HANNA'S POV Hindi ako makapaniwala na nangyayari lahat ng to. Kasama ko si Alex. Nakikita ko sya. Nahahawakan. At nahahalikan. Sinampal ko ang sarili ko. Gusto ko kasing malaman kung sya nga ba talaga tong kasama ko o baka naman nananaginip lang ako. Pero nasaktan ako kaya naman natauhan akong hindi nga isang panaginip ito. Totoo ngang sya ang kasama ko at totoo ngang bumalik na sya. Tumingin na naman ako sakanya. Natutulog kasi sya habang nakahiga kami pareho sa damuhan. Hinaplos ko ang pisngi nya. Tinitigan ko syang maigi. Ikaw nga yan. sabi ko habang nakatingin lang sakanya. Niyakap ko sya ng mahigpit at doon ko sya naramdamang gumalaw tapos--- "mmm.." ungol nya tapos dumilat. Nakatingin naman na ako sakanya at-- "Hi.." sab