VII: Patay na sila, masakit ba?

4666 Words

---Patay na sila--- Isang malaking kasalanan ang ginawa ni Geoff dahil pumayag siya sa gusto ni Penpen. Ngayon ay isa na siyang alipin na sunod-sunuran sa mga gusto nito. Lalo na sa maitim na plano nito sa kanyang pamilya. At kahit anong oras ay pwede siyang gamitin nito laban sa pamilya niya. Kanta pa... Laro pa... Simulan na ang kasiyahan. p*****n na! Sa taas ng bahay naghahanap ang ate ni Geoff na si Carla. Hindi nito alam na patay na ang kuya niya na si Tom. Wala silang kamalay-malay sa karumal-dumal ang ginawang pagpatay kay Tom. "Geoff, bunso? Nasaan ka na! Nag-aalala na kami. Nasaan ka na ba bunso?" naiiyak na sigaw ni Carla habang hinahanap ang kapatid. Kahit saang sulok ng mga kwarto tignan ni Carla ang kapatid ay hindi niya ito makita. Hanggang sa makaramdam na siya ng pagod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD