Chapter 10 Ang lakas niyang pag-utusan ako! Grabe! Bakit sino ba siya? Hindi ko naman siya boss? Wait! Di ba siya ang boss dito? And why I am sulking anyway? Bakit kanina pa ako naiinis sa Blue na yun mula kaninang nakaalis na siya sa gym? At bakit ba masyadong siyang nag-aalala kay Miss Freya? Naipilig ko ang ulo ko. Bakit ganito ako mag-isip ngayon? Medyo nakakairita ang ganitong feeling. At bago lang ito sa akin. Hinilot ko ang sentido ko matapos kong magbihis galing sa pagsa-shower. Napasimangot ako nang maalala ko yung sinabi ni Blue na pumunta daw ako sa infirmary. Tss. Wala akong magagawa kundi sundin yun. I have to follow him because he's still the boss of Night Raid at ako? Nagte-training lang naman ako. At narito ako para sa preminilary exams. Umalis na ako sa gym at dumirets