[Anastasia's POV] MUKHANG nakasanayan na ni Lexus na makipagpalit ng upuan para lamang tumabi sa akin. Kahit pa tumalikod lamang ako pagkatapos niyang itanong sa'kin ang tungkol sa panliligaw niya noong nakaraang gabi. Mukhang hindi pa rin naman ito sumusuko kahit halatang nalungkot siya sa nangyari. Ang totoo, muntik ko na itong sagutin na pumapayag na ako sa panliligaw niya ngunit pakiramdam ko'y may kung anong bumulong sa 'kin na huwag muna. Hinawi ko ang aking buhok at napalingon sa kanya. "What are you doing, Lexus?" Inosenteng tanong ko kahit nakikita ko namang naglalaro siya ng scrabble sa cellphone niya. Nakakatuwang makita na mas gusto nitong maglaro kesa matulog sa mahabang flight namin pabalik ng Pilipinas. He doesn't looks exhausted. Mukhang nakapagpahinga naman ito nang m