PROLOGUE

204 Words
PROLOGUE   Sabi nila madali lang daw mabuhay. Kailangan mo lang daw, kumain, magtrabaho at huminga.   Tapos papasok ka sa paaralan at mag-aaral sa tatlong parte nito. Elementarya, sekondarya at kolehiyo.   Pagkatapos nun ay maghahanap ka ng trabaho para kumita ng pera, mamahalin na makakasama mo sa buong buhay at bubuo kayo ng pamilya. Magkaka-anak ka, tatanda ka at magkakasakit ka.   Tapos mamatay ka.   Uulit ang proseso hanggang sa apo mo na at matapos ang mundo.   Makakalimutan ka ng panahon at may panibagong magpapatuloy ng mga na simulan at na iwan mo.   Ganoon lang daw kadali ‘yun, paulit-ulit lang hanggang sa mapagod at mawala ka na.Pero para sa'kin iba, mahirap gawin ang mga bagay na iyon.   Mahirap makamtan ang kalayaan na 'yon, ang makapag-aral ng normal, makakain ng normal at mamuhay ng normal.   Dahil isa akong nilalang na hindi naman talaga dapat mabuhay sa mundong ‘to.   Dapat hindi kami nag e-exist dito.   Pero wala, ginawa kami ng Dyos nang ganito, tatanggapin din namin ‘to ng ganito.   Ano nga ba kami?   Isa kaming Werewolf. HIS WOLF LIFE ©All rights reserved 2015 No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD