--- Barangay walang-buhay - - - James' POV Kailangan namin maakalis agad ng anak ko dito sa bahay. Dahil sigurado ako -- ngayon ay nalaman na ni Penpen na niloko ko siya at nagsinungaling ako. At sa mga oras na ito sigurado din ako na pabalik na sila. "Geoff, anak bilisan mo kumuha ka ng tubig at tela kailangan malinis natin agad ang mga sugat ko. Kailangan natin magmadali tumakas." "Sige po papa." Nararamdaman ko na nagngingitngit na ngayon sa galit si Penpen dahil sa ginawa kong panlilinlang sa kanya. Kaya minadali ko ang anak ko na kumuha ng tubig at tela para malinis na agad ang sugat ko. Pipilitin kong makapaglakad para makatakas kami. Hindi ko hahayaan na maabutan kami nila Penpen at Sarapen dito. At habang kumukuha ang anak ko ng malinis na tubig at tela ay nagmam