CFW 70: Consequences!

2174 Words

-------------- ***Third Person's POV*** - "What was that, Denise?" napaupo si Denise, para syang kinakapos ng hininga pagkatapos ng ginawa niya kanina sa anak niya. Alam nyang mali ang ginawa niya kay Krysthel pero hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan na syang sumabong dahil sa matinding galit na naramdaman niya. Limang taon nyang itinago ang isang sekreto para ma- protektahan lang si Krysthel mula kay Gray. Hindi niya sasayangin ang limang taon na kinakain siya ng konsensya niya, na gabi- gabi syang hindi halos makatulog dahil sa alam nyang may mali syang nagawa. Hindi masisira ang limang taon na yon. Pag makapasok muli ang Gray na yon sa buhay ni Krysthel, hindi lang sisirain nito muli ang buhay ng anak niya kundi pati na ang buong pamilya niya ay sisirain ng lalaking iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD