CHAPTER 1
NAIDA POV
"Uhm" tawag pansin ko sa lalaking paalis na sana
Napatigil naman sya sa kanyang paglalakad at tila ba hinihintay ang sasabihin ko
"P-pwede ba akong lumabas?" lakas loob kong tanong dito
Halos Isang taon narin kasi akong nakakulong dito este hindi lumalabas sa malaking bahay na ito, may mga maid din naman na pumupunta dito pero pagkatapos nilang maglinis, magluto at maglaba ay umaalis din naman sila. Weekly din naman kung magpunta dito si Jonald Montenegro para magdala ng mga grocery
"I thought you didn't ask that" simpleng sabi nya na nakatingin na sa akin
Matagal din akong nagluksa sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay, kahit na magsalita ay hindi ko magawa. Umiyak lang ako ng umiyak. Ngayon lang ako nahimasmasan na dapat tuloy ang buhay at kailangan kong maibigay ang hustiya para sa mga mahal ko.
Napalunok ako, nakaka intimidate naman kasi ng lalaking to. At ang lalaking ito ay asawa ko. After those incident he became my husband just to save me.
"Kailangan kong mabuhay para maibigay ang hustisya para sa mga mahal ko sa buhay at maipagpatuloy ang mga pangarap nila sa akin" mahabang sabi ko
"Now you're talking" tila ba naamaze nyang sabi at nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin paupo
"I can finally ask you what happened" sabi nya kaya napayuko ako pinipigilang umiyak dahil masakit parin sakin ang nangyari
"Kahit ako ay hindi ko sila kilala, hindi namin sila kilala!" Paninimulang kwento ko
"Taga probinsya kami at papunta dito sa manila dahil inalok ako ng tiyahin ko na mag aral dito at para tumulong narin sa kanya pero habang nasa byahe kami ay may biglang humarang samin. Pinatay nila ang pamilya ko!" Madiin at mapait ang huling katagang sinabi ko
"Pati ikaw tuloy nadamay pero salamat" dugtong ko pa at hinawakan ang kamay nya
"Kung hindi ka dumating baka kung ano ng nangyari sa akin"
"Yeah its nothing but this paper are authentic, legally we are really married" napatingin ako sa papel na pinakita sa akin ni Jonald at napabuntong hininga
Hindi lang pera ang hiningi nila sa lalaking to pati kalayaan nya para maligtas lang ako
"S-sorry" napayuko ulit ako
"Thats why we need to keep this a secret Naida hanggang sa maprocess ang divorce paper natin"
Napatango ako sa sinabi nya
"in the mean time i support whatever you want to do"
"Salamat, hayaan mo makakabawi din ako sayo" sabi ko sa kanya
-
"Seriously you dont know how to use this?" Takang takang tanong ni Jonald sakin ng binilhan nya ako ng brand new na cellphone
"Hindi naman sa hindi marunong no! Parehas lang naman nyan ng cp ko dati na the keypad" irap kong sabi sa lalaking to habang sinusuri ang magandang cellphone na ito
"I mean you don't have social media account like f*******:?" Tanong nya pa
Napakamot naman ako sa aking ulo. Nandito kasi kami ngayon sa mall, dinala nya ako dito para ipasyal daw and swear nakakapanibago dahil puro naglalakihang building ang nakikita ko dito sa maynila
"Ano yun?" Tanong ko agad sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam, siguro naririnig ko lang
Hindi naman kasi talaga namin kayang bumili ng ganitong kamahal na cellphone, kaya nga ako natigil sa pag aaral dahil wala kaming pera. Senior highschool lang ang natapos ko, at laking pasalamat namin ng pag aaralin sana ako ng tiyahin ko pero ayun nga may hindi inaasahang trahedya ang nangyari
Ginawan nya nga ako ng mga social media account kahit na hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa mga iyon, binilhan nya rin ako ng laptop para daw sa pag aaral ko at mga damit etc
"Ang dami naman ng pinamili mo" sabi ko dahil ang dami na naming dalang mga paper bag
"Here" nagtataka ako dahil may inabot sya sa aking black card
"Ano yan?" Tanong ko pa
Hay nako ang dami ko talagang hindi alam sa mundo
"Card you can use this to buy your things, watch me" paliwanag nya pa at tinuruan nga ako sa pag gamit non
Pag uwi namin ay pagod na pagod ako siguro dahil ilang oras din kami namasyal at ang dami naming pinamili
"Call me whenever you need me okay" pagpaalam ni Jonald
"Okay" nakangiti ako habang tinitingnan ko syang paalis
Ako nga pala si Naida May Jeronimo-Montenegro at sa tingin ko ay nahuhulog na ako kay Jonald Montenegro. Sino ba naman ang hindi? Hes my hero, my savior and now my husband. Ang bait bait nya pa sa akin katulad kanina. Alam ko naman na hindi pwede to, itong nararamdaman ko ni hindi ko pa nga matiyak kung pagmamahal na ba talaga itong nararamdaman ko sa kanya dahil parang ang bilis naman.
At isa pa dapat hindi ito ang inaatupag ko kaya binuksan ko ang laptop at naghanap ng pwede kong applyan ng trabaho at kung saan ako mag aaral ng kolehiyo
"Ma'am alis na ho kami" ilang oras siguro ang ginugol ko sa paghahanap ng naramdaman kong may lumapit sa akin kaya napatayo ako ng makita sila Aling Tes
"Hala pasensya na po hindi ako nakatulong sainyo kanina"
Sabi ko dito dahil tumutulong ako sa kanila sa paglinis at pagluto dito sa bahay dahil wala naman akong magawa dito at iyon lang ang paraan para malibang ako
"Okay lang ho ma'am, hindi nyo naman kailangang tumulong eh. Sya sige alis na kami ha" sabi ni Aling Tes
"Kumain na ho kayo?" Tanong ko dito na syang inilingan ni Aling Tes
"Sa sunod nalang ma'am" sinamahan ko naman silang maglakad hanggang sa pintuan dahil alam ko naman na wala akong magagawa at hindi na magbabago pa ang kanilang isipan
"Sige ho ingat kayo" sabi ko sa kanila bago sila tuluyang umalis
Habang nakatingin sa labas ay napansin ko ang isang sasakyan na kaninang umaga ko pa nakita kaya agad akong kinabahan, kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
"hindi naman siguro no?" pagpapakalma ko sa sarili
Dalawang linggo ang lumipas at sa mga araw na iyon ay busy ako mag asikaso ng mga requirements dahil magpapasukan na sa susunod na buwan, nakapasa sya sa MONTENEGRO UNIVERSITY at ang kurso nya ay Tourism. Hindi naman maipagkakaila na maganda ang dalaga, mahaba ang mga biyas nito, may kaputian ang kulay at pointed ang ilong at may natural na mapupula na mga labi, natural din ang kulay dark brown at straight nitong buhok na hanggang likod. Bukod sa pagbabalik iskwela nya ay nakahanap din sya ng pansamantalang trabaho, Isa syang cashier sa isang mall.
"wow you made it" maligayang bati sa kanya ni Jonald ng makita ang dalawang set ng uniform nito na inilatag ni Naida sa sofa
"why thank you Mr. Montenegro" ngiting tugon naman nito sa lalaking nakagaanan na nya ng loob
Sino ba naman ang hindi makakagaanan ng loob ng lalaking ito dahil sobrang bait nito sa kanya at napaka supportive
"I guess I will become one of your professor there Ms. Jeronimo"
napakibit balikat nalang si Naida sa sinabi ng binata
"Sir please be good to me" pagpapacute nya dito
Nalaman din nya kasi na professor itong si Jonald Montenegro sa pagmamay ari nitong university