CFW5: Eavesdrop!

1406 Words
--------- ***Krysthel*** - Papunta ako sa opisina ni Gray, gusto kong bumawi sa kanya dahil sa nangyari kagabi na nasukaan ko sya nang hindi sinasadya. Alam kong mas lalo syang nagalit sa akin dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari, mas lalo akong nahilo at mas lalong bumaliktad ang sikmura ko ng bigla nyang akong kinarga na parang sako ng bigas. Pero kahit may kasalanan sya sa nangyari, sa aming dalawa, ako pa rin ang dapat magpakumbaba, dahil ako yong inlove na inlove sa kanya. Naglakas- loob pa ako kanina na tawagan ang mommy ni Gray na si mommy Afiah para lang malaman ko kung ano ang mga paboritong pagkain ni Gray. Nag- research at nanood ng youtube para malaman ko kung paano lutuin ang mga ito, nag- grocery din ako ng ingredients at ngayon nga, naglalakad na ako papunta sa opisina ni Gray at dinalhan ko sya ng lunch. I hope he will be pleased with what I did. I hope he realizes that I did everything just to win him over. I love him very much and I will do anything to win his heart. "Good morning, ma'am. Do you have an appointment with Mr. Montreal? He is still in a meeting with someone in his office." ani ng sekretarya ni Gray sa akin. "It's okay. I understand. I'll just wait. I just brought his lunch anyway." nakangiti kong sabi dito. "I apologize, ma'am, but he refuses to accept food from anyone. Maybe it's best not to wait for him if that's all you need. Baka mapahiya ka lang pag tinanggihan ni boss ang pagkain na dala mo." "It's okay. I'm sure he'll accept the food I brought. After all, I always cook for him. Why wouldn't he accept food prepared by his wife?" nakangiti kong sabi dito. "Wife?" kunot- noo ang sekretarya. "Yes. Anyway, I am Krysthel Alexa Montefalco Montreal, your boss' wife." proud kong pakilala sa sarili ko. Sandaling napanganga ang sekretarya. Alam kong nagulat ito sa nalaman na may asawa na pala ang boss nitong babaero. My marriage with Gray is a secret, and it's really unbelievable that he's married. With Gray's reputation for being such a playboy, no one would expect him to settle down. Kaya nga idinaan ko si Gray sa pikot. "Oh, my apologies, madam. I wasn't aware that you're the boss's wife. I'll just let him know you're here."she was about to make phone call to Gray's office, but I stop her. "No need. I'll just wait for his visitor to come out of his office." Ayaw kong madistorbo si Gray. Baka mahalaga ang pinag- uusapan nito at nang kausap nito. Ayaw kong magkamali muli. Ayaw kong mas lalong magalit si Gray sa akin. "Okay maam. Umupo ka muna sa couch habang naghihintay." Sinunod ko naman ang sinabi nito. I sat on the couch while waiting for Gray's visitor to come out of his office. To pass the time and avoid getting bored, I picked up a magazine and started flipping through its pages. But after a while, I also felt bored. My attention wasn't really focused on what I was reading but on wondering what Gray's reaction would be that I brought him food. Na pinaghirapan kong lutuin ang mga paborito nyang pagkain. Napatingin ako sa cubicle ng sekretarya, hindi ko ito nakita, siguro may pinuntahan ito sandali. Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako sandali sa pinto ng opisina ni Gray, itinapat ko ang tenga ko dito. I just wanted to check kung matatagalan pa ba ang pag-uusap nina Gray at nang kausap nya ngayon. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang bahagyang nabuksan ang pinto. At sumalubong sa pandinig ko ang tawa ni Gray at ng isang babae. "I heard you got married. How is your wife?" ani ng babae. "Can we not talk about my boring wife? It just annoys me." ang sagot ni Gray. Nanigas agad ako sa narinig ko kay Gray. "It's like you're saying that your wife means nothing to you." "Yes. She is." walang pag- alinglangan na sabi ni Gray sa kausap nya. Parang tinamaan ako ng malaking bitak ng bato sa narinig. At ang puso ko ang tinamaan. Napakasakit. Agad na nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko. "You're quite a character, Gray. It's rather amusing. You went ahead and got married, but it seems your wife holds no value to you. What's the real reason behind marrying her? Is she merely a scapegoat to fend off the woman who's been relentlessly pursuing you, claiming she's pregnant with your child?" "Parang ganun na nga. Nung ipinakita ko sa babaeng yon ang marriage certificate ko, tinigilan ako agad. So, I found some relief, in a way, regarding why I got married. But my marriage won't last long; staying with my wife for a lifetime isn't something I see happening.She deceived me, I used her. Anyway, why are we talking about my worthless wife? Why don't we talk about your vacation instead?" Tuluyan nang napatulo ang luha ko sa narinig. Ang mga sinasabi ni Gray ay parang kutsilyo na paulit- ulit na isinasaksak sa puso ko. Gusto kong humahagulhol sa pag- iyak. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na naramdaman ko. Kahit naninikip ang dibdib ko, pero naglakas loob akong humakbang pabalik sa couch. Kumuha ako ng panyo mula sa bag ko. At mabilis kong pinunasan ang luha ko. I composed myself. Whatever I heard, I should simply brush it off. Gray spoke those words because he doesn't love me yet. Someday, he'll learn to love me and be proud to have me as his wife. Umupo ako muli sa sofa na parang wala akong naririnig na pumipiga sa puso ko. Para makuha ko ang pinaka- asam- asam kong pag- ibig mula kay Gray, dapat matuto akong magtiis. Achieving dreams isn't a simple feat. And Gray is one of those dreams that isn't easily attainable, but I will reach it eventually. Hence, I shouldn't give up too soon. Mayamaya lang, bumukas ang pinto ng opisina ni Gray. Agad akong napatingin dito, nakita ko ang paglabas ni Gray at ng babaeng kausap nya. Nanliit agad ako sa hitsura ko bigla nang nakita ko kung gaano kaganda ang babaeng kausap ni Gray. Napakatangkad din nito at may modelo na pangangatawan. Parang duwende ako sa tangkad kong 5 feet at 4 inches kung ikumpara ako sa babaeng kasama ni Gray. Gray looked over to where I was seated, and our eyes met instantly. I rose to my feet and walked towards Gray, carrying the container of food I brought for him. "Gray, nagpunta ako dito para dalhan ka ng pagkain." pinilit kong ngumiti kahit pa nagseselos ako. Hawak naman kasi ni Gray ang kamay ng babaeng kasama nya. "Who is she Gray?" tanong ng babae. "You know." matipid na sagot ni Gray. "Oh---" hinagod ako ng tingin ng babae. "She's--- she's cute!" ang syang bulalas nito. Ewan ko kung dapat ba akong matuwa sa sinabi nya. Hindi ko pinansin ang presensya ng babae at kay Gray lang ako nagpokus. "Gray, I brought you some food. I cooked this myself." "Did you tell her that I don't accept food brought here to the office?" si Gray, ang sekretarya ang tinanong nito. "Yes boss, but she said, she's your wife." Tila ako nanigas nang nakita ang reaksyon ni Gray, parang hindi nya nagustuhan ang sinabi ng sekretarya. Matalim ang titig nya sa akin nang ibinalik nya ang paningin sa akin. "Listen, Krysthel, I don't care if you're my wife, you're not exempt from the rules in my office. Besides, you don't know how to cook, baka anong lasa yan pagkain na dinala mo para sa akin. Also, Sofie and I will be eating out, so just take that food back home. Don't do this again next time." walang pag- alinglangan na sabi ni Gray. Nakaramdam agad ako ng hiya sa mga nakakarinig sa aming dalawa. Pakiramdam ko pinagtatawanan ako ng mga ito. "Let's go, Sofie." Tuluyan nang napatulo ang luha ko nang nasundan ng tingin sina Gray at ang babaeng kasama nya. Napahiya ako. Masakit din ang kalooban ko sa isipin na hindi man lamang binigyan ng importansya ni Gray ang pinaghirapan ko. Nagseselos din ako dahil ang bait ni Gray sa babaeng kasama nya samantalang napaka- rude nya sa akin. Sunod- sunod lang ang pagtulo ng luha ko. Napakasakit! Bakit ganito si Gray sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD