[Anastasia's POV] I answered him with a big "No" pero masyadong naging matigas ang ulo ni Mr. Fierro. Sinubukan kong makipag-unahan sa kanya sa pintuan ngunit mas mahahaba ang mga biyas nito kesa sa'kin kaya naunahan niya pa rin ako. I tried to threaten him but he just smiled at me. Kumalma na lamang ang diwa ko nang marinig ang sinabi nito. "I want to impress you with my new designs, Baby." Ngumiti siya sa akin at mabilis na naglakad patungo sa kanyang mesa. Ilang minuto pa akong nagdalawang-isip kung lalapitan ko siya hanggang sa tuluyang lumambot ang puso ko ng isa-isa niyang inangat ang mga disenyong ginawa niya sa isang malaki at malapad na sketchpad. Hindi siya nagsasalita pero ipinapakita niya sa'kin ang magaganda nitong designs. Sa mga oras na 'yon, alam nitong tuluyan niya nan