---------- ***Third Person's POV*** - "Don't you dare to tell me that he is your first dahil nagsisinunggaling ka na, Krysthel. Alam mo ba kung bakit? Dahil kilala ko kung sino ang pumunit sa hymen mo at---------ako yon." Parang sirang plaka na paulit- ulit sa isip niya ang sinabi nito. Hindi ito kayang tanggapin ng utak niya. Umiiling- iling siya habang nakatingin dito, saka sya umatras para makalayo sya dito. "Krysthel, baby, bakit-----" "Lumabas ka na, Gray! Lumabas ka na dito!" madiin niyang sabi dito. Nanlilisik ang titig nya dito. "I am here to talk about-----" "Get out, Gray! Get out!" pinipigilan niya ang mapasigaw. Nagtaas- baba ang dibdib niya sa matinding galit. Kuyom na kuyom din ang kamao niya. Hindi muna ito kumilos at nanatili lang nakatitig sa kanya. Hindi niya al