KNIGHT's POV Pangatlong araw na ng burol ni tita Sarah dito sa bahay nila Daisy, malamig ang simoy ng hangin at ganun din ang paligid. Sobrang lamig at tahimik, kakaunti lang kasi ang pumupunta sa burol ni tita Sarah dahil sa sobrang layo at hindi na nila mahanap pa ang mga kamag-anak nito, mga kaklase niya lamang ang nakapunta at ibang mga guro na kilala siya. Sobrang lungkot ng mga mata niya, parang nawalan ng buhay ang mga ito at tulala lang habang nakatingin sa litrato na nakapatong sa kabaong ng kaniyang ina. "Knight madami pang sopas doon, kumain kana,” sabi ni Maine at tinabihan ng upo si Daisy, sumandal ito sa balikat ni Daisy na pawang naglalambing at hinagod ang likod nito. Maya-maya ay umiyak na naman si Daisy at naglabas ng hinananakit niya, lagi siyang gan’yan at pakir