[Anastasia's POV] Napalunok ako nang makitang nakangiti siya at tahimik habang pinagmamasdan kung paano ako humiling sa mga bituin. Sinusubukan ko kasing tanggalin sa aking isipan ang sinabi nito kanina that he wants us to be lovers not friends. Ayoko ring isipin na pareho ang disenyo ng suot namin at nahawakan nito ang puwetan ko kanina. Nakakaloka talaga ang mga nangyari sa araw na ito at dagdag stress pa ang mga sinabi at ginawa nito sa'kin. "I don't care if you're trying to friend zone me. It's too early for you to say that," seryoso niya sabi habang nakatayo sa tabi ko. Laking gulat ko nang hinawakan nito ang bakal at tumingala sa madilim na kalangitan. Heto na naman ang kabang nararamdaman ko sa tuwing natatahimik siya, alam ko kasing may pinaplano na naman itong gawing kalokohan