JONA POV "Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin?" Lalo siyang napa higpit ng yakap sa akin. At pagkatapos binigay niya yung alak. "Mag share na tayo ng inom, tutal mag jowa naman tayo." Uminom naman ako sa bote niya. Tuwang tuwa ako sa mga sandaling ito. Ganito siguro talaga kapag bago bago pa lang ang relationship. Puro sweet moments lang but that is okay. But before we get drunk, mayroon lang akong paalala sa kanya. "Hoy, tigilan mo na ang pakikipag usap mo kay Jessica ha?" "What? Sobrang imposible naman ng gusto mong mangyari. Magkaibigan pa naman kaming dalawa noon." "Ang problema kasi, kaibigan lang ang turing mo sa kanya pero siya, hindi kaibigan ang turing sayo. Yung mga tingin niya sayo kanina, halatang gustong gusto ka niyang agawin sa akin eh." "Aagawin? Bakit mas magand