MADELINN POV:
Mula dito sa inuupuan ko, makikita ko silang Rea at Phiea na nakatingin sa akin, nag-aalala. Hinayaan kong nakabukas ang pintuan ng aking kwarto, kaya nakikita ko rin ang bawat galaw ng aking mga empleyado sa labas.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ito sa akin ni Charlie. Buong buhay ko, ibinuhos ko sa kanya. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha mula sa aking mga mata at napahagulgol sa pag-iyak dito sa loob ng aking opisina.
"Linn, okay ka lang ba?" tanong ni Phiea sa akin. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa kanila ni Rea na nakatayo sa aking harapan. "Baka kailangan mo munang magpahinga, Linn," sabi ni Rea sa akin. "Okay lang ako," sagot ko nang diretsuhan sa kanila. "Salamat sa inyong dalawa, kahit paano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko."
Sanga pala. Linn, baka gusto mong sumama sa amin ni Phiea. May alam akong lugar na puwede nating puntahan para makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo. Agad ko silang tiningnan.
"Okay, sasama ako sa inyong dalawa," agad kong sagot sa kanila. Kaagad naman silang umalis sa aking harapan at nagtungo sa kanilang upuan, at agad hinarap ang kanilang mga computer.
Muli kong binalik ang aking atensyon sa harap ng computer. Habang nagtatype ako ng mga letter, muli akong napahinto nang maalala ko ulit ang nakaraan namin ni Charlie. Simula pa noong school, magkasama na kami hanggang sa pag-college namin. Akala ko forever na kami magsasamang dalawa. Hindi ko ito inaasahan na mangyayari ngayon.
"Bakit si Ruby pa ang pinalit niya sa akin? Bakit ang matalik kong kaibigan? Okay lang sana kung ibang babae iyon, matatanggap ko pa," tanong ko sa sarili.
Charlie. Muli bumagsak ulit ang mga luha ko na dumaloy sa aking dalawang mata. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Muli akong napahagulgol sa pag-iyak sa loob ng aking opisina habang nakatitig sa mga picture frames sa ibabaw ng lamesa. Picture namin ni Charlie, kinuha ko pa ito noong huling kaming magkasama sa bagyo.
Kina-umagahan, maaga akong gumising para ayusin ang aking bag na dadalhin. Uuwi muna ako ng Davao ngayon. Habang nag-iipon ako ng aking mga damit, agad kong napansin ang picture frame na nakasabit sa gilid ng dingding.
Agad akong tumayo at kinuha ang picture frame, saka ko ito nilagay sa isang bag. Kahit saan ko ilingon ang aking ulo, mukha ni Charlie ang makikita ko.
Napahinga ako nang malalim saka inayos ang aking sarili, nakaharap sa malaking alamin.
Pagkatapos ng dalawang oras na pagbiyahe sa eroplano, nakarating din ako ng maayos dito sa Davao. Halos isang taon din akong hindi nakauwi dito sa bahay.
Agad akong kumakatok sa malaking pintuan, at kaagad naman ito binuksan. "Ma," unang sambit ko sa kanya, kasabay ng mahigpit na yakap sa kanya.
"Ano ang nangyayari sa'yo, Linn? May problema ka ba?" tanong ni Mama sa akin, na bigla akong napaluha sa harapan niya.
"Sabihin mo sa amin kung ano ang problema mo. Handa kaming makinig ni Papa mo sa'yo."
Ma, banggit ko, tama na 'yan anak, okay? Kasabay na pinahidan ni Mama ang aking luha sa dalawang mata ko na patuloy pa rin ito sa pagtulo. Paano ba namin malalaman, anak, kung ano ang problema mo kung hindi mo sasabihin sa amin ni Papa mo?
Ang sakit, ma, banggit ko nang diretsuhan sa kanya. Agad silang nagkatinginan ni Papa at agad nila akong kinausap ng maayos.
Kaagad kong sinabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Charlie. May iba na siya, ma, sabi ko nang direkta sa kanila. Ganyan talaga, anak, masakit kung nagmamahal ka. Sa umpisa lang 'yan ang masakit, balang araw makakalimutan mo din siya. Siguro hindi si Charlie ang nakalaan para sa'yo.
Pero mahal ko siya, ma, agad kong sagot sa kanya. Naniniwala ako na balang araw mahanap mo din ang lalaking nakalaan para sa'yo. Tama ang Mama mo, anak, sagot ni Papa sa usapan namin ni Mama.
Mabuti pa, mag-stay ka na lang muna dito sa bahay, anak. Kahit paano, mababantayan ka namin ni Papa mo at nandito kami kung kailangan mo ng may kausap. Opo, Ma. Salamat sa inyo ni Papa. Agad silang tumayo mula sa pagkakaupo at saka nilapitan ako at agad niyakap ng mahigpit. Kahit paano, nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Mas suwerte ako sa mga magulang ko. Madali ko silang malapitan at maintindihan ako.
Pagkalipas ng isang linggo, muli akong bumalik ng Maynila para asikasuhin ang aking negosyo.
Good morning, Linn. Unang banggit ni Phiea at Rea sa akin pagpasok ko ng aking opisina, kaagad ko silang nilingon saka napangiti sa kanilang dalawa.
"Oh! Bakit ganyan kayo makatitig sa akin?" tanong ko sa kanila. Kaagad sila napakamot ng kanilang batok bago sumagot. "Okay ka na ba, Linn?" sambit ni Phiea sa akin. Agad ko siyang tiningnan ng diretsuhan saka tumango sa kanya bago ko siya sinagot. "Ayos lang ako, Phiea."
Sanga pala, anong lugar yong sinabi mo sa akin noon, Rea, na dapat natin puntahan? Baka puwede tayo pupunta doon mamayang gabi. Kaagad silang nagkatinginan saka tumango.
Pagkatapos ng aming mga trabaho, agad akong umuwi sa aking apartment para asikasuhin ang aking sarili. Ang sabi ni Rea ay pupunta kami sa isang bar. Sikat daw ito dito sa Lungsod ng Maynila at pinagdadaluhan ng napakaraming mga tao.
Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin habang minamasdan ang aking sarili na nakasuot ng casual dress na kulay pula na hanggang sa ibaba ng aking tuhod. May V-neck ito sa aking leeg at cap sleeves. Kapansin-pansin din ang kurban ng aking balakang at ang maliit kong baywang dahil sa aking suot na casual dress na dumidikit sa aking buong katawan. Makikita rin ang aking cleavage sa dibdib, ngunit hindi ito malaswa tingnan at bagay din ito sa lugar na pupuntahan ko.
Agad ko naman itong pinaresan ng dalawang pulgadang takong na kulay pula. Naka-ponytail rin ang aking mahabang buhok at hinayaan ko ang aking mga baby hair na naghaharang sa aking tainga at batok. Naglagay din ako ng light foundation at light lipstick. Tamang-tama ito sa lugar na pupuntahan ko ngayong gabi.
Agad kong kinuha ang aking handbag na kulay pula na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Saka ako umalis ng aking apartment at kaagad na dumiretso sa bar na sinabi ni Rea sa akin. Pagdating ko sa bar, agad akong pumasok sa loob. Agad kong napansin ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa gitna at maraming tao na sumasayaw. Ang iba naman ay nakaupo sa kanilang mga lamesa habang umiinom ng wine.
Maririnig ko rin ang napakagandang musika. "Linn," sambit ng dalawang babae sa akin na agad kong sinalubong. Kaagad kaming nagtungo sa counter at umorder ng aming maiinom na wine. Pakiramdam ko nawawala ang lahat ng mga problema ko.
Hindi ko na namalayan na napadami ang aking naiinom na wine at medyo lasing na din ako, Linn, oh! Saan ka pupunta?" sambit ni Rea sa akin na lasing na din ito sa dami pa naman na inom niya na alcohol. "Kukuha lang ako ng maiinom natin," sabi ko sa kanya, at kaagad umorder ng isang bote pang alcohol.
Pagkalipas ng ilang oras, kaagad nagpaalam sa akin si Phiea at Rea na uuwi na sila, kaya agad akong tumango sa kanila. Nagpapaiwan ako sa bar at patuloy sa pag-inom ng alcohol habang nakaupo na ako sa counter area.