Chapter 2

1709 Words
"Tita salamat po ulit dito. Sabihin ko na lang po kay Mama." Sabi niya sa tiyahin niya ng makuha na niya ang ipapaabot nito. Hindi na rin siya masyadong nagtagal doon kaya binilisan niyang ubusin ang meryenda na inihain nito sa kanya, dahil gusto na rin niyang makauwe para makapagpahinga, isa pa ay maraming ipinauweng homework ang mga prof nila kaya marami siyang dapat gawin, tapos ay may deadline pa ang mga iyon. "O sige neng, salamat din sa pagdaan mo dito, ingat ka sa pag uwe ha." Sabi ng tiyahin niya. Inihatid pa siya nito sa pinto. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, kasi ay pansin niya na masyado pa yatang mainit gayong malapit ng mas alas kwatro ng hapon. Kailangan niyang maglakad muli sa labasan para makasakay ng jeep. Summer days din kasi kaya ganoon. Ang ginawa niya ay itinabing niyang muli sa mukha ang hawak niyang envelop na katulad ng kanina niyang ginawa para hindi siya masyado mabilad sa araw. Dalaga na siya kaya kailangan na pag ingatan niya ang kanyang kutis. Maputi pa naman siya dahil mana siya sa kanyang ina na maputi din at hindi yata talaga ito umiitim, may lahi kasing chinese ang kanyang ina. Pero nung kabataan niya ay maitim siya dahil sa mahilig siyang maglaro sa labas, lagi siyang pinagsasabihan ng mama niya. Pinakinggan niya lang iyon noong nagteenager age na siya. Naging concious na kasi siya sa sarili dahil na rin sa kapitbahay nilang sobra siyang nagagandahan, may lahi kasing amerikana ang naturang kaedaran niya kaya sadyang maputi. Hindi pa siya masyadong nakakalayo sa bahay ng tiyahin niya ay may biglang huminto na motor sa gilid niya, nakadama siya ng kaba kaya dahan dahan niyang inalis ang tabing sa ulo niya para makita kung sino ang estranghero na iyon. Napataas ang dalawang kilay niya sa pagtataka sa lalaki na nakasakay sa motor, kay ganda ng pagkakangiti nito sa kanya. Siya naman ay puno ng pagtataka ang itsura. Out of the blue ay si Adrian pala ang crush ng kaibigan niya. "B-bakit?" Tanong niya. Medyo kabado siya at the same time ay nag aalangan. Bakit kasi siya pinapansin nito ngayon? Na parang nakikipagkaibigan yata. Nahipan yata ito ng hangin kaya naging ganoon. Kanina nga ay ni hindi sila tignan ng kaibigan niya, nung nasa canteen sila. "Mainit kasi gusto mo ihatid na kita miss?.." Ibinitin nito ang sasabihin at hindi pala alam ang name niya pero sa mukha alam niya na magkakilala sila. At siya naman ay alam na alam niya ang pangalan nito, medyo nakadama siya ng konting hiya dahil dun. "M-megan na lang." Medyo nahihiyang sabi niya. Ngumiti na rin siya. "Ohh..tss Megan pala ang name mo. Nakikita na kasi kita matagal na pero hindi ko nga alam ang pangalan mo." Nakatawang paliwanag nito. Sabay lahad ng palad sa kanya, tinanggap niya iyon dahil wala naman siyang nakikitang panget doon. Kaya nagshake hands sila bilang officially na magkakilala na. "Adrian." Banggit nito sa sariling pangalan. Napakafriendly ng pagkakangiti nito. "Gusto mo bang makiride sa akin para hindi ka na mainitan?" Aya ng lalaki, pero nagdadalawang isip siya dahil kung papayag siya, nakakahiya naman sa side niya, kadalaga niyang tao and yet now lang sila nagkakilala at nakapag usap, tapos ay magagawa na niyang umangkas dito. Kaya mas pinili niya na tumanggi. "Nope!" Sabay iling. "Malapit na rin naman ang sakayan dito. Maybe some other time na lang. By the way thank you na rin." Saad niya dito, nakatingin ito sa mukha niya kaya kaya medyo naiilang siya buti na lang at mainit, hindi nito iisipin na nagbablush siya dahil sa pagkakatingin nito. Blushy din kasi ang skin niya sa face. Konting kibot ay namumula na talaga siya. "Okay Megan ikaw bahala." Sabi rin nito. Ngumiti siya at nagsimula nang maglakad. Nagulat siya dahil umalis ito sa motor nito at inakay na lang iyon para sumabay sa kanya sa paglalakad. Nagtatanong ang mga mata niya dito. "Sasabayan na lang kita since ayaw mu umangkas." Tawa ulit ito. Alam niya na mahihirapan ito sa gagawin, eh wala naman siyang magagawa at consistent ito na sabayan siya kaya bahala na ito sa gusto nitong gawin. "Oh I see." Aniya. Tumango na lang siya, alangan itaboy niya ito. "Akala ko ay dito ka nakatira. Matagal na rin kitang nakikita dito." Turan nito. "Nope. Si autie ko tagarito at pumupunta ako sa kanya minsan." Paliwanag niya sa binata. Nagtataka talaga siya kung bakit naisipan nitong kausapin siya samantalang sa school campus nila ay never pa siyang kinausap nito o sila ni Cassie. Alam niya na kapag nalaman iyon ng kaibigan ay matutuwa iyon o maaari ding magselos kaya? Hindi niya tuloy alam kung ikukwento ba niya kay Cassie. "Ah ganon ba., kala ko talaga na tagadito ka." Sabi na lamang nito. Medyo nakakaramdam siya ng pagkailang sa lalaki, pero hindi naman siya suplada para supladahan ang pakikipagkaibigan nito. "Actually ako ay tagarito talaga." Tapos ay lumingon ito kaya napalingon din siya. "From here ay tatlong kanto tapos ay sa amin na." Inform nito, gusto niya sabihin na hindi naman niya tinatanong at hindi siya interesado kaya lang lalabas na bastos naman siya. Tango lang siya. Nag iisip siya ng paraan kung paano niya ito maiiwan kaya sa magandang paraan. Gusto na niyang bilisan ang paglalakad dahil sa mainit kaso ay hindi niya magawa. Hindi naman siya attracted sa guy na ito para kiligin siya o matuwa dahil pinapansin siya nito, sana pala ay isinama na lang niya si Cassie para ang dalawang ito ang magkwentuhan sure siya na masaya pa ang kaibigan niya kapag nangyari iyon kahit pa nakabilad ito sa araw. Medyo binilisan niya ang paglalakad para iparamdam dito na gusto na niyang makauwe. Ang ginawa nito ay sinabayan pa rin siya. Pero hindi na sila masyado nag usap at nakahalata siguro ito na hindi naman siya interesado. Sa wakas ay nakarating na sila sa sakayan at agad siyang naghanap ng masasakyang jeep. Pinara na niya iyon. "Pano ingat na lang." Kaya napalingon siya dito at nginitian niya kahit papano. "See you na lang sa school campus." Tumango siya dito. Saka sumakay na siya. Nilingon pa niya ito habang umaandar ang jeep at sa pagtataka niya ay hindi pa ito umaalis doon at nakatingin pa sa kanya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil sa gesture na iyon ng binata. She know's na may something pero agad niyang inalis iyon sa utak niya. Ayaw niyang pagkaabalahan pa na isipin kung ano ang ibig sabihin ni Adrian. May matatag siyang pasya na tatapusin niya muna ang pag aaral at saka na ang mga usaping puso alang alang sa pakiusap ng kanyang Papa. Naranasan naman na kasi niya ang makipagrelasyon sa mga kalahi ni adan at lahat ng iyon ay nakakakilig talaga yung tipong ang pakiramdam ay naglalakad ka sa alapaap. Pero may isa rin siyang natutuhan sa mga iyon na hanggang sa umpisa lang naman masarap at nakakakilig pagtagal ay maglalahong parang bula din ang feelings na iyon. Kaya tama talaga ang sinabi ng Papa niya sa kanya. Madali lang naman talaga na makipagboyfriend pero saka na kapag tapos na siya ng pag aaral dahil mahirap pagsabayin ang love and studies, hindi mo magagawang makapagfocus. Isa pa mahal na mahal niya ang mga magulang niya at ayaw na niya na saktan pa ulit ang mga ito o madismaya sa kanya. May gusto siyang patunayan sa mga ito iyon ay ang totoong pagmamahal niya bilang anak ng mga ito. "Oh.. M. G Megs!" Napatingin siya kay Cassie, nagtataka siya kung bakit ito napasalita ng ganoon. Kasalukuyan silang nasa loob ng classroom at may ginagawang sulatin. Pero pagtingin niya sa kaibigan ay nakatingin ito sa labas. "Megan don't you see that?" Sabay kalabit nito sa kanya, habang nakapukol ang tingin sa labas, sa may hallway ng kanilang building. Wala namn siyang nakikita. "Alin sis?" Tinignan niya ulit kung saan ito nakatingin. "S-si Adrian dumaan siya.!" Pabulong pero kinikilig na turan nito. "And not just one kundi three times na siyang pabalik balik diyan Megan. Maybe babalik siya ulit, tignan mo. Wait! Wait.." Sabi pa nito. Naalala niya tuloy ang encounter nila ng binata ng nakaraang araw na hindi niya kinuwento sa kaibigan niya. Ayaw niya kasi na bigyan pa nito ng malisya ang bagay na iyon o mag isip pa ng kahit na ano, at isa pa ay sigurado siya na katakut takot na tanong din ang gagawin nito sa kanya, definitely she's not interested sa guy na iyon o kahit na kanino pa. Patuloy nitong hinihila ng mahina ang manggas ng suot niya kaya naghintay na rin siya sa sinasabi ni Cassie na dadaan ulit si Adrian kaya dalawa silang nakatingin tuloy sa labas. Ewan ba niya bakit nakikiayon siya sa makulit niyang katabi. "Nariyan na siya.. Look!" Bulong nito ulit. Hindi naman ito nagkamali dahil talagang dumaan si Adrian at takenote dahil nakatingin ito sa kanya, kaya nagsalubong ang mga mata nila. Nagtataka tuloy siya, pinakunot niya ang kanyang noo, para ipabatid dito na nagtataka siya then ibinalik na niya ang tingin sa ginagawa, gusto niyang ipakita dito na busy siya at wala siyang panahon sa ibang bagay, kung nakatingin pa rin ito sa kanya ay hindi na niya alam. iyon. "Nakita mo ba siya Megs?" Humarap sa kanya si Cassie, kaya ang nakita nito ay nakayuko na siya at abala na sa ginagawa. "Yes nakita ko sis. Tapusin mo na yan. Mamaya na yan." Saway niya sa kaibigan, tumingin siya sa gawi ng kanilang prof kaya nakita niya na nakatingin ito sa kanila. Pero hindi pa rin nagpaawat si Cassie. "Why kaya pabalik balik siya dito?" Mahinang tanong nito. Miski siya ay curious pero hanggang doon lang. "Sshh.." Inilagay niya ang hintuturo sa kanyang labi at itinuro niya ang prof nila at ibinalik niya ang mga mata sa ginagawa, naramdaman naman niya na tumigil naman rin ito, siguro ay nakita na nito na nakamasid na talaga sa kanila ang guro nila. Pero sure siya na mamaya ay kukulitin siya ng kaibigan ng bongga. Binilisan na niya ang ginagawa at baka mapagalitan pa sila, hindi pa namam siya tapos. Malaki na siya kaya ayaw na ayaw na niya na mapapagalitan o mapagsasabihan pa, para lang iyon sa mga bata. Kaya lagi na siyang behave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD