nasa isang parking lot na sila, at sa ‘di kalayuan ay ang naturang ospital. Doon, sa mismong harap bago makarating sa lobby ay ang mapusyaw na kulay abo at matangkad na monumento na sa ibaba ay puno ng mga bulaklak at kung anu-anong mga gamit. Sa harap ng monumento ay ang hindi karamihang tao. Lahat ay nakayuko, hawak ang may sinding kandilang nakapaloob sa isang disposable cup. Ang iba ay may mga hawak na rosaryo. Sa monumentong iyon, nakatala at naka-engrave ang bawat pangalan ng mga taong namatay mula sa mass shooting nang gabing iyon. Natalie had seen the monument in a snapshot from a newspaper and television but never in person, and she hadn't expected there was that familiar odd feeling that suddenly crept inside of her as she got out of the car while staring at the whole place, as if she was not wearing any footwear that her feet got burnt by the familiar fire of the pavement where she was now standing – a fire that was now eating her alive, pavement that she didn’t remember but just remembered right this moment. That odd feeling was too excruciating. Hindi klaro sa isip ni Natalie kung ano ang hitsura ng naturang ospital noon --- kung may nabago ba o wala, ni hindi na rin niya matandaan pa kung nakita na ba niya ang parking lot na iyon. Hindi rin naman kasi siya nagkaroon ng pagkakataong makita noon ang buong lugar. Ang tanging klaro sa kanyang isip ay ang mga paa niyang puno ng dugo at mabilis na tumatakbo sa naturang semento na iyon papunta sa masukal na gubat ng burol. Burol na nasa mismong likod ng ospital. Nagawa nga pala niyang makatakbo nang gabing iyon. Pero sadyang naging tanga lang si Natalie para maniwalang papakawalan siya ni Marga. “Name?” Marahang hinila ni Natalie patakip sa kalahating bahagi ng mukha ang balabal na suot. Nasa malayo na naman pala ang isip niya. She was already on the entrance towards the monument, Brian was beside her, and she was the one that the police was talking to. “Na—Natalie Dela Vega.” Huli na para bawiin ang sagot niya. Ngayon, ang pulis lalo na ang isa pang kasama nito sa desk, na siya namang kumakausap kay Brian, ay nagkatinginan pa bago inilipat ang atensyon sa kanya. Kunot na kunot ang noo ng mga ito. “It’s Nathanielle De Luna . . . actually.” Brian confidently barged in. Gayunman, ang mga pulis, nanatiling tahimik. Kunot pa rin ang noo ng mga itong binalingan naman si Brian. “I know her,” si Brian muli. “We’re friends, and I just accompanied her here.” Mukhang naniwala naman ang mga kaharap. Kapwa tumipa ang mga ito sa kanya-kanyang mga gadget na hawak. Mayamaya ay sinuri muli ang mga mukha nila. “Name of the victim and your relation with the victim,” tanong muli ng pulis na kaharap niya. Scanned photo ng passport niya ang nakarehistro sa screen ng gadget na hawak ng ginoo. Brian was the one who got her a passport. It was in the car right now, on the dashboard, but acrually, her passport was inside of her bag first. Masyadong abala naman si Natalie at hindi na napansin pa kung paanong nakuha iyon ni Brian mula sa bag niya. All Natalie wanted right now was to go see her sister. Kaya ay sinabi nya, “Nadine Dela Vega. She’s my sister.” “Pardon, ma’am?” “She meant, cousin,” muli ay salo ni Brian. Sa puntong iyon ay kaswal lang nitong nginitian siya sabay tila umaaktong parang nag-aalala. Or it might be not . . . Usapan na nila bago pa umalis ng Mississippi: Nathaniel De Luna is her name. And Nadine Dela Vega was her cousin. Obviously, hindi iyon ginawa ni Natalie. It did not seem like a big deal though. Otherwise, she and Brian would not be able to enter the hospital building. As soon as she got near the monument, she quickly found Nadine’s name. Hindi nagdalawang isip ang alaalang agad na sumigid sa ulirat ni Natalie --- the moment when Nadine got killed. Remembering it was as if she was relieved that memory. Bawat pakiramdam na naramdaman niya noon, damang-dama niya sa bawat pagkakataong maaalala niya lahat. Siguro, ang pinagkaiba lang, mas triple iyong sakit matapos nang gabing iyon . . . kasi hindi na niya magawang umiyak. Tulad na lamang ngayon. Natalie just stared at the name of her sister that the day just went by without her knowing it. Nilisan nila ang ospital, nanatiling lipad ang utak niya sa kawalan. Sa biyahe nila patungong Los Angeles, nag-stopover lamang sila sa isang motel para magpalipas ng gabi. Bago pa sumikat ang araw ay nasa daan na sila. Tuluyang lumubog na ang araw at madilim na ang paligid nang makarating sila sa LA. Hanggang sa natagpuan na lamang ni Natalie ang sariling pumapasok na sa isang bahay kasama pa rin si Brian. Isang lalaki ang sumalubong sa kanila sa foyer. He was thin and tall, much taller than Brian who was six feet and a few inches tall. Natalie had not talked nor asked anything. Parang dahon siyang nakalutang sa ilog at bahala na lang iyong daloy ng tubig kung saan siya dadalhin. For now, she just couldn’t care less. At aaminin niya, sabog-sabog ang pag-iisip niya mula nang lisanin nila ang Mississippi. “This is John.” Si Brian. Magalang namang inilahad ni John ang kamay sa harap niya. “He’s a reporter. He’s my colleague way, way back then, I trust him, so don’t worry. He was actually the one who got you a passport.” Napabaling siya ng mukha sa gawi ni Brian. Saka lang nahalukay ni Natalie na minsan na niyang nakita si John sa mga balita sa telebisyon. “Nice to meet you, friend of Brian,” anang lalaki, kapagkuwan ay ngumiti itong tila natawa gayundin si Brian. Ngiti lang ang ginawa ni Natalie. Nilibot sila ni John sa kabahayan, mayamaya. May udyok kay Natalie na magtanong kung para saan ang paglilibot nilang iyon pero sadyang hindi siya makasingit. Makuwento si John. Ikinuwento nito ang history ng bahay. Malaki, three-story, at halatang matagal nang hindi iyon natitirahan. Ang daming agiw at natatabingan pa ng mga puting tela ang kagamitan doon. The interior was woody, even the smell. “You can choose between this room and the room upstairs, no big deal,” wika ni John sa kanya nang pasukin nila ang isang silid sa second floor. Noon na hindi nakatiis si Natalie. “I can’t afford to rent this big house. I don’t---” “That’s why you will work as this house’s housekeeper,” si Brian. Hindi siya nakapagsalita. Tumango-tango lang si John, tinapik ang balikat ni Brian saka nagpaalam na rin na aalis na. “This is the only thing that I could do to help you, at least. Unless you’ll let go of your anger and come back with me in Mississippi.” “No.” Mabilis ang pagsagot na iyon ni Natalie. “Are you sure? Because once I got out from this property, even if you wanted to change your mind, you can no longer do it. So I’m giving you a chance now to choose.” Napalunok si Natalie. Maraming dahilan para mag-iba ang isip niya at sumama kay Brian pabalik. Pero mas marami pa rin siyang dahilan para ipagpatuloy iyong plano niya. Kaso iyon nga ang problema. It was all but a plan. Plano pa lang at hindi pa nagagawa. Kumbaga, madaling gumawa ng plano pero ang hirap-hirap gawin. “I can’t go back, Brian. Out there is not only my son, there are many things I have to get back---or at least try to get back.” Kung marahil may isang tao lamang siyang malalapitan, mapagkakatiwalaan nang lubos at makapangyarihan din tulad ni Marga . . . Fuck! Please, Natalie, don’t give up yet. Wala ka pa sa umpisa, tandan mo ‘yan. Nais niyang isigaw iyon. Gayunman, pagkabuntonghininga pa lamang ni Brian, sa klarong ekspresiyon ng mukha nitong tila may nais pang sabihin, doon naman umalingawngaw ang kung anong alarm sa bawat sulok ng bahay. “What’s that?” “Someone just passed the gate of this property.” Nagmamadaling tumakbo palabas ng silid si Brian saka pumasok sa katabing kuwarto. Natalie followed. Nagtuloy-tuloy pa siya loob. Bumungad ang sandamakmak na screen. Mangilan-ngilan sa mga iyon ay nakukuhanan ang daan patungo sa naturang bahay. On that road was a white SUV. “It might be just John?” aniya bagaman hindi sigurado. Hindi naman niya napansin kung anong sasakyan ang gamit ni John. “No. I don’t think it’s John. I know his car and it’s nothing like that.” Brian said it while still looking at CCTV screens. ~~**~~ NO ONE had ever been coming in John’s property for almost ten years now. Nasa UK na kasi ang mga kamag-anakan nito. Isa iyon sa mga naikuwento ni John kanina. Kaya katakatakang mayroong mapapadpad sa lugar na iyon. It was still in Los Angeles --- in an exclusive village, which makes it more harder to believe that it is possible that someone might come across in that lot. Masabi mang may gate na kinakalawang na sa luma at hindi naka-lock, may nakapaskil doon na malaking signange --- “PRIVATE PROPERTY. DON’T CROSS!” Sa pinaghalong kaba at takot na rin, hindi iwinaglit ni Natalie ang paningin sa bawat screen kung saan rumerehistro ang naturang SUV. Brian was downstairs, taking precautionary measures. Sa tulong ng liwanag ng isang poste sa katabi mismo ng CCTV camera, laking swerte ni Natalie; nasipat niya ang malabong rehistrong mukha ng isang babae sa driver's side ng sasakyan. Marga, Marga, Marga ang naging bukambibig ni Natalie sa dumaang mga minuto. Until finally, the SUV stopped in front of the house. A woman got off. Mahaba ang buhok, kulot. Medyo malabo man ang kuha ng CCTV, mababanaag na hindi maputi ang babae. Lalong hindi balingkinitan ang pangangatawan nito. She was tall. Definitely, it was not Marga. Marahil ay nakakakunot ng noo kung si Marga nga ang napagawi roon. Pero mas nahihiwagaan si Natalie nang mamukhaan ang babaeng ngayon ay kumukatok na sa maindooor ng bahay. Ivanna . . . H-how on Earth . . . Nais pa sana ni Natalie na magulat kung hindi lang biglang lumitaw sa screen si Brian. Nasa likod na ito ni Marga at itinututok na ang hawak riffle sa ulo ng babae. Dali-dali ay nagtutumakbo si Natalie na makababa ng hagdan. As soon as she opened the door, the shock expression on her face didn’t get faded. Natulala na lang siya. Gayundin si Ivanna, natulala na lamang sa hitsura ng mukha niya. It was too late for the woman to let her mouth fell opened. Pero parang noon lang din kasi nito nagawang makapag-react. Wala pa man ay natutop nito ang bibig, nanlalabo na ang mga mata. Kasabay ng pagbagsak ng mga luha nito ang paghila sa kanya. Ivanna wrapped her arms around her. “I was there in the hospital the day you visited. I saw you, but I didn’t see your face. I heard your voice, how you talk. My guts kept telling me it was you. And it’s really you, Natalie. Oh, God!” She looked at her in the eyes then pulled her again. “I kept reminding Bradley to believe in what you had said that night about Marga. He tried but he slowly had lost his faith.” Noon na naiyak si Natalie. Hagulgol at napakalakas. Honestly, she didn’t know what to react. Bagaman napangunahan agad siya ng iyak. Ang marinig ang huling katagang iyon na sinabi ni Ivanna, dinaig pa iyong sakit ng malalalim na sugat na ginawa ni Marga. “H-how did you know I’m here?” tanong niya. “And why didn’t you approach us in the hospital when you now just sneaked in a private property and show yourself to her that easy?” Si Brian naman ang nagtanong. Saka lang din naunawaan ni Natalie na nanatiing nakatutok sa ulo ni Ivanna ang rifle na hawak ng lalaki. Dahan-dahan ay kumalas sa pagkakayakap si Ivanna. Humarap ito kay Brian, marahan na marahan ay itinataas sa ere ang dalawang kamay. “There’s no need for you to get mad, Mr. Mitchell. You can trust me. I would not risk my life to come here if I’ve anticipated in the first place I was going to be welcomed by one of the top member of SEAL team 6.” Nahigit ni Natalie ang hininga. Wala siyang ideya kung ano ba ang sinasabi ni Ivanna na "SEAL team 6". Nabigla siya dahil kilala nito si Brian. SI Brian na ngayon ay klarong hindi inaasahan ang mga narinig mula kay Ivanna, lalong hindi rin nito inasahang nakahanap ng pagkakataon si Ivanna upang hawiin nang mabilisan ang muzzle ng riffle na hawak. Saglit na saglit lang na-distract si Natalie, kung tutuusin. At mas sandali lamang din ang pagka-distract ni Brian. But that small opening led their bodies fell on the floor. Mabilis ang naging pagkilos ni Ivanna: she fired a taser gun at Natalie, and at the same time, she hit Brian’s face, pushing the riffle towards his face. Tumama sa nguso ng lalaki ang dulo ng baril. ~~**~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD