Chapter Six

1065 Words
Helga? Ex niya 'yon ah! Tanaw ko na ang 7-eleven na palagi namin tambayan noon. Pinarada ko sa gilid ang motor at bumaba kami para pumasok sa loob. Anong meron sa ex niya at nabanggit niya? Pumuwesto kami sa may salamin at umupo siya. Nagpunta naman ako sa cashier para bumili ng maiinom naming dalawa. "Light, ano ang sinasabi mo kanina?" bungad ko inabutan ko siya ng maiinom pagkatapos kong bumili. "Sabi ko, kamusta na kaya si Helga?" sambit niya sa akin. Hmm.. "Hindi ba model na siya ngayon?" sambit ko sa kanya nakita kong kumunot ang noo niya. Wala siyang alam? "Talaga? Wala akong alam, paano mo nalaman?" tanong naman niya sa akin. "Friend ko siya sa f*******: ko," aniko na lang dahil totoo naman 'yon kahit hindi kami naging close batchmate kami sa school. Tumango na lang siya bigla sa sinabi ko. "Ang dami mo kasing friends sa f*******: mo," wika niya sa akin. "Schoolmates natin naging kaibigan ko ang mga member natin noon sa music club at ang tropa maliban pa sa pamilya natin," banggit ko humigop ako ng hawak ko. "Kahit malayo ang 7-eleven na 'to, gusto mo lagi magpunta dito marami nang nagbago sa harap nito na dating computer shop naging cafe shop na." wika niya sa akin. Dahil ito ang favorite tambayan namin ng first love ko. Hindi ako umimik sa sinabi niya at napatingin ako sa kalsada. Hindi ko mapigilang magbalik-tanaw sa nakaraan. "Win!" tawag ng isang boses napalingon kaming dalawa napansin niyang nagulat ako ng marinig ko ang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Nang makita ko ang taong tumawag sa akin hindi siya, kundi si... "Ate Pam!" tawag ko sa ate ng ex ko napatayo pa ako sa inuupuan ko at napalapit ako. "Babe," dinig kong tawag niya hindi ko lang pinansin. "Ikaw nga!" ngiting sambit niya sa akin napa-yakap ako sa kanya. "Ate!" tawag ko na lang sa kanya. "Hinanap ka niya, 8 years ago na siguro hanggang ngayon," bulalas niya sa akin at lumapit kami sa pwesto ni Light. "Ate, si Light." pagpapakilala ko kay Light na tahimik lang. "Hello, may dapat kang malaman, Win," anito sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ah? Ano 'yon, ate?" tanong ko pinaupo ko siya sa inupuan ko. "Siya na ang magsasabi sa'yo, Win ang laki na pinagbago mo, ang kuya mo?" pgtatanong niya sa akin huminga muna ako bago magsalita. "Kasal na siya, ate kay Yumi," aniko at nakita ko natigilan siya sa sinabi ko kilala niya ang tinutukoy kong Yumi. Age doesn't matter nga, kaibigan ko matalik si Yumi na kaibigan rin niya. "Hindi niya nabanggit na ang asawa niya ang kuya mo nung nagkita kami sa Canada," anito sa akin. "Sikat si kuya Jirah as actor, ate kilala mo naman siya gusto lang nila maging pribado ang relasyon nila sa mata ng mga tao," sambit ko mula pagkabata artista na si kuya kaya ganito ang buhay niya. "Ang alam ko, mag-jowa lang silang dalawa." anito. "No, ate." aniko. Umiling na lang ako at nang aayain ko na si Light para umalis. "B-" tawag ko ng maalala kaharap ko ang ex ng kuya ko at ate ng ex ko. "Wait, Win," tawag nito sa akin at natigilan ako. Napahinto naman ako sa pag-tawag niya. "Hingin ko cellphone number mo, Win," anito sa akin sumunod pala siya sa amin ni Light. Tumanggi ako sa hinihingi niya at nagpaalam na ako sa kanya. Ayoko na ma-involved sa pamilya nila, oo naging malapit ako sa pamilya nila ngayon, Hindi na..may bago na akong pamilya. "Daddy love, happy birthday." bati niya sa akin dumantay siya sa balikat ko. "Thank you, mommy love." ngiting sambit ko sa kanya nakaupo kami sa loob ng 7-eleven store. "Sa inyo tayo?" tanong niya bigla sa akin nang lingunin ko siya. Tumango ako inubos muna namin ang kinakain namin. Umuwi na kami sa bahay namin nagulat pa ako sa nadatnan ko. "Happy birthday, Win!" sigaw ng pamilya ko at pamilya niya pagka-pasok namin sa loob ng bahay. "Happy birthday, daddy love surprise!" ngiting sabi niya at niyakap niya ako sa likod bago niya tinagilid ang ulo. "Happy birthday, bunso! Binata na ang bunso namin!" sigaw ni kuya Jirah katabi niya si ate Pam na nakangiti sa aming dalawa. "Happy birthday, hijo soon to be my son.." bati ng magulang ng girlfriend ko. "Thank you, tito, tita, kuya, ate, pati sa inyo Mama, at Papa hindi ko alam 'to!" ngiti kong sambit sa kanila hinawakan ko ang kamay niya. "Plano 'yan ng girlfriend mo, bunso bago man kayo magkalayo para sa inyong future ito ang surpresa niya." sabat ni kuya Jirah sa akin. "Salamat, mommy love..." ngiting sambit ko sa babaeng naka-yakap sa likod ko. "Walang anuman, daddy love para sa'yo naman ang ginawa ko huwag lang masira ang pinangako natin sa isa't-isa," wika niya sa akin dinantay ko sa batok niya ang braso ko. Nag-kwentuhan at nag-tawanan ang buong pamilya namin. Masaya ako bago man kami magkalayo naging masaya kaming lahat. Naiwan kami sa bahay habang hinatid ni kuya ang girlfriend niya at ang magulang nito sa bahay. "Mommy love, salamat talaga sa surpresa mo kaya pala pilit mo ako pinapa-uwi may pa-ganito ka sa akin," aniko at nakaupo kaming dalawa sa sofa. "Sabi ko nga sa'yo, para sa'yo, gagawin ko ang lahat ito lang ang hindi ko mapipigil ang pagkakalayo natin sa isa't-isa," aniya sa akin hinawakan niya ang kamay ko. Tumayo ako at pumasok sa kwarto matagal ko nang binili 'yong bracelet na pina-lagay ko ang pangalan naming dalawa. Mommy love Love Daddy love ~~ Daddy love Love Mommy love "Mommy love!" tawag ko ng lumabas ako ng kwarto hindi ko siya nakita sa sala namin. Kinabahan ako bigla ng hindi ko siya makita nang tatawagan ko ang magulang nito may yumakap sa akin mula sa likod ko. "I love you so much, daddy love.." aniya humarap ako at niyakap ko siya ng mahigpit akala ko umalis na siya ng walang paalam. "Natakot ako.." bulong ko sa kanya. "Shhh..." aniya at hinalikan niya ako sa noo at ilong hanggang sa labi ko hirap man siya dahil matangkad ako kinaya niya para magawa ang gusto niyang gawin. Yumuko ako ng kaunti at niyakap ko siya ng mahigpit pinakita ko sa kanya ang bracelet at sunuot namin ito sa isa't-isa tinapat namin ang dalawang braso at kinuhanan nya ito ng pictures.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD