CHAPTER 14 - Nervous "COME here." Hindi pa rin ako makapaniwala at naguguluhan sa ikinikilos ni Domino nang sundin ko ang ipinag-uutos niya. Katatapos niya lang magluto at ngayon ay tinatawag na ako para saluhan siya sa kusina. Awtomatikong tumuon ang tingin ko sa pagkaing nakalapag sa lamesa nang makaupo na. Napag-alaman kong nagluto siya ng fried pork chop. Nagsaing din siya na ngayon ay nakalagay na sa malaking mangkok. "Marunong ka pala magluto," namamangha kong sabi. Ito ang bagay na ni minsan ay hindi ko inisip na alam niyang gawin. Mahinang siyang suminghal. "Syempre. Hindi ako kagaya ng isa riyan na mukhang cup noodles lang ang alam na lutuin." "Mas madali naman kasi 'yon. You just have to pour hot water on it." "But it tastes bad." Umikot ang mga mata ko. "Hindi kaya, cup