Napatingin ako sa kanyang cellphone nang mag-vibrate ito. "Xy, bakit hindi mo tingnan ang iyong cellphone? Kanina pa 'yan tumatawag sa'yo, baka importante 'yan," sabi ko habang nakatingin sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "I checked it later, baby girl," sagot niya sabay sinubo ang pagkain. Agad muli akong napatingin sa kanyang cellphone nang muli itong mag-vibrate. Matapos naming kumain, kaagad akong bumalik sa aming kuwarto. Si Xyler naman ay dumiretso sa kanyang private office. Kausapin niya muna daw ang kanyang mga tauhan. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. "Xyler..." banggit ko sabay bumuga ng hangin. Pumunta ako sa kabinet at kinuha ang magkaparis na damit na susuotin ko. Kaagad kong nilapag ang manipis na