JONA POV Naka black na shades pa ang mokong na 'to pero aminado ako na ang lakas ng dating niya at amoy na amoy ko ang pabangong kumapit sa kanyang katawan. Pumasok ako sa loob ng kanyang sasakyan sa likod. Magkatabi kaming dalawa at tsaka may isang lalaking nagmamaneho. "Tol, si Jona nga pala, girlfriend ko," pagpapakilala sa akin ni Xander, sabay ngiting proud at halik sa pisngi ko. "Naks! Ang ganda ng girlfriend mo pare ha!" sambit pa nung lalaki, hindi ko lang alam kung binobola niya ako pero aminado naman akong hindi ako masyadong maganda. "Ako pa ba? Syempre magaling akong pumili!" Napalingon ako ng mabilis kay Xander, "Hoy anong sinasabi mo jan ha? Kaya mo lang ba ako naging syota kasi maganda ako?" "Of course lahat naman tayo attracted sa hitsura ng tao. But it is always