Kabanata 7

2211 Words
MADGET NAGPALIPAT-LIPAT ng tingin sa amin si Jam dahil hindi niya maunawaan ang mga sagot naming dalawa ni Conor. Maging si Conor ay hindi makapaniwala sa sagot ko. Hanggang sa si Jam na mismo ang nagboluntaryo na umalis at naiwan kaming dalawa. "Alam mo bang tsismosa ang babaeng iyon? Mamaya ay ipagkalat ang sinabi mo," nakakunot ang noo niya nang sabihin niya ito sa akin. "Wala akong pakialam sa tsismis. Kapag ginawa niya iyon ay baka manghiram siya ng mukha sa aso kapag nagkataon." "Ang yabang mo ah. Pero bakit mo sinabi sa kanya na may relasyon tayo?" seryoso niyang tanong. "Ayaw mo bang maging type kita, kuya monkey?" hinagod ng tingin ko ang kabuuan niya. Wala naman talaga iyon sa akin, sinusubukan ko lang talaga siya. "Naririnig mo ba iyang sinasabi mo, ineng? Lasing ka ba? May lagnat ka ba? O umubra na naman iyong kililing mo sa utak?" magkakasunod niyang tanong. Maya maya ay nagbago ang mood ko. "Ikaw naman. Masyado kang paniwalain. Nagbibiro lang ako. Hindi ako magkakagusto sa tiyonggo. Ayaw ko sa monkey, hindi ako mahilig sa mga wild life, okay? Hindi bagay ang tao sa hayop," pang-iinis ko pa. Tumaas ang isang bahagi ng kanyang labi at saka umigting ang panga niya. Halatang nagpipigil lang siya ng galit. So ano? Papatulan niya ako? Bahala siya. "Iisipin ko na lang na hindi mo kayang sabihin sa akin na sobrang gwapo ko kaya't ganyan ka magsalita. Hindi mo lang talaga maamin sa sarili mo na sobrang gwapo ko," malaki ang kompyansa niya sa sarili nang sabihin niya ito. "Wow. Grabe ang level of confidence mo monkey. Saan ka humuhugot ng kompyansa?" bwelta ko naman. "Tigilan mo nga ako Miss Manyakis. Baka hugutin ko iyang dila mong matabil. Ang dami mong satsat," inis na niyang wika sabay kamot ng tiyan. Hindi na lang ako umimik pa sa sinabi niya. Mahirap na at baka hindi siya makapagpigil ay masikmuraan niya pa ako. " Oh siya sige, mauuna na ako at mayroon pa akong kailangang tapusin." Kumilos na siya at kinuha ang ibang mga gamit saka lumabas ng bahay. "Magkano ang bayad?" sigaw ko pa. "Wala," sagot niya. Tingin na lamang ang paghahatid ko sa kanya at ngayon ay nag-iisa na lang ako sa bahay. Wala pa rin ang mga kasama ko. Kaya naman naghugas na lang ako ng mga pinagkainan at pinaglutuan na natambak dahil sa nangyari kanina. "ALL AROUND talaga iyang si Conor. Lahat ay kaya niyang gawin. Kaya maraming babae ang nabibighani sa kanya eh," bilib na wika ni Tiyang Felisa. Kararating niya lang at nagkakape kaming dalawa na magkaharap sa mesa. Wala na siyang ibang bukang bibig kundi si Conor. Nauumay na ako. "Anong nangyari kanina anak? Mayroon ba?" pasikreto pang wika ni Tiyang Felisa na parang mayroong ibang nakaririnig ng mga sasabihin niya. "Anong ibig niyong sabihin tiyang?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Alam mo na iyon. Iniwan ko kayo ni Conor, di ba?" "Hala si Tiyang naman. Ang dumi ng utak." "Hindi ka na bata, Madget. Ihanap mo na iyan, baka kalawangin iyan," pabirong wika ni Tiyang Felisa. Nais kong matawa sa kung ano ang sinasabi ni Tiyang Felisa pero gusto ko na lang talagang itago dahil ayaw ko siyang bigyan ng dahilan para dagdagan pa ang pagbibiro sa akin. "Si Tiyang Felisa talaga oh. Bata pa ako." Sabi ko pa saka nagkamot ng likod. "Basta't kung ako ang papipiliin hija, gusto kong maging manugang si Conor para sa'yo," kinikilig pa ang sesenta y anios kong tiyahin. "Eh di kay Joy niyo lang po ireto, tiyang." "Bata pa ang pinsan mo Madget. Mas baleng ikaw na lang," sabi pa niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang humigop na lang ng kape dahil wala naman akong magagawa kundi ang manahimik lang kaysa sabayan ang tiyahin ko. KINAGABIHAN ay nagpaalam ako na maglalakad-lakad lang ako sa kanto. Kapag gabi ay maraming nagtitinda ng mga barbeque at mga street foods sa kanto. Gusto ko lang maramdaman ulit na kahit marami na ang nagbago sa Calle Adonis mula nang bata pa lamang ako ay ito pa rin ang lugar na kung saan ay namulat ang aking kaisipan. Nakatingin ako sa mga batang nagtatawanan sa isang sulok habang nagkukwentuhan. Hindi ako ganito noong bata pa ako. Bawal na akong lumabas pagtungtong ng alas singko ng hapon. Iba na talaga ang panahon ngayon. Liberated na ang lahat. At dahil medyo malayo na rin ang nilakad ko mula sa bahay ay nagbayad na ako ng kinain kong street foods at saka ako nagsimulang maglakad pauwi. Nasa kalagitnaan na ako nang makita ko ang tindahan ng letson manok. Nagke-crave ako ng mga ganitong pagkain kaya naman dumaan ako upang bumili. Kasalukuyan akong naghihintay ng aking order nang mayroong tumabi sa akin na lasing. "Miss, bago ka lang ba dito? Ang ganda mo naman." Umakbay sa akin ang lasing at parang humigpit ang kapit niya sa aking balikat. Nairita ako sa kanya at saka ako lumingon. "Huwag mo nga akong hawakan kung ayaw mong pulutin sa kangkungan," inis kong wika. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit ayaw akong lubayan niyon. Hanggang sa bigla na lang mayroong humila sa kanya at sinuntok ng kung sino at bumulagta sa semento. Nagkatinginan ang mga tao at nagmadaling pumunta sa kinaroroonan namin, maging ang mga nagtitinda ng letson manok. "Ayos ka lang?" hinihingal na wika ni Conor. Lumapit siya sa akin at saka seryosong humawak sa mga balikat ko. Anong ginagawa niya rito? Bakit agad siyang nandito? "Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Bakit mo siya sinuntok?" tanong ko pa. "Kilala ang lalaking iyan dito bilang lasinggero at nagwawala na lang sa kung saan saan. Mas mabuti iyan sa kanya at nang magtanda siya," aniya. Hindi pa rin nakakabangon ang lalaki sa pagkakahiga sa semento pero mayroon naman siyang malay. "Hoy Conor, may araw ka rin sa akin, hindi lang ito ang araw." Itinuro pa ng lalaki si Conor saka tumawa. "Halika na," yaya ni Conor sa akin. "Teka lang, iyong order ko pa." Ibinigay na sa akin ng lalaki ang order ko dahil bayad naman na iyon. At ngayon naman ay para lang akong batang hinihila ni Conor papunta sa motor niyang mayroong sidecar. Walang bubong ang sidecar niyon at naroon ang tatlong containers ng tubig. "Sakay na." Wika niya sabay paandar ng motor. Galing pala siya sa kabilang tindahan, kaya nakita niya ako. Sumakay naman ako, pumwesto sa kanyang likuran at saka umandar ang motor. Wala akong ni ano mang kibo nang makasakay na ako. Maging siya ay wala rin. Parang napagod na kami sa pagbabangayan kaya naman mas gusto ko na lang din na manahimik na lang. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay. "Salamat sa paghahatid mo at kanina," mahina kong wika. "Marunong ka rin palang magpasalamat," mahina rin niyang sabi. Ngumiti na lang ako at saka ako maglalakad sana papasok nang bigla siyang magsalita. "May lakad ka ba bukas ng hapon?" Tanong niya. Napalingon naman ako at tumingin sa kanya. Hindi muna ako kaagad sumagot dahil iniisip ko muna kung mayroon ba talaga akong gagawin. "Pagkagaling ko sa barangay, wala naman. Bakit?" "Pwede mo ba akong samahan?" Hindi niya iyon kaagad masabi sa akin pero nasabi niya pa rin sa nahihiyang paraan. "Saan kita sasamahan?" "Sa ano...ahm. Basta, sagutin mo na lang. Sasamahan mo ba ako o hindi?" pilit siyang nagpapakita ng pagiging dominante ngunit nahahalata ko naman ang pagkabog ng dibdib niya. So, ano? Yayayain niya akong mag-date kami? Gano'n? Or masyado lang talaga akong advance mag-isip para sa bagay na ito. "Bakit ba kasi hindi mo masabi kung saan?" "Sagutin mo na lang, pwede?" "Bahala ka nga, hindi ko sasagutin iyan." Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa magsalita siyang muli. "Miss Manyakis!" Napahinto ako sa sinabi niyang iyon. "Ano?" "Iyong manok mo, nakalimutan mo." Naalala ko naman bigla ang binili kong letson manok na inilagay ko sa sidecar. Kaagad kong binalikan iyon at pagkakuha ay saka siya nagsalitang muli. "Magdamit ka ng magara ha?" "Bakit? Nagde-date tayo? Hindi pa kita sinasagot brad. Hindi mo pa nga ako nililigawan, ide-date mo na ako kaagad?" mayroong tonong biro ang boses ko ngunit sa totoo lang ay tensed na tensed na rin ako sa kanya sa pagsasabi niya ng mga bagay na ito. "Basta. Magdamit ka ng maayos at maganda." "Wala akong maayos at magandang damit." "Basta. Mag-ayos ka." "Maayos na ako." "Mukha kang posteng dinamitan." "Feeling ka." "Oh basta, bukas. Pagkagaling natin ng barangay, ihahatid kita dito tapos magbihis ka na kaagad." "Bakit ba kasi? Para saan? Hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta at kung saan mo ako dadalhin." "Sa langit." "Ayaw ko pang samahan ang mga magulang ko doon. Kaya please lang, huwag muna." "Ang dami mong tanong, Madget." Nagkamot siya ng batok. "Ang dami mong sagot, Kuya Conor," ginaya ko rin ang kanyang tono. Ngumiti siya at saka tumingin sa akin. First time ko siyang nakitang ngumiti sa akin ng totoo. Tumatama sa mukha niya ang ilaw mula sa poste sa kalsada kaya't kita ko ang liwanag ng mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa akin. Nakakapanibago lang na makita siyang ganito pero sa totoo lang ay gusto kong masilayan muli ang ganitong aura ng mukha niya. "So, ano, sasama ka sa akin o hindi?" "Depende," sabi ko naman. "Oo na lang kasi, ang dami pang arte nito," reklamo niya. "Malalaman mo bukas." "Anong diperensya ng bukas at sa ngayon?" "Wala." "Oh wala pala, sagutin mo na kasi," halatang inis na siya sa tono niya. "Naku hija, sagutin mo na siya at mamaya ay tulog na iyan dahil gabi na," sabad ng kung sino sa aking likuran. Naroon na pala si Tiyang Felisa at mukhang napakinggan pa ang aming pag-uusap. "Kanina pa po ba kayo riyan?" tanong ko. "Ngayon lang. Pero mukhang alam ko na ang inyong pinag-uusapan. Hijo, oo ang sagot niya. Ako na ang magsasabi sa'yo at nang hindi ka na magtanong pa," pangunguna ni Tiyang Felisa. Wow ha? Very supportive ang tita ko. Siya na ang sumagot para sa akin. Ang astig naman pala. So now? May magagawa pa ba ako kung declared na ang sagot? "Sige po, aalis na po ako." "Sige hijo." Wala na akong ibang sinabi kundi ang simpleng ngiti na iginawad ko kay Conor. HINDI AKO makatulog. Iniisip ko pa rin kung para saan ang pag-iimbita sa akin ni Conor. Palaisipan talaga iyon sa akin hanggang ngayon kaya't kahit na anong ikot ko sa higaan ay hindi ako dinadalaw ng antok. Hanggang sa mayroong mag-text sa akin sa aking phone. Agad ko itong binuksan at nanggaling ang text message sa isang pamilyar na numero. From: +6397766... Tulog ka na? 09:57 P.M. Iniisip ko kung rereplyan ko ang text message niya o hindi, ngunit pipindutin ko pa lang sana ang reply button nang bigla siyang tumawag. Napabangon ako at kinakabahan akong nag-isip kung sasagutin ko ba siya o hindi. Bakit ba kasi siya tumatawag? And then, I accepted the call. "Hello," bati niya. Ang lamig ng boses niya at ang sexy pakinggan. "Bakit?" tanong ko naman. "Nasa tapat ako ng bahay ninyo, pwedeng lumabas ka saglit?" "Ha? Gabi na, bakit?" "Basta, lumabas ka na lang." Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nagiging utusan ako ng monkey na iyon pero heto at wala pa rin akong kadala-dala. Pagbukas ko ng pinto ay naroon nga siya sa gate, nakatayo. Nakasuot siya ng shorts na itim at big size shirt na kulay puti. Naglakad ako palapit sa kanya at nang nasa tapat na rin ako ay ibinaba ko na ang tawag. "Bakit?" tanong ko. "Ipagtimpla mo nga ako ng kape," aniya. "Umuwi ka na lang at sa bahay niyo na ikaw magkape." "Dito ko gustong magkape, sige na, pagbuksan mo na ako at diyan ako nagkakape." Siya na rin mismo ang nag-decide na dito kahit pa gabi na. Wala akong nagawa kundi ang pagbuksan siya at diretso siya sa kubo sa tapat. Ewan ko ba kung anong trip ng lalaking ito at sa ganitong oras ay magkakape pa, at dito pa talaga niya trip gawin iyon. Nang-iistorbo pa talaga sa akin. "Sige, hintayin mo na lang ako diyan at ipagtitimpla na kita," wala akong nagawa kundi sundin siya. Paglabas ko makalipas ang ilang minuto ay dala ko na ang tasa ng kape niya. "Oh ayan, higupin mo na at nang makaalis ka na rin kaagad." Naupo ako sa tapat niya at hinintay siyang magsalita. "Hindi pa ako nakakasimulang magkape ay pinaaalis mo na ako kaagad, ang sweet mo naman ineng. Mai-in-love yata ako sa ka-sweetan mo," sabi pa niya. Wala na akong kibo at naghintay sa mga sasabihin niya. Sa sitwasyon na ito, naiisip ko na naman ang misyon ko. Lumilipas na ang araw at wala pa akong first move. Kailangan ko nang gumalaw sa lalong madaling panahon. Namagitan pa ang saglit na katahimikan hanggang sa humigop siya ng kape at saka iyon inilapag sa tabi niya. He looked at me, kahit medyo madilim. Alam kong mayroon siyang nais na sabihin sa akin. Pero bumuwelo lang siya ng saglit. "Madget," mahina niyang wika. Hindi ako sumagot, bagkus ay tumingin lang ako sa kanya. "Mayroon sana akong aamining mahalaga at private na bagay tungkol sa akin, sa'yo." Gosh. Ano ang aaminin niya? Kumabog ang dibdib ko ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD