MEETING HER AGAIN

1388 Words
Greg Pov... Pumikit ako para namnamin ang hangin sa Pilipinas kung sinilangan. Feels like I'm already home. Sana sa isang linggo kung ilalaan dito ay mahahanap ko ang babaeng nagpapabaliw sa akin ng ilang buwan. Vivian you don't know what exactly you did to me! I don't regret meeting you and experiencing some extra unforgetable night with you, but I regret not getting any information from you! Muli akong napangisi sa kawalan. Mapagkakamalan talaga akong nasisiraan ng bait nito. Sino ba naman ang hindi magtataka kung ang kasama mo ay bigla nalang ngumingiti ng walang dahilan. Ngiti pa more Greg San Juan at baka ang punta mo ay sa Mental Ospital na. Katos ko sa aking sarili bago bitbitin ang aking mga bagahe. "Mukhang maganda ang mood natin ngayon ah! Kulang nalang sasayaw kana riyan kakangiti." Biglang bulalas ni Jay sabay suntok sa aking balikat. Napahalakhak ako sakanyang tinuran. "Ha! Ah! Wala naman insan, masaya lang akong makakalaro ko nanaman ang aking mga pamangkin kahit si Jasmine at David ay ayaw na makipaglaro sa akin." Nakadila kung sagot kunwaring totoo ang aking dahilan. Sh*t! Kailangna ko talagang makita na ang babaeng salarin kung bakit mukha akong nasisiraan ng bait. Napahalakhak ng malutong si Jay. "Masasanay din sila sa'yo, ngayon ka lang nila nakilala at hindi pa sila sanay sa presensiya mo." Pampalubag loob na paliwanag niya. Sabagay tama naman talaga siya. Si Danny ang lumaki sa poder ko kaya mas close siya sa akin kaysa kay Jay naman. "Teka insan kain muna tayo sa burger stand malapit sa park. Namiss ko ang amoy ng mga pagkain doon. Pakiramdam ko ilang taon ang lumipas samantalang anim na buwan lang naman." Yaya ko sakanya at bigla akong nakaramdam ng gutom at pagkauhaw. Kakaiba ang bulong ng hangin. Damn it Greg! "Good choice bro. Naalala ko paboritong tambayan nina David at Vivian doon kaya madalas nag - uuwi sila ng pagkain doon na nagustuhan din naman ni Dana." Nasamid ako sa sarili kong laway pagkabigkas niya sa pangalan ni Vivian. Lumingon ako sakanya is she the same Vivian I'm looking for? Nagtayuan ang mga balahibo sa aking katawan sa isiping baka siya ang hinahanap ko. What if siya nga ha? Kontra nanaman ng aking utak na dating malandi lang. Umupo kami sa isang bakante na bench at nagsyesta sa pagkain ng kanilang burger, fries at softdrinks na ni minsan hindi namin ginagawa pero dahil naggygym naman kami kaya okay lang. Burn the calories later nalang. "Gusto kong dumalaw sa Quezon, namimiss ko ang lugar na iyon at ang ganda ng paligid. Malamang sobrang yabong na ng mga bulaklak at sumisibol na ang mga punong halaman na pinatanim ko sa likuran." Masaya kong sabi sakanya para maiba naman ang ihip ng hangin at parang sasabog ang puso ko sa kaba. Kanina lang excited akong makita siya dito sa Pilipinas pero ngayong tunog parang nasa tabi lang siya ay umurong ang bahag ko. "Oo insan, napakaganda na doon at madalas kaming dumalaw ni Dana. Gusto rin niya ang lugar na iyon. Nagpapaalam nga si kuya Jared na kung pwede magbakasyon daw siya doon muna ng ilang buwan." Masiglang kwento niya. Nakakaaliw na sa lahat ng unos na dumaan sakanila ay naging maayos din ang lahat. Sana magiging maayos din sina Jenny at Daniel hanggang ngayon wala pang nakakaalam kung nasaan siya. Jenny is a woman full of surprises, but in a good way. Pagkatapos naming itapon ang aming mga pinagkainan ay namasyal muna kami sa parke at bumili ng mga pasalubong na pagkain bago tuluyang umuwi. Habang lumalapit ang taxi sa bahay nila Jay ay lumalakas din ang kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko isa akong tinedyer na kinikilig pagkakita sa kanyang crush o matatapilok dahil makikita si crush. This is annoying and embarrassing feeling considering my age. Huwag umasa Greg baka ibang Vivian ang sinasabi ng pinsan mo, pampalubag ko sa aking dibdib. Masakit umasa tapos maling hinala lang pala. Nagtaxi kaming umuwi dahil gustong sorpresahin ni Jay ang kanyang mag - iina kayahindi nag - abalang tawagan ang kanyang drayber.. Habang naglalakad kami papasok sakanyang bahay ay may sumalubong agad sakanya na babae kasama ang makukulit niyang anak. Nanatili ako sa likuran niya. "Magandang gabi po sir. Akala ko po sa Sunday pa po ang dating niyo." Bungad pambati sakanya ng mga kasama ng mga bata. Parang nakuryente yata ang aking ulirat pagkarinig sa malambing at magiliw niyang pagbati kay Jay. I'm sure she was the person I'm longing for! Gusto kung silipin pero parang nagka - stiff neck yata ako. "Ah! Oo gusto ko silang sorpresahin. Nasaan si Dana?" Sagot naman ni Jay. "Nasa kusina po nagluluto ng cake, request po ni Jasmine." Naaaliw akong pakinggan ang malambing niyang boses. Wala akong kaalam - alam na ipinapakilala pala ako ni Jay sakanya at ako'y nawawala sa aking sarili nanaman. Wala rin siyang kaalam - alam na nagkadaupang palad ko na ang kanilang yaya noong araw ng kanyang kasal at hindi ko alam na kasambahay niya pala ito! "Insan! Okay ka lang jan?" Untag niya sa akin para mapabalik sa aking salbaheng diwa. "Ha! Oo naman insan." Pinipilit kong maging kalmado na sagot. Hindi ko naman kasi inaasahan na dito ko lang pala sa bahay niya matatgpuan ang binibini na bumighani sa aking puso. "Siya nga pala si Vivian ang yaya ni David. Hindi ko pala naikukwento sa'yo, sa Dubai namin siya nakilala at ulilang lubos kaya tinanggap namin dito sa tulong ni Ate Tess." Pagpapakilala ni Jay. Unti - unti kong iniangat ang aking ulo at tumingin sa maganda niyang mukha sabay abot ko ng aking kamay. "Nice meeting you Vivian. Ako nga pala si Greg!" Natulala siyang napanganga sa gulat pagkakita sa akin. Halos mangawit na ang aking kamay kakaantay para abutin niya. Hindi lang ikaw ang nagulat Vivian. I'm more shocked to see you here! Bulong ng aking utak na natutuwa makita siyang gulat na gulat at tulala. "A-Ah! Nice meeting you din po sir Greg." Utal niyang sambit at dahan - dahang inabot ang aking palad. Bago niya bitawan ang aking palad ay pinisil ko ng panadalian ang kanyang kamay habang nakatitig sa kanyang mga mata. Akmang aalis na siya nung inutusan siya ni Jay. Kapag umaayon nga naman ang tadhana sayo. "Ah! Vivian pakihatid siya sa magiging kwarto niya. Dito siya titira ng isang linggo, si manang na ang magdala ng mga pagkain sa kusina. Sumabay ka rin at may binili akong paborito mo." Sabi ni Jay. Atubili man siya pero wala siyang magawa kundi sumunod. Tuwang - tuwa naman ang aking puso na kahit sa sandali ay masilayan ko siyang muli. Biglang may pilyong kumatok sa aking utak. "This way po sir." Nanginginig niyang sambit habang ako naman ay naaaliw sakanya. "Sure Vivian!" Pinalandi kong sagot. Habang naglalakad siya ay malaya kong pinanood ang bawat galaw niya at ang kabuuan ng kanyang katawan, kahit na nakasuot siya ng damit pangkatulong ay makikita mo parin ang slender niyang pangangatawan at makinis na balat. "Sir, ito po ang magiging kwarto niyo. Doon naman po ang kwarto nina sir Jay at-" Pinutol ko ang kanyang sasabihin sa pagtapat ng aking mukha sakanyang mukha. "At saan naman ang kwarto mo Ms. Vivian?" Mahina kong tanong sakanya. "H-Ha! E-Eh! Sir katabi po ng nursery room." Nanginginig at nautal niyang sagot. Dahil natutuwa akong asarin siya. Mas inilapit ko pa ang aking mukha sakanyang mukha ng ilang dangkal lang ang layo sakanya na malaya niyang maaamoy ang aking hininga. "Then, see you later sweetheart." Malambing kong saad sabay kindat sakanya. Patatagalin ko pa sana kaso tumatawag na si Jay. "Vivian, pakisabi kay Greg puntahan ako sa study room at bumaba kana rin dito para kumain." Sigaw ni Jay. Dahil dinig ko naman ako na ang sumagot. "Magshower lang ako insan!" Muli akong lumingon sakanya na nakatulala paring nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng malapad at kinindatan siyang muli. I guess the feeling is mutual now! Ako kanina ang hindi mapakali at parang natatae sa kaba. Napakalapad ang aking ngiti habang kumakanta at sumasayaw sa shower. Baby, I'd give up anything to travel inside your mind Baby, I fall in love again come every summertime My daddy taught me to choose 'em wisely, but you don't have to try 'Cause, baby, I fall in love every summertime The game starts now sweetheart!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD