Kabanata 1

2204 Words
MADGET ANG pinaka-ayaw ko sa lahat sa tuwing uuwi ako sa probinsya ay ang 14-day quarantine sa barangay. Nang tawagan ako ni Tiya Felisa tungkol sa protocol sa aming barangay na Calle Adonis ay nadismaya ako sa aking nalaman. Istrikto raw na ipinatutupad ang 14-day quarantine sa barangay dahil sa lumolobong bilang ng mga nagpopositibo sa sakit. “Perwisyo talaga iyang 14-day quarantine na iyan, mabubulilyaso ang misyon ko.” Nalukot ko ang papel na hawak ko sa may desk nang malaman ko pa kay Tiya Felisa na ayaw akong payagan ng bagong barangay coordinator na sa bahay na lang mag-quarantine, instead sa barangay hall. “Ano ka ba, time na rin naman iyon para makapag-rest ang utak mo. Maglandi ka with other people na naka-quarantine, malay mo, doon mo mahanap ang forever,” sita sa akin ni Analisa, ang aking kasama sa trabaho. Tatlong taon na akong nagtatrabaho sa investigation company na ito, private and acknowledged naman kaya’t hindi illegal ang aming serbisyo. “Haler, misyon ang ipinunta ko doon sa lugar na iyon ano, hindi paglalandi. Isa pa, hindi ako kerengkeng at wala sa bokabularyo ko ang mag-jowa. Sakit lang iyan sa ulo,” sabi ko pa habang nakatingin sa monitor. Alas kwatro pa ang byahe ko at alas dos na ng hapon. Hindi ako nagsasayang ng oras para lang sa wala. Kaya naman narito pa rin ako sa aking desk at ginagawa ang kahit na kaunting bagay para sa aking trabaho. “Hay naku Madget, malapit ka nang magtrenta, madadagdagan na naman ang edad mo sa susunod na buwan. Huwag mong hintayin na mawala ang edad mo sa kalendaryo bago ka mag-asawa. Baka mangalawang na ang Bataan niyan,” wika pa ng kaibigan ko na halos araw araw ay mayroong inirereto sa akin, na hindi ko naman gusto. Ever since mamatay ang mga magulang ko sa hindi ko malamang dahilan, mula pagkabata ay naging independent na ako. Nag-iisa na ako sa buhay pero hindi naman ako pinabayaan ng aking Tiya Felisa hanggang sa ako’y makapagtapos ng pag-aaral. So ngayon, ang kailangan ko na lang talagang itaguyod ay ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya, I can be happy, alone. Solitude is different from loneliness. “So paano si Julius, iiwan mo na?” tanong niya pa. Julius? Vance? Eleazar? Ilan na ba ang lalaking ipinachat niya sa akin? Ilan na rin ang lalaking ipinameet niya sa akin sa hindi ko alam na dahilan? Marami na. At lahat sila, busted. “Walang kami, walang relasyon. Kaya’t wala akong maiiwan.” “Ang dalangin ko na lang talaga ay mahanap mo sa lugar ninyo ang forever mo, bago ka maging matandang dalagang hukluban. Sayang ang lahi mo sis. Ang ganda ganda mo pa man din.” “Hangga’t hindi pa tuyo ang ilog, mayroon pang pag-asa,” sabad ko. “Iyan ang motto ng mga babaeng mauubusan na ng lalaki sa mundo.” “Ang daming lalaki riyan Analisa. Kung gugustuhin ko lang ay kahit lima lima pa, kayang kaya kong mangolekta.” “Bahala ka nga. Basta ha, balitaan mo ako sa estado ng puso mo.” “Hindi ako uuwi sa amin para magbakasyon at maghanap ng makakajugjugan ko, bruha. Uuwi ako para sa isang misyon, naiintindihan mo ba?” “Bahala ka nga sa buhay mo, ingat ka na lang. Pasalubong ko ha?” “Anong gusto mong pasalubong? Ulo ng tao? Katawan? Ano?” “Huwag na lang. Paalis ka pa lang pero ayaw mo nang magpasalubong.” “Bahala na. Basta’t hintayin mo na lang ako dito.” “Ilang buwan ba ang misyon mo?” “Target ko lang ay less than two months. Kung sana ay walang quarantine quarantine na iyan ay magagawa ko na kaagad ang misyon ko.” “Relax ka lang. Huwag mainitin ang ulo, tatanda ka kaagad niyan, Madget.” Tiningnan ko siya saka ako umirap. LUNES – May 23, 2022. NAKARATING na ako sa Calle Adonis, bandang alas syete ng umaga. May jetlag pa ako dahil sa halos labindalawang oras na byahe na nakaupo lang. Pagbaba ko sa sasakyan ay agad akong sinalubong ng mga health workers at agad akong isinwab test. Pagkatapos ay dinala naman ako sa isang quarantine facility sa barangay hall. Ang nakapagtataka lang ay ako lang ang narito at ang mga kasama ko sa bus ay sa ibang lugar. 'Di bale, mas okay na ito, mas tahimik at payapa. Solo ko ang lugar. Dinala ako ng isang health worker sa quarantine facility kung saan ako maglalagi ng 14 days. I can't imagine kung ano ang magiging buhay ko dito sa loob ng labing-apat na araw. "Salamat po," wika ko sa matandang babae na naka-facemask, nakangiti ang mga mata. "Kontakin mo na lang ang mga kamag-anak mo hija at nang madalhan ka nila ng pagkain dito," wika pa ng matandang babae bago ako iwan sa aking magiging kwarto. Nang makaalis na siya ay saka ako naglabas ng rants ko. "Ano bang klaseng lugar ito? First class ng pero walang pangpakain sa mga naka-quarantine. Aabalahin ko pa talaga ang Tiya Felisa ko na maghatid ng mga pagkain?" Naiinis kong ibinaba ang bag ko sa isang single na kama at naupo sa tabi nito. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng banyo. Kumpleto ang kagamitan, maliban lang talaga sa palikuran. Bumuntong hininga ako bago ako nagtanggal ng aking sapatos. Hinubad ko rin ang leather jacket ko at naiwang nakasuot ang fit kong sando na kulay puti. Pinanatili kong nakapusod ang buhok ko upang sa ganoon ay hindi ako mairita. Nag-iinat ako ng katawan nang dahil sa pagkakangawit sa byahe nang biglang mayroong kumatok sa pintuan. "Sino iyan?" tanong ko na ngayon ay nasa sahig at patuloy pa rin sa aking ginagawang routine sa umaga, ang pagsisit-ups. Patuloy pa rin sa pagkatok sa pintuan ang nasa labas kaya't iritado akong tumayo at kinuha ang face towel na puti saka ko pinunasan ang aking noo. Bago ako makarating sa pintuan ay isinabit ko pa iyon sa aking balikat. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang isang lalaking pamilyar sa akin. Of course, makakalimutan ko ba ang aking childhood crush. Syempre, hindi. At hinding hindi ko siya maaaring makalimutan dahil sa isang bagay. "Oh." Walang modo niyang inabot sa akin ang paper bag na naglalaman ng dalawang lunch box. Wow ha? Hindi man lang ba niya ako kukumustahin? Hindi man lang ba niya sasabihin na gumanda ako? Anyway, manhid na ito, noon pa man. "Ano iyan?" tanong ko. "Bakit hindi mo tingnan?" sabad niya. Ang sungit, ang aga aga. Nakasuot siya ng luma at maruming t-shirt na mayroon pang mga grasa. Big size ang shirt na suot niya ngunit tila naging normal lang iyon sapagkat malaki naman ang katawan niya. Naka-suot din siya ng tasla shorts na kulay itim at kita ko ang mabuhok niyang binti at hita. Very athletic. Huli kaming nagkita, limang taon na ang nakalilipas at hindi pa kami gaanong nagkausap, dahil abala ako sa death anniversary ni nanay. Ngayon, mas gumwapo siya, mas naging bad boy ang looks dahil sa guhit sa kanyang kilay na inahit ng kung sino mang bakla sa kanto na sa tingin ko ay nilambing na naman niya upang malibre siya. Tumutubo na ang balbas niya at bumagay sa kanya iyon. Alam ko namang pagkain iyon ngunit ang nais kong tanungin ay kung kanino galing ang mga iyon. "Kanino galing ito?" tanong ko at kunwaring tiningnan ang laman. Hindi siya sumagot kaya't napatingin ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa aking cleavage kaya't agad akong nainis sa kanya. Bukod sa pagiging looking bad boy niya ay para pa siyang manyak. Nahuli ko siya at alam niya iyon kaya't napatingin siya sa aking mga mata. "Kay Tiya Felisa," aniya. "Umalis ka na, manyak!" Itutulak ko nang pasara ang pintuan nang bigla niyang harangin iyon. Lalaki pa rin siya at babae ako. Malakas siya kumpara sa akin. "Hep hep, may sasabihin pa ako." Pilit niyang binuksana ng pintuan hanggang sa magtagumpay siya. Tumitig lang ako sa kanyang mga mata at pinilit kong huwag maapektuhan sa kanyang malakas na karisma. "Huwag mo akong tawaging manyak dahil hindi ko gawaing mang-manyak ng mukhang lalaki." Pagkasabi niya nito ay umalis na siya na hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Nakakainis naman! Matalim ang mga mata kong tumingin sa kanya na ngayon ay paalis na sa lugar. "Bwisit na lalaking iyon." Umirap ako saka ko itinaas ang damit ko dahil sa cleavage kong bahagyang nakikita. Bigla kong naalala ang mga words sa akin ni Analisa. Malay mo, doon mo mahanap ang forever mo... "Erase! Erase!" Napapikit ako at iwinaksi ang kaisipan na iyon sa aking utak saka ko ipinatong ang paper bag sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Maya maya ay nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Tiya Felisa ang tumawag. Kaagad ko namang sinagot iyon. "Tiya, bakit naman..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita. "Nak, si Conor ang inutusan kong magdala ng pagkain mo. Siya na rin ang nagluto at nagpack dahil wala akong kasama sa bahay. Walang bantay sa tindahan. Alam ko namang gusto mo siyang makita," mayroong kilig sa boses ng aking tiyahin, bagay na ikinakikilabot ko. "Tiyang, pwede bang huwag siya ang papuntahin niyo dito. Hindi ko siya gustong makita," naiinis kong wika. "Naku Madget, tigil-tigilan mo nga ako sa kagaganyan mo. Para namang walakang pagtingin sa Kuya Conor mo noong mga bata pa lang kayo," ani Tiya Felisa. "Noon iyon, tiyang. Iba na ngayon." "Oh siya, mayroong bibili. Sasaglit ako diyan mamaya pagdating ng tiyuhin mo. Kumain ka na," aniya bago niya patayin ang tawag. Matapos iyon ay nagpalipat-lipat ang tingin ko sa cellphone ko at sa paper bag na nakapatong sa maliit na mesa. Si Kuya Conor ang nagluto at nagpack niyon? Eh bakit parang hindi naman iyon ang sinabi niya kanina? Sabi niya ay si Tiya Felisa ang nagpadala niyon sa kanya. Pero kahit gaano kataas ang pride ko, sa totoo lang ay gutom na gutom na ako. Kaya't kahit galing ito sa damuhong iyon, kakain ako. ALAS SAIS ng gabi nang umalis sina Tiya Felisa at Tito Fidel sa quarantine area. Hinihintay lang nilang dumating ang nakatoka sa pagbabantay ng barangay bago sila umalis. Nakakain na rin ako at nakaligo na. Kaya't nang magpaalam sila dahil palapit na ang naka-motor na magbabantay ay pumasok na ako sa loob. Ang tahimik ng paligid, walang ibang maririnig kundi ang mga huni ng kuliglig. Payapa. "Nakakabingi naman ang katahimikan. Paano ako matutulog mamaya?" Bumuntong hininga ako at saka nag-isip ng gagawin. Maya maya ay naisip kong magtrabaho na lang, dala ko naman ang laptop ko at ang aking wifi kaya't maas mabuting huwag sayangin ang oras. NAKAUPO ako sa kama habang kandong ko ang aking laptop at seryoso sa aking ginagawa nang makarinig ako ng hindi kaaya-ayang tunog. "Aaahhh! My God! Fffuuuccckkkk!" Tunog iyon mula sa cellphone ng kung sino sa hindi kalayuan. "Bwisit. Sa katahimikan ng gabi, mayroong nanonood ng bold." Tumayo ako upang kunin ang headphone sa bag ko ngunit sa aking pagkadismaya ay wala akong mahanap. "AAhhhhhh sh*t. Harder daddy, harder!" Naiirita na talaga ako sa naririnig ko kaya't buong kompyansa akong lumabas upang hanapin ang kung sino mang nanonood ng malaswang video sa oras na ito. Paglabas ko ay nakita ko ang taong nasa kubo, anino lang niya ang nakita ko dahil walang ilaw doon, tanging ang hawak lang niyang cellphone kaya't sigurado akong ito nga ang nagbabantay. Paglapit ko ay nakita ko ang dalawang bote ng bear at ang mga mani sa tabi niyon. "Kung manonood ka ng bold, pwede bang maglagay ka naman ng earphones. Nakakaistorbo ka ng mga naka quarantine!" gigil kong wika. "Sa palagay ko ay isa lang ang naka-quarantine." Mula sa pagkakaupo niya ay tumayo siya at nilapitan ako. Sa boses niya pa lang ay kilala ko na siya. Ang damuho kong kababata. Si Kuya Conor. Kumukulo ang dugo ko. Pero para akong hinahalina ng sabon na ginamit niya. Safeguard green yata iyon, matapang at lalaking lalaki ang dating. Parang bagong ligo lang talaga siya. Hindi ko agad ma-compose ang sarili ko dahil sa presensya niya. Nakasuot siya ng itim na sando at maong na pantalon. Ang lakas ng dating niya. "Kung gusto mong gawin iyan, huwag dito. May naiistorbo ka po. At bakit ka ba nandito?" "Para ngang gusto kong gawin ito ngayon, baka pwede ka. Tayong dalawa lang naman ang nandito ngayon," nagkagat labi pa siya nang sabihin niya ito. Nabigla ako sa sinabi niyang ito. "Ano sa tingin mo ang sinasabi mo ha?" Aambahan ko siya ng suntok nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Tsk. Masyado ka namang paniwalain, bata. Hindi ako pumapatol sa tibo." "Mas lalong hindi ako pumapatol sa matanda, Kuya Conor!" May diin ang patawag ko sa kanya. "Huwag mo akong ma-kuya-kuya diyan engot. Nambabayo ako ng bata," aniya sabay alis sa harapan ko. "Bwisit!" Naiinis akong tumalikod sabay lakad paalis. Ngunit mas lalo akong nainis nang mas lakasan niya ang sounds ng bold na pinanood niya upang iparinig sa akin. "Oh sh*t! I am coming!" Pagkatapos niyon ay narinig ko ang malakas niyang halakhak. "Bwisit ka sa buhay ko!" sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD