JONA POV Kumain kaming tahimik ni Ninong Jay. Walang bakas ng ingay ang maririnig sa aming dalawa. Tapos, naiilang talaga akong tumingin sa kanya. Ganito ba talaga kapag nakagawa ako ng sunod sunod na mga kamalasan? Sobrang nakaka guilty. Samantala, biglang nag ring ang cellphone ni Ninong sa lamesa. Parang nakatanggap siya ng seryong message. Galing kaya ito kay papa o galing ito kay sir Carl? Kinakabahan ako pero itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain ko para itago ang kaba. "Ohhh... on the way na ang papa mo rito sa apartment mo bukas. Susunduin ko siya bukas ng umaga kasi naririto na siya. Pwede mo na siyang kausapin ng personal tungkol sa pag aabroad niya." "Ahhh... ganun po ba? Sige po..." "Bakit naman ganyan ang reaksyon mo? Di ba dapat masaya ka nga kasi makikita mo