Chapter 5 - Finally

2101 Words
CHAPTER 5 - Finally I LOOKED at the mirror in front of me. I saw a woman staring at me. Kung hindi ko pa alam na ang replekisyon ko 'yon sa salamin ay sigurado hindi ko na makikilala ang sarili. Ibang-iba na ang itsura ko sa dating ako. Mula sa pananamit, kolerete sa mukha at kung ano-ano pa. Kung dati-rati ay puro mga fashion blouse lang ang suot ko at pants, ngayon ay pakiramdam ko ay labas na ang kaluluwa ko. Suot ko ang damit na nakita ko sa mall nang araw na magpunta kami roon ni Xia. Gaya ng tantiya ko ay hanggang kahalati lang ito ng hita ko, kaya ang mahaba kong biyas ay nakalantad. Kahit ang tiyan ko ay nakalantad, kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Ang dibdib ko naman, kulang na lang ay lumantad na rin dahil sa medyo pagka-revealing na disenyo nito. I also put a bold makeup. Ngunit ang pinakatinutukan ko ng pansin ay ang mga mata. Sinigurado kong magiging matapang at nakakapang-akit ito. Nang makatanggap na ng text mula kay Xia ay lumabas na ako ng kwarto ko. Napagpasyahan ng kaibigan na samahan ako sa gagawin ko ngayong gabi. Gusto niyang makita ang kalalabasan ng gagawin kong kabaliwan. Hindi na rin ako tumanggi dahil sa totoo lang, kailangan ko ng kasama. Kailangan ko ng taong magpapalakas ng loob ko. Malayo pa lang sa mismong kinaroroonan ni Xia ay kaagad ko nang nakita ang ngisi sa labi niya habang pinagmamasdan akong maglakad. Nang tuluyang makarating sa harapan niya ay humagod ang tingin niya mula ulo hanggang paa ko. "Bagay namna pala sa 'yo ang ganitong klase ng mga damit," komento niya sa itsura ko. Ngumisi lang ako sa sinabi niya at pinagmasdan din ang suot siya. She's wearing a red cocktail dress. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok at nakabagsak sa magkabilaang balikat niya. "Let's go inside?" Naputol ang pagsuri ko sa itsura niya nang mag-aya na siya. Ngumiti ako at tumango. Nang magsimula nang maglakad si Xia papasok ng bar, lumunok ako at humugot ng sunod-sunod na hininga. Tumayo ako ng tuwid at taas-noong naglakad pasunod sa kaibigan. Just like she taught me the other day, I walked with confidence. Nang tuluyang makapasok ng bar ay roon na kami nakaagaw ng pansin. Mula sa gilid ng mga mata ko, namamataan ko ang ibang k*lalakihan na ngayon ay nasa sa amin na ang atensiyon. Kahit ang ibang mga babae ay pinagmamasdan kami ni Xia. Hindi ko tuloy maiwang mapaisip kung talaga bang masyadong malaki ang naging pagbabago ko. Noong simple lang ako, hindi ganito kadaming atensiyon ang nakukuha ko. Tila biglang mas lumakas ang loob ko sa nakitang resulta ng ginawa ko sa sarili. Kung ang ibang tao ay nakuha ko ang atensiyon, may tiyansa rin naman siguro na makukuha ko ang atensiyon ni Domino. I'm not that simple woman anymore. Habang naglalakad patungo sa bar, pasimple ang mga mata kong gumagala sa paligid. I was looking for my target. Ang kaso nga lang, baka hindi ko sila makita rito kung nasa pangalawang palapag sila ng bar. May dalawang palapag kasi ang bar. Sa ibaba, nandito ang mga kaguluhan. Kung gusto mo naman ng tahimik at ng privacy ay sa pangalawang palapag ka magtutungo. May mga VIP room doon. Mukhang kakampi ko ang tadhana ngayon. Nang kalabitin ako ni Xia at pasimpleng itinuro ang kinaroroonan ni Domino ay bahagya akong napangiti. Nandito sila ng mga kaibigan niya sa unang palapag ng bar, nasa dulong bahagi sila at abala sa pag-iinom. "Now, all you need is to approach him and show how sexy you are tonight," nakangising usal ni Xia. Pakiramdam ko ay pinapalakas niya ang loob ko. Nang ibigay na ng bartender ang order namin ng kaibigan na alak, mabilis ko 'yon kinuha at sunod-sunod na ininom. Pakiramdam ko ay kailangan kong manghiram ng tapang sa alak. Nang sa tingin ko ay handa na ako, makahulugan kong tiningnan si Xia. Tumango siya bilang pagtugon, alam na ang gagawin. Sabay kaming naglakad ng kaibigan patungo sa puwesto ni Domino at ng mga kaibigan niya. Nang tuluyang makalapit, sa wakas ay nakuha na rin namin ang atensiyon nilang lahat. Kahit na si Domino ay sa amin na ni Xia nakatingin. "Hello, boys," mabuhay na bati ni Xia sa mga k*lalakihang nasa harapan namin. Karamihan sa kanila ay may kanya-kanya ng mga babae kaya halos puno na ang apat na mahahabang sofa. "Hello, beautiful." Ngumiti ang isang lalaking walang babae sa tabi niya. Mukhang sila na lang yata ni Domino ang walang katabing babae. Mas lumapad ang ngiti sa labi ni Xia at bumaling ng tingin sa akin. "Nalukungkot kami ng friend ko dahil wala kaming makasama, kaya naisip ko na..." Napatitig ako sa kaibigan nang mag-iba ang ngiti sa labi niya. Isa na 'yong klase ng ngiti na nakakapang-akit. "Puwede ba kaming maki-join sa inyo?" Kaagad na pumayag ang lalaking kausap ni Xia. At mukhang nakikilala kami ng mga kaibigan ni Domino. Kaya nang ayain nila kaming maupo ay itinabi nila ako kay Domino. Si Xia naman ay hindi nalalayo sa akin, ngunit sa gilid niya ay katabi niya ang lalaking kausap niya kanina. Habang nakaupo ay walang hiya-hiya, pinagmasdan ko si Domino sa aking tabi. Mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko sa kanya dahilan para lumingon na siya sa akin. And when our eyes met, I gave him a seducing smile. But he just furrowed his brows. "I know you." Tila nabuhayan ako sa isiping natatandaan niya ako. "Ikaw 'yong babaeng nakakainis," dagdag niya at iniwas na ang tingin sa akin. Tuluyan nang naglaho ang ngiti sa labi ko. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa Domino na ito at kung bakit ganito ang pag-uugali niya; saksakan ng sungit, suplado, at antipatiko! Bahagya na kaming napatanag ng kaibigan nang kausapin kami ng mga kasama sa table, ngunit si Domino ay nananatiling tahimik sa tabi ko. Nang matapos niya akong pansinin kanina ay hindi na siya nagbaling pa ng tingin sa akin. Pakiramdam ko ay walang epekto sa kanya ang naging pagbabago ko. Bumuntong hininga ako at nanghihingi ng tulong na tumingin sa kaibigan. Hindi kagaya ko, madali niyang naging ka-close ang mga kaibigan ni Domino. Nangunguna na siya sa usapan at tawanan. "Pareho kayo ng kaibigan mo ng course?" "Yeah. Pareho kaming tourism management ang kurso." Iilan lang 'yon sa usapan nila at ng mga kaibigan ni Domino. Nang sa wakas bumaling na ang tingin ni Xia sa gawi ko ay kumunot ang noo niya at lumipat ang tingin sa katabi ko. Dahan-dahan na naglaho ang ngiti sa labi niya at napailing nang makitang wala kaming imikan ni Domino. "Alam nyo, parang ang boring na rito sa table natin. Let's go to the dance floor?" biglang anyaya niya sa mga taong nandito. Kaagad namang nagsang-ayunan ang karamihan sa kanila at tumayo na kasa-kasama ang kanya-kanya nilang partner. Kahit si Xia ay may partner na. Nang mapansin kong tila kami na lang ni Domino ang nananatiling nakaupo, bumaling na ang tingin ko sa kanya. Nilagyan ko ng ngiti ang labi nang magsalita. "Let's follow them?" Dahan-dahan na bumaling ang ulo niya sa gawi ko. Nang pakiramdam ko ay tatanggihan niya ang alok ko, hindi ko na siya hinayaang gawin 'yon. Naglakas-loob akong hawakan ang kamay niya at hinila siya patayo. Malaki ang pasasalamat ko nang hindi umalma si Domino sa ginawa ko. Ang maganda pa, nagpahila siya sa akin hanggang sa marating na namin ang gitna ng dance floor. Binitiwan ko na ang kamay niya at hinarap siya habang suot ang mapang-akit na ngiti. Nang makitang wala siyang ginagawa sa harapan ko, humakbang ako palapit sa kanya at dahan-dahan na ipinulupot ang braso sa batok niya. Hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko. Pero hangga't hindi ako binubugahan ng apoy ni Domino ay magpapatuloy lang ako. Napalunok ako at napatitig kay Domino nang sa wakas ay hapitin na niya ang baywang ko. At dahil labas ang bahagi ng tiyan ko hanggang sa baba ng likod ko, nang lumapat ang kamay niya sa balat ko ay naramdaman ko ang init ng palad niya. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Napalunok ako at pinagmasdan si Domino. Nagkagulo ang dibdib ko nang mapansing ang lapit na namin sa isa't isa. At habang kaharap si Domino na ganito kalapit, hindi ko maiwasan pansinin ang taglay niyang kagwapuhan. He has hooded eyes, a pointed nose, and thin lips. His perfect jawline makes him more charismatic. Napansin ko rin ang tangkad niya. Kahit na bahagya na akong matangkad ay hindi ko pa rin siya maabot, hanggang sa ibaba lang ng tainga niya. And lastly, he's intimidating. Ang paraan ng pagtingin niya ay puno ng misteryoso at lamig. Kapag sinasalubong ko ito ay pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko. "So, do you like my new look?" Pagbubukas ko ng usapan sa pagitan namin. Dahan-dahan na rin sumasabay ang katawan namin sa indayog ng musika, ni hindi na rin alintana kung tama ba ang ginagawa namin na pagsabay sa musika. Nakita ko ang pagbale ng ulo niya at pinasadahan ako ng tingin. Biglang may kumabog na kung ano sa dibdib ko nang makita kong nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko. "Pasado na ba ako sa 'yo?" tanong ko nang walang makuhang tugon mula sa kanya. "What?" Wow, he finally said something. "I changed myself because of you," I told the truth. Kumunot ang noo niya at mariin akong pinagmasdan, tila inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa pagkakataong ito, naalala ko ang mga itinuro sa akin ni Xia. Ngumisi ako. "Or do I still need to strip off my clothes in front of you? What do you think, hmmm?" Tumigil ang katawan niya sa pagkilos at napatitig sa akin. Dahil sa ginawa niya ay napag-alaman kong may naging epekto ako sa kanya. Nang manatili siya sa ganoong posisyon, mahina akong tumawa at mahina siyang hinampas sa braso niya. "Just kidding." Umiling siya at muli nang gumalaw. Ngayon, hindi na maalis ang ngiti ko habang kasayaw pa rin siya. Nasa mukha niya pa rin ang pagiging suplado, pero dahil sa inakto niya kanina, kahit papaano ay alam ko nang may epekto ako sa kanya. Sapat na ito para mas madagdagan ang kumpiyansa ko sa sarili. "Can you tell me about yourself?" "Walang nakaka-interes na bagay sa akin." Bahagya akong nabigla sa bilis ng pagsagot niya. "I know there is." "When I said nothing, it's nothing." Ngumuso ako, nagpapa-cute sa harapan niya. "I heard you took a course in business." Nakuha ko ang atensiyon niya sa sinabi ko. Nasa mukha niya ang ekspresiyong tila nabigla na alam ko ang tungkol sa bagay na 'yon. Ngumiti ako sa harapan niya. "Sorry, masyado lang talaga kita gusto kaya lahat ng puwedeng alamin sa 'yo ay inaalam ko." He cleared his throat ang looked away. Mas nasiyahan ako sa naging reaksiyon niya. "Ikaw, hindi ka man lang ba magtatanong ng tungkol sa akin?" tanong ko, sinusubukang pahabain ang usapan sa pagitan namin. Tinatamad niyang ibinaling ang tingin sa akin at tumango, tila sinasabing magpatuloy ako. Mukhang tinamad pa na magtanong! "Gaya ng sinabi ng kaibigan ko kanina, pareho kaming tourism management student. And we want to be a flight attendant." Nang hindi siya umimik, nagpatuloy ako. "Bata pa lang ako, pangarap ko nang sumakay sa eroplano at libutin ang bawat sulok ng mundo. Naalala ko pa nga, isa sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan maging flight attendant ay dahil sa uniform nila." I laughed after I said that. Kahit na pakiramdam ko ay walang interes ang lalaking kaharap sa mga pinagsasabi ko, umaakto pa rin akong nag-e-enjoy na kausap siya kahit na pakiramdam ko ay ako lang ang nagsasalita sa pagitan namin. Tinanggal ko ang ngiti at nagseryoso. Inilapit ko ang bibig sa tainga niya. Sinadya ko pang madampian ng labi ko ang gilid ng tainga niya. "Alam mo kung ano pa ang gusto kong sakyan?" pabulong na tanong ko sa kanya. Dahil sa pagiging malapit naming dalawa ay naramdaman ko ang pagbigat ng hininga niya. "Ano?" maikli niyang tanong ngunit sapat na para sumilay ang isang ngisi sa labi ko. Inangat ko ang kamay at dinala iyon sa dibdib niya. Gumapang ang kamay ko pataas sa leeg niya hanggang sa marating ang pisngi niya. Inanggulo ko ang mukha niya paharap sa akin dahilan para magkatitigan kami. Hindi pa rin pinuputol ang tingin mula sa isa't isa, ibinigay ko ang pinakamaganda at nakakaakit na ngiti ko sa kanya. "You..." I said in a husky voice. And I saw how his adam's apple moved. I finally got your attention, Domino Alvarez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD