JONA POV "Teka saan ka pupunta?" tanong niya. Lumingon ako sa kanya, pinagpapawisan kaagad ako dahil nakakataranta. "Saan pa eh di uuwi na ako! May emergency lang naman." "Ahhh ganun ba? Ihahatid na kita." "No! Ubusin mo yung pagkain at wag na wag kang susunod sa akin, naiintindihan mo ba?" mariin ko pang sabi, ayaw ko lamang siya na sumunod sa akin dahil baka makita pa siya ni Ninong Jay. Nag madali na akong umalis ng restaurant. Nakarating ako sa apartment ni Ninong Jay, mabuti na lamang at wala pa ito sa loob. Maayos naman ito, kung ano ang nadatnan ko kanina ay ganun pa rin naman. 2 pm ng hapon, dumating si Ninong Jay na isang lalaki. Medyo may katandaan na rin ito, parang nasa 40's na rin siya. Matangkad siya at mayroon siyang malaking pangangatawan. Kulay asul ang kanyang mg