[Anastasia's POV] Mahigpit ang pagkakahawak ko ngayon sa susing ibinigay sa'kin ni Lexus para sa sarili kong cabin. Ilang minuto na akong nakatayo dito dahil nagdadalawang-isip pa rin akong hawakan kahit simpleng door knob lang naman ang nasa aking harapan. "Why don't you loosen up a bit, baby? Try to imagine that you're dreaming for five days. Isang matamis na panaginip kasama ko, kung saan pwede kang maging masaya," anito habang nakatayo na sa aking tabi. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya dahil masyado na namang malalim ang iniisip ko. Wala akong nasabi nang inagaw nito ang susi sa aking kamay at siya na mismo ang bumukas ng aking cabin. Pinaghalong kaba at tuwa naman ang naramdaman ko ng masilayan ang loob nito. Umawang ang labi ko ng makita ang malawak na kama na mayro