CHAPTER 3: ANG UNANG PAGPAPARAMDAM

2049 Words
Naalimpungatan ako dahil sa alinsangan ng silid namin. Himbing na natutulog si Benj sa tabi ko at nakayapos ang isang braso sa baywang ko. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Napangiti ako. Sobrang mahal ko siya at wala na akong mahihiling pa dahil nasa tabi ko ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat ang pagkamatay ng asawa niya, o dapat kong ikalungkot, pero kung hindi siya namatay ay hindi ako magiging bagong Mrs. Almonte. ‎‎‎‎‎ Isang beses ko lang nakita ang namayapa niyang asawa. Iyong painting na ipinalagay niya sa bodega. Maliban doon ay wala na. Ang sabi niya ay sobrang nalulungkot siya kapag nakikita niya ang asawang namatay kaya pinaalis niya lahat para makapag-move on na siya at gumaling ang depression niya. Nauunawaan ko naman siya kaya hindi ko na masyadong inungkat pa ang nakaraan nilang mag-asawa bilang respeto na rin sa kaniya. ‎‎‎‎‎ Marahan kong inalis ang kamay niya para makabangon ako. Hindi naman siya nagising sa sobrang himbing ng tulog niya. Tumayo ako at nagsuot ng ternong cover pantakip sa nightie ko na sobrang nipis. ‎‎‎‎‎ Nilapitan ko ang aircon namin. Ilang ulit kong sinaksak at inalis ang plug pero ayaw pa rin mag-on, hindi naman brown out dahil bukas ang ilaw, at may generator ang hacienda kung mag-black out man. "Kaya pala maalinsangan. Maipaayos na lang mamaya kapag maliwanag na." Sinipat ko ang oras sa wall clock. Alas-kuwatro pa lang ng madaling -araw. ‎‎‎‎‎ Lumabas ako ng silid para kumuha ng tubig sa fridge. Hindi pa pala kami nakakabili ng fridge na pwede sa kuwarto. Marahan ang hakbang ko para hindi makagawa ng ingay at magising ang ilang kasambahay na stay-in sa villa. Binuksan ko ang ilaw dahil medyo takot din ako sa dilim. Nag-aalangan akong magtungo nang mag-isa sa kusina pero uhaw na uhaw na ako. ‎‎‎‎‎ Kumuha ako agad ng baso. Ramdam ko ang lamig pagkabukas ko ng fridge, parang gusto kong pumasok. Kumuha ako ng pitsel saka nagsalin ng tubig sa baso. Naubos ko agad ang laman at uhaw pa rin ako. Nagsalin pa ako ng isang basong tubig bago ko isinara ang fridge. ‎‎‎‎‎ Iniinom ko ang laman habang patungo sa lababo nang maramdaman kong parang may ibang tao sa paligid at nakamasid sa akin. Kakaiba ang pakiramdam na iyon. May malamig na hangin ang dumaan sa likuran ko. Naramdaman ko rin ang presensya na may literal na dumaan. Nilingon ko ang kusina pero wala namang tao. Kumabog ang dibdib ko. Matatakutin ako kaya hindi ako pumupunta sa madidilim na lugar. Kahit sa sinehan ay hindi ako nanonood. ‎‎‎‎‎ Nagmamadali akong ibinaba ang baso sa lababo saka ako mabilis na lumabas ng kusina. Hindi ko na nagawang i-off pa ang ilaw. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil tumatayo ang mga balahibo ko sa buong katawan. ‎‎‎‎‎ Napadaan ako sa quarters ng mga kasambahay, bumulaga sa akin ang mukha ni Mameng na may white pack sa mukha, papalabas ito ng maid's quarter. "Hesusmaryosep!" bulalas ko sa takot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nerbyos. ‎‎‎‎‎ "Okay lang kayo, Senyorita?" tanong nito sa akin. "Ang aga ninyong gumising. Magluluto pa lang po ako." ‎‎‎‎‎ Sunud-sunod ang tango na ginawa ko. "S-sige, salamat. Aakyat na muna ako sa silid para makapagpalit ng damit." ‎‎‎‎‎ "Sige po." Tumalikod na ito at nagtungo sa kusina. ‎‎‎‎‎ Umakyat na ako sa ikalawang palapag saka dumiretso sa silid. Sapo ko pa rin ang dibdib ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Sa lahat ng ayoko ay iyong tinatakot ako at ginugulat. Huminga ako nang malalim saka nagtungo sa kama. Pinagmasdan ko ang mukha ng himbing kong asawa. Kumalma ako kahit paano. Pumikit muna ako ulit para kumuha pa ng kaunting tulog. Napagod ako sa ilang rounds naming mag-asawa sa kama. Napahagikgik ako habang inaalala ang iba't ibang posisyon na pinagawa niya sa akin. Nakakailang sa simula pero masarap sa pakiramdam. ‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎ "Ikaw, ano ang ginagawa mo rito?" sambit ng tinig ng isang babae . Hindi ko maaninag ang mukha niya. ‎‎‎‎‎ "Sino ka?" tanong ko sa kaniya. Nagtataka ako. Ang alam ko ay natutulog ako sa tabi ng asawa ko,. Nasaan ako at bakit napunta ako rito? ‎‎‎‎‎ "Umalis ka na!" sambit ulit ng boses ng babae. ‎‎‎‎‎ Madilim ang silid na hindi pamilyar sa kaniya. Wala akong gaanong makitang ibang bagay doon maliban sa kama. ‎‎‎‎‎ "Umalis ka na kung ayaw mong mamatay!" sigaw nito sa akin. ‎‎‎‎‎ Pakiramdam ko ay nasa malapit lang siya kaya't halos mabingi ako sa huling sinabi niya. ‎‎‎‎‎ "Bakit mo ako pinapaalis? Sino ka ba?" tanong kong muli, pero wala akong sagot na narinig. Inilinga ko ang paningin ko pero walang ibang tao roon. ‎‎‎‎‎ Bumaling ako sa likuran ko, biglang nakita ko ang nakakatakot na mukha ng isang babae. Naaagnas na halos ang mukha nito at luwa na ang mga mata na namumula sa galit. Nakasabog ang buhok nito sa mukha. "Umalis ka na hangga't may oras ka pa. Kung ayaw mong mamatay, umalis ka na!" ‎‎‎‎‎ Isang mahabang tili ang kumawala sa akin dahil sa sobrang takot ko at gulat. Tatakbo sana ako palayo pero natisod ako sa isang kahong pula sa paanan ko na wala naman kanina. Natumba ako at bumagsak sa sahig. Paglingon ko ay naroon pa rin siya at nakatayo malapit sa akin, suot ang mahabang puting damit. ‎‎‎‎‎ "Ah!" Isang mahabang tili mula sa akin ang muling umalingawngaw sa madilim na silid na iyon. ‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎ Napabalikwas ako ng bangon, habol ang hininga dahil sa sobrang takot at kaba. Dama ko ang bilis ng t***k ng puso ko na tila may naghahabulang mga daga sa loob. Nasapo ko ang dibdib ko at minasahe iyon. ‎‎‎‎‎ "Ano ba ang panaginip na 'yon? Sino ba ang may-ari ng boses na 'yon?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa naaagnas na mukha nito. "Ngayon lang ako binangungot nang gano'n sa buong buhay ko. Bakit ako pinapaalis at pinagbabantaang papatayin?" ‎‎‎‎‎ Ipinilig ko ang ulo ko at pilit kinakalimutan ang mukha ng nakakatakot na babae. ‎‎‎‎‎ "Babe?" tawag ni Benj sa akin. ‎‎‎‎‎ "Gising ka na pala." Ngumiti ako at umakto na parang normal. Ayokong isipin ni Benj na nababaliw na ako. "Good morning, love." ‎‎‎‎‎ "Good morning." Hinila niya ako pahiga saka niyakap. Kumalma ako kahit paano dahil sa ginawa niya. Kalilimutan ko na ang panaginip na 'yon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD