Chapter 27 - Emergency Meeting

1313 Words

[Anastasia's POV] HINDI mawala ang ngiti ko habang iniisip kung ano pang mangyayari sa dalawang impakta dahil iniwan ko sila sa custody ni Dylan. Good luck nalang sa pagtataray nila lalo na't kayang tapatan ng best friend ko ang lahat ng hirit na sasabihin nila. Napangiti na lamang ako nang makita ang sekretarya ni Mr. Fierro na para bang naghahandang salubungin ang pagdating ko. Dumiretso pa naman ako sa meeting room kanina pero mukhang napaaga yata ako nang dating dahil wala pang tao sa loob. Emergency meeting nga ito pero mukhang late na naman ang dating ng karamihan sa kanila. Naalala ko tuloy noong unang araw ko sa De Luxe Luna kung saan late akong dumating at inis na inis ang mga itong nakatingin sa aming dalawa ni Lexus. Ngayon, ako na ang pinakamaagang dumating sa aming lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD