BIANCA "Miss, okay ka lang ba? Hindi ka ba nilalamig?" mahinang tanong ng lalaking katabi ko. Napalingon ako sa kanya at saglit na nagtama ang mga mata naming dalawa dahil nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan at nakatingin rin pala sa akin. "Ah, medyo," maikli at nahihiyang sagot ko. Tumayo ang katabi ko at may ginalaw sa ulunan ko. Hininaan pala niya ang air conditioner sa tapat ko, kaya kahit paano ay nabawasan ang panlalamig na nararamdaman ko. "How is it?" mahinang tanong nito na para bang ayaw rin niyang makagawa ng ingay, dahil tulog na ang mga kasama namin habang nakatingin sa akin. "Much better," sabi ko, sabay thumbs up at umupo na rin ito. "Dapat magsuot ka ng jacket o kaya long-sleeved na damit. Masyadong manipis ang suot mo para sa ganitong temperatura. Siguradon