[Anastasia's POV] Sinusubukan kong maging matatag sa harapan ni Lexus ngunit hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luhang sumabay sa mahina kong pagsinghap kanina. Wala akong nagawa kung hindi manatiling nakayakap sa kaniya habang inilalabas ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Magkaiba ang sitwasyon naming dalawa ngunit pareho ang naging pangarap namin— ang magkaroon ng isang masaya kahit hindi perpektong pamilya. Hindi ko din inaasahang magiging ganito kalungkot ang usapan namin at aabot ito sa puntong papakinggan namin ang hinaing ng bawat isa. Wala mang luhang pumapatak sa mga mata ni Lexus pero alam kong nahihirapan siya tulad ko. He loves his family, as much as I love mine. Ngunit, pareho naming piniling lumayo para sa aming mga mithiin. Tulad nga nang sinabi niya noon