Mula sa aking kuwarto, naririnig ko ang ingay mula sa labas. Mabilis akong lumabas para tingnan kung ano ang nangyayari. Habang naglalakad ako sa pangalawang palapag ng bahay, bigla akong napahinto nang makita ang isang babae na nagpupumilit umakyat sa pangalawang palapag. She's wearing a silky green short dress that reaches her knees, with no sleeves, and she's also wearing three-inch heels. "Bakit ba ayaw mo akong papasukin sa loob? Nasaan ba si Xyler?" tanong niya kay Denver. "Ms. Vanessa, wala ho si Boss dito ngayon. Puwede bang umalis ka na?" kabilin-bilinan ni Boss sa amin na hindi kami tatanggap ng bisita lalo na't wala siya dito. "Bisita ako?" kasabay ng pagturo niya sa kanyang sarili. "Xyler, lumabas ka diyan!" sigaw niya na halos dinig na dinig sa buong paligid ng bahay haban