Kabanata 6

2260 Words
MADGET MAAGA akong nagising, bandang alas cinco y media ng umaga. Nagtimpla na ako ng kape at naupong muli sa kubo sa tapat ng bahay nila Tiya Felisa. Maaga ring bumangon ang mga tao sa bahay, si Tiya Felisa ay nasa loob, si Tiyong Erning ay inihatid na si Joy sa paaralan. Wala pa akong ganang mag-almusal kaya't kape kape na lang muna sa ngayon. Nakatulala ako nang makita ko ang pusa na tumabi sa akin. Pusa ito sa bahay at ang pangalan ay Musang. Malambing ito at panay ang lingkis niya ng kanyang balahibo sa akin. "Wow naman, ang lambing mo naman sa akin, Musang. Parang matagal na tayong magkakilala ah." Hinimas ko pa siya at saka siya mas lalong naglambing sa akin. Hanggang sa bigla na lang mayroong dumapong kakaibang ibon sa tabi at kitang kita ko ang pagiging colorful ng ibon na iyon. "Wow, may ibon. Kanino kaya iyan?" Mangha kong wika saka ko kinuha ang mug ng kape ko at humigop. Saka naman nagdahan-dahan ang pusa na lumapit sa ibon at walang anu-ano ay sinakmal ang ibon. "Hala!" Napasigaw ako sa pagkabigla at hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla namang sumulpot sa likuran ko si Conor na nakasuot ng maikling shorts na checkered at sandong puti. "Musang!" Sinigawan niya ang pusa saka humawak ng walis tingting. Aambahan niya ng palo ang pusa at bago pa man makatakbo ay binitawan na nito ang kagat niyang ibon. Agad lumapit si Conor at hinawakan ang ibon na buhay pa rin. "Hoy, inutusan mo iyong pusa mo na sakmalin ang ibon ko ano?" galit niyang wika. Ha? Ako? Uutusan ko ang pusa na sakmalin ang ibon niya? What a nice scenario. Nababaliw na ba siya? Kakausapin ko ang pusa? "Hoy Mister Monkey, huwag ka ngang nambibintang diyan. Nag-iisip ka ba? Kahit utusan ko iyong pusa ay hindi niya maiintindihan iyon." "May instinct ang mga pusa. Kaya't huwag ka nang magkaila, Miss Manyakis!" Miss Manyakis? Grabe naman siya sa tawag niyang iyon sa akin. "FYI. Hindi ako manyakis. At isa pa, iyang ibon mo ang kusang dumapo dito, kaya't huwag mong sisisihin ang pusa namin." "Kinagat ng pusa mo ang ibon ko. Huwag mong hintayin na ako ang kumagat sa pusa mo!" galit pa rin ang tono niya ngunit ang konteksto ng kanyang sinasabi ay dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipunto pero gano'n na nga ang pagkakaunawa ko. "Ang aga aga, ang init init ng ulo mo Monkey!" "Mainit talaga ang ulo ko, Miss Manyakis. Kagabi ka pa eh!" "Nireregla na ba ang mga lalaki ngayon? Daig mo pa ang mayroong period Monkey ah," inasar ko pa siya ng husto at nang umusok pa ng lalo ang kanyang ilong. Maya maya ay tumingin siya sa paligid at saka naglakad palapit sa akin. Nang masiguro niyang walang nakatingin ay nagsalita siyang muli. "Kapag inasar mo pa ako ulit, duduguin ka sa akin. Bumabayo ako ng pusa, Miss Manyakis," halos pabulong na ang pagkakasabi niya nito. Napalunok naman ako nang marinig ko iyon sa kanya. Para lang akong batang musmos na walang nagawa hanggang sa siya'y makaalis na sa harapan ko. Ano bang problema ng buang na iyon? Masyado naman siyang serious sa life. ALAS DOSE y media ng tanghali nang matapos kaming kumain. Ako na ang nag-urong ng mga pinagkainan at nang ako'y naghuhugas na ay bigla na lang nawalan ng tubig. Narinig ko na lang na mayroong tumutunog sa ibaba ng lababo at biglang nabasa ang sahig. "Naku, may tagas, tiyang!" Sigaw ko sa aking tiyahin na ngayon ay abala sa panonood ng Eat Bulaga. "Anong nangyari?" Agad siyang tumakbo palapit sa akin at nakita niya iyon. "Ayan po." "Patayin mo na ang gate valve nak at tatawag ako ng tubero." Utos ni Tiyang Felisa at agad ko na ring hinanap ang gate valve sa labas. Pagbalik ko ay naglawa na ng tubig sa kusina. Sinimulan ko na iyong linisin hanggang sa dumating si Tiya Felisa kasama ang tinawag niyang tubero. Pero hindi ko inaasahan na si Conor na naman ang makikita ko. Naka-sandong asul na kita ang tagiliran at army green na shorts. Mayroon din siyang toothpick sa bibig at halatang kakakain lang. Naka-hairband na naman siya at mukhang kanto boy lang ang datingan niya ngayon. Hindi niya ako pinansin. Agad siyang yumuko upang tingnan ang ibaba ng lababo. "Pahiram ng flashlight," aniya. At dahil nasa bulsa ng maong na shorts ko ang cellphone ko ay inilawan ko na lang siya. "Flashlight, hindi cellphone," masungit niyang wika. "Saglit lang, hahanap ako sa tokador," sabi naman ni Tiya Felisa. Tumayo na lang ako at hinintay si Tiya Felisa na bumalik at ibigay ang flashlight na nais ni Conor. "Oh hijo, ito na iyong flashlight." Inabot sa kanya ni Tiya Felisa ang flashlight at kinuha naman niya iyon. Iniwan ko na muna sila dahil pinagbantay ako ni Tiyang ng tindahan. Alas dos ng hapon nang tawagin ako ni Tiya Felisa sa kusina. "Nak, ikaw nga muna rito at ako'y may importanteng lalakarin. Kailangan daw akong magpunta sa munisipyo para sa senior citizen's ID ko." Nakagayak na si Tiya Felisa nang sabihin niya ito. Nakita ko na makalat pa rin sa kusina at hindi pa tapos ang ginagawa ngunit wala naman doon si Conor. "Si Kuya Conor po, nasaan?" "Pinabili ko na ng materyales, wala ang tiyong mo, malamang nasa mga amigo niya." "Sige po tiyang. Ano pong bilin ninyo?" "Ipagbananacue mo nga si Conor hija. Alam kong magaling kang magluto niyon. Ayan na ang saging sa mesa." Kahit labag sa loob ko na ipagluto ang monkey na iyon ay gagawin ko dahil masunurin ako sa tiyahin ko na itinuturing ko na ring pangalawang magulang ko. Sila kasi ang nagpalaki sa akin kaya't ganito na lang kami ka-close. "Sige tiyang, ako na ang bahala dito." "Oh siya, mauuna na ako. Kung gusto niyo ng softdrinks magbukas lang kayo ha?" "Opo, tiyang." Pagkaalis na pagkaalis ni Tiya Felisa ay nagbalat na ako ng saging. Wala pa si Conor at dalangin ko ay huwag na muna siyang dumating dahil imbes na asukal ang ilagay ko sa saging ay baka lason na lang. Tiyempong nagbabalat pa lang ako nang dumating si Conor na mayroong dalang tubo at iba pa. Pawisan siya at halata iyon sa tila mapa na pawis niya sa kanyang damit. Namumuo na rin ang ilan sa mga buhok niya dahil sa pawis. "Oh, wow. Magbabananacue ka? Masarap yan ah," aniya. "Yes. Bagay sa'yo, monkey ka eh," mahina kong wika. Alam kong narinig niya iyon kaya't wala na siyang imik. Nang magpatuloy na siya sa ginagawa ay mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang nagtanggal ng pang-itaas. Biglang uminit ang paligid. Para akong pinagpawisan ng malagkit nang dahil sa kinalalagyan ko. Sa tabi lang ng lababo ang mesa, kaya't kitang kita ko siya. Bigla siyang pumailalim sa lababo at kitang kita ko ang katawan niya mula sa aking kinauupuan. Natigil ang lahat ng ginagawa ko dahil hinagod ng mga mata ko ang magandang tanawin mula roon. Alam kong masarap akong magluto ng bananacue pero mas gusto ko yata ng pandesal ngayon. Pumaibaba ang mga paningin ko sa kanyang pusod na kung saan ay mabuhok. Mas bumaba pa ang mga mata ko at nakita ko ang umbok sa shorts niya. Anong klaseng saging kaya ang naroon? Saba? Lakatan? Tumingin ako sa saging na hawak ko at saka ko iyon itinapat sa pagitan ng mga hita niya habang nakaupo ako sa silya sa tapat ng mesa. "Mas malaki siguro iyan," bulong ko pa. "Alin ang mas malaki?" tanong niya. Nakatingin pala siya sa akin mula sa ilalim ng lababo at dahil doon ay pahiyang pahiya na naman ako. Bigla siyang napatingin sa pagitan ng kanyang mga hita at dahil hapit ang shorts niyang taslan ay kita ko talaga ang umbok mula doon. "Aaah, kaya. Kaya pala," aniya. Mula sa pagpapalalim niya sa lababo ay tumayo siya at tumabi sa akin. Ayaw ko siyang tingnan. Gusto ko na lang talagang lamunin ako ni mother earth sa kinalalagyan ko. Kinuha niya ang isang saging at saka iyon binalatan. Saka niya itinapat sa mukha ko. "Sa saging na ito mo kinukumpara ang patutoy ko? Ang cheap naman, ineng." Tiningnan ko siya at kitang kita ko ang pamumula niya dahil sa init ng panahon na mas lalo pa nga niyang pinag-iinit dahil naka-topless siya. "Tumabi ka nga diyan, kung gusto mong ipagluto kita." Tumayo ako at sisimulan nang magluto. "Kulang ka siguro sa dilig kaya ka nagke-crave ng t**i, ano?" Ha? Tama ba iyong narinig ko sa kanya? Napatingin ako sa kanya at saka siya tumawa nang makita ang ekspresyon ko. "Hoy, ang tabil at ang brutal ng bibig mo. Lumayo ka nga dito!" inis na inis kong sabi. "Kagabi lang, gusto mong makita ang t**i ko, tapos ngayon na tayo lang dalawa dito ay tatanggi ka pa? Hindi kita maintindihan ah?" Namewang siya sa harapan ko at halatang naguguluhan na rin. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang sabihin. Wala ring salitang nais lumabas sa bibig ko dahil parang nawalan ako ng pwedeng sasabihin. "Ayaw mo no'n? Mas maliwanag ngayon, mas makikita mo ng husto, makikita mong namumula mula pa," dagdag niya pa sabay taas baba ng kanyang mga kilay na ine-enganyo pa akong maniwala sa trip niyang bugok. Alam ko namang hindi niya talaga ipapakita iyon kaya't hindi ko siya pinatulan. "Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko ay baka i-chop ko iyang saging mo at ipirito ko kasama ng mga saging na ito." Itinapat ko sa kanya ang kutsilyo bilang pagbabanta sa kanya. "Oh? Gusto mo na ring kainin ang saging ko ngayon? Kahit huwag mong lutuin, ayos lang, masarap naman ito, ineng." Mas lalo akong naiinis sa sobrang dumi ng bibig niya. Actually, gwapo na siya eh, mucho pa, maganda ang hubog ng muscles, pero nasisira ang mala anghel na image niya sa tuwing magsasalita siya. Inirapan ko siya at saka ako tumingin sa kawali na paglulutuan ko ng bananacue. "Virgin ka pa?" tanong niya. "Pakialam mo?" bulyaw ko sa kanya. "So hindi ka na virgin?" "Bakit ba?" "Masakit ba?" Anong tinatanong niya? "Umaray ka rin ba o nasarapan ka na lang bigla?" "Ang bastos mo!" Hinampas ko ang dibdib niya at nadulas ang kamay ko papunta sa abs niya dahil sa pawis. "Uyyy, tyansing na iyan ineng. Ang bata bata mo pa, pero nanghihipo ka na ah." Wika niya sabay pitik sa ilong ko. Naiinis na ako sa kanya. Ang kulit kulit niya at sa sobrang inis ko ay nakita ko ang kutsilyo sa tabi ng kalan at itinapat ko iyon sa kanya. Napaatras naman siya nang gawin ko iyon. "Lumapit ka, para wasak ang katawan mo sa akin!" wika ko. "Baka gusto mong ikaw ang wasakin ko, ineng?" Namewang siya at tumayo lang ng tuwid na hindi man lang nasindak sa sinabi ko. Saglit kaming magkakaibigan ng tingin hanggang sa umusok na ang kawali dahil sa init. Nagmadali akong patayin ang kalan at saka ako tumingin muli sa kanya. Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga materyales at saka ipinagpatuloy ang kaunting hindi pa niya natatapos gawin. "MERYENDA MO." Matapos kong lutuin ang bananacue ay inilapag ko na sa mesa. Eksakto rin namang katatapos niyang gawin ang sirang sink. Tambak na rin ang hugasin. Saglit siyang lumabas at binuksan ang gate valve at muling pumasok. Binuksan niya ang gripo. Maayos na ito. Naghugas siya ng kamay at saka naupo sa tapat ko. "Mukhang masarap ah," komento niya. "Pwera yung nagluto," dagdag pa niya. Palaging mayroong side comment ang damuhong ito sa akin. Naiinis na ako. "Kape? Juice? O Lason?" "Parang bago yung lason. Sige nga, iyon na lang," nakangiti niyang wika. "Sure ka?" "Yes. Sure na sure." Umirap ako at saka ako nagtungo sa tindahan at kumuha ng dalawang soft drinks. Binuksan ko iyon at nilagay sa tapat niya ang isa. "Oh, lason na pala ang tawag dito?" "Yes. Hindi ka ba na-inform?" Naupo rin ako sa tapat niya at itinaas pa ang paa ko habang nagba-browse sa cellphone ko. "Kausapin mo nga ako." Wika niya habang kumakain. "Don't talk when your mouth is full," bwelta ko. "Kaya kitang paungulin habang puno ang bibig mo, Miss Manyakis!" "Yuck!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin saka tumusok ng isang bananacue. Tawang tawa naman siya sa akin sabay tusok rin ng isa pa. "Ang galing mong magluto ah. Ano pang kaya mong lutuin?" "Chinap-chop na tao. Pwede ka ba?" Taas kilay kong sabi. "Anong parte ng katawan ko ba? Ito ba?" Sabay taas niya ng braso at pakita ng muscles. Hmp. Akala niya ba, maaakit ako sa biceps niya? Pwes, tama siya. Kasalukuyan kaming kumakain nang dumating ang isang babae na namumukhaan ko. Nakabukas kasi ang gate kaya't dire-diretso siya sa loob. "Oh Jam? Bakit?" tumayo si Conor mula sa kanyang kinauupuan. Sexy siya ha? "Anong ginagawa mo rito? Kanina ko pa hinihintay ang motor ko?" "Ah iyon ba? Pasensya ka na, emergency kasi ito." Nagkamot ng batok ang buang. "Emergency? Kumakain ka ng bananacue kasama ang bagong dating na labanos na iyan?" Speaking, kalaban ko sa ranking dati noong nasa grade school pa lang ako si Jam. Malaki ang inggit niya sa akin. "Excuse me Jam. Anong ipinagpuputok ng butsi mo?" Tumayo rin ako at tumabi kay Conor. "Kayo na ba?" Naguguluhan na tanong ni Jam. Nagkatinginan kami ni Conor at sabay kaming sumagot. "Hindi ah," tanggi ni Conor. "Kami na," sagot ko naman na balak lang sanang asarin ang isang ito. Pero mukhang ako ang lugi sa sagot ko. Ang tanga ko talaga. Shocks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD