JONA POV Natahimik ang mga tao sa buong venue at nagsimulang umiyak si Jessica. "Yung wish ko ngayong araw, sana ay magustuhan din ako ng lalaking mahal na mahal ko. Kaya lang parang hanggang pangarap na lang yata yun. While I admit na maraming mga lalaki ang nagkakagusto sa akin, sa iisang lalaki lang ako nahulog." Damn! May gusto yata itong babae na 'to sa boyfriend ko. Kaya lang sorry siya kasi nasa akin na si Xander. Hinawakan kong maigi sa braso ang boyfriend ko at tiningnan ko ng sarcastic si Jessica para mamatay siya sa inggit. Sa akin lang si Xander at wala siyang magagawa rito. Bukod sa sinabi niyang ito, wala na siyang ibang dinagdag pa! Nag inuman lang kami ng boyfriend ko at mga barkada niya. Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin ni Jessica kay Xander. Sorry na lamang siya