Kinabukasan, maaga kaming umalis kasama sina Rea, Phiea, Tyler, at sina Miles, Denver, at Xavier. Sakay kami sa private plane ni Xyler patungo sa Cebu. Habang nasa eroplano kami, napansin ko na hindi mapakali si Phiea sa kanyang kinauupuan. Mukhang kinikilig siya nang makatabi niya si Tyler. Tahimik na nakaupo si Tyler habang nagbabasa ng magazine. Mukhang hindi niya napansin si Phiea na nagpapacute sa kanyang gilid. Kulang na lang ay umupo siya sa kandungan ni Tyler. Tumikhim si Rea, kaya agad naibaling ang tingin ni Phiea kay Rea na mukhang iniinis pa siya. Bigla naman akong napatingin kay Xyler nang hinawakan niya ang aking kamay. "Are you okay, Linn? May problema ba?" tanong niya. "Wala naman, Xy. Salamat ha!" diretsong sagot ko. Ilang segundo lang ay lumapag ang sinasakyan naming