Kabanata 10

2117 Words
MADGET "SIGURADO ka bang sasali ka?" Tumaas ang kanang kilay ko at saka ako nagtiklop ng aking kamay at sumandal sa aking kinauupuan habang nakatingin sa kanya. Ayaw kong ibaba ang tingin ko sa kanyang katawan dahil sa totoo lang ay baka mas lalo akong magkasala. Mula sa kanyang dibdib ay gumagapang ang buhok at hanggang sa kanyang puson at kumakapal na iyon. Dios ko po. Sinabi pa niyang berdeng lakatan ang kanya. So, mahaba? Mataba? Tumikhim ako at pasimpleng tumingin sa nakabukol na kanya sa suot niyang itim na brief. Maging siya ay napatingin sa kanyang private part at saka tumingin sa akin. "Pwedeng tingnan pero hindi pwedeng dakutin." Pagkasabi niya nito ay umatras siya ng bahagya, iyong hindi ko maaabot. Feeling naman niya. Ako? Dadakutin ko ang lakatan niya? Ano siya? Napaka ano naman niya. "Hindi ka qualified." Sinabi ko pa at saka kinuha ang ballpen upang i-cross out ang isinulat kong pangalan niya kanina. "Bakit? Anong basehan mo para sabihin na hindi ako qualified?" Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa mesa at saka siya yumuko at hinarap ako. Nakipagsubukan ako ng tingin sa kanya. Hindi ako nagpatinag dahil gusto ko siyang subukan. "Una sa lahat ay organizer ka," panimula ko. "Mayroon bang sinabi riyan na bawal sumali ang organizer?" "Sinong magiging katuwang ko sa lahat ng kailangan sa preparasyon?" "Ako rin." "Sigurado ka bang kaya mong gawin ang mga iyon kahit na isa ka pa sa mga kalahok?" "Sa laki ng muscles ko?" Itinaas pa niya ang kanyang mga braso at nag-flex ng kanyang mga biceps. Dalawang kilay ko na ang tumaas nang dahil doon. Palihim akong humanga sa perpektong katawan niya. Iyon bang para siyang Machete. Hindi siya kaputian, moreno at ganito ang mga tipo kong lalaki. Napakagaling ng iskultor na umukit sa kanyang katawan. Gusto kong palakpakan ang kung sino man ang gumawa niyon. Hanggang sa halikan niya pa ang magkabilang biceps niya at saka iyon ibinaba. "Okay. Basta't maipapangako mo na hindi ka magkukulang sa lahat ng mga gagawin dahil sa oras na pumalya ka, you're out! Maliwanag?" "Yes ma'am." Tumango pa siya bago galawin ng kanan niyang hinlalaki ang dulo ng kanyang ilong. Pa-pogi pa ang monkey. "Okay. So, pwede ka nang sumali. Sige na, umalis ka na sa harapan ko. Shooo!" Itinaboy ko pa siya sa pamamagitan ng aking mga tingin at kamay. "Gano'n lang? Wala ka nang ibang tatanungin? Samantalang ang lalaki kanina halos gusto mo nang yakapin, tapos sa akin, gano'n gano'n na lang?" Namewang siya sa harapan ko at kitang kita ang pagkainis niya sa akin. Nangalumbaba ako at saka tumitig sa kanyang mga mata. "Okay. I'll ask you few questions at siguraduhin mong sasagutin mo ako. Okay?" "Sige." Malakas ang kompyansa niya sa sarili na tumindig ng mabuti. Wala na talaga siyang iniwang hiya sa kanyang sarili. "Umikot ka muna," utos ko. Pagkasabi ko niyon ay umikot siya sa harapan ko. In fairness naman sa pwet niya, malaman. Naningkit pa ang mga mata ko at nag-imagine na hawak ko ang magkabilang pisngi ng kanyang pwet. And then, pagharap niya sa akin ay agad nang umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. "Tapos mo na ba akong kilatisin? Baka kasi pinapapak mo na ako sa utak mo. Baka pwede na ring magtanong ka at nang matapos na ito, ineng," seryoso niyang wika. "Do you have tattoos?" agad kong tanong. "Mayroon ka bang nakikita?" tanong niya sa akin. Wala naman akong makitang tattoo niya. Pero mayroon pa kasi siyang natitirang saplot, baka lang mayroon pa roon sa loob. Baka lang. "Malay ko ba kung mayroon pa diyan." Saka ako ngumuso sa tapat ng kanyang brief. Napayuko siya at tiningnan ang kanyang katawan. Napangisi siya at naiinis na tumitig sa akin. "Pinagti-tripan mo ba ako, ha?" maangas niyang tanong. "Nagtatanong lang naman ako ah," bwelta ko. "Sinong matinong tao na maglalagay ng tattoo sa ari?" "Uso na iyon ah. Bakit hindi ka magpalagay?" "Ikaw kaya, lagyan ko ng tattoo ang pempem mo, gusto mo?" Namilog pa ang mga mata niya at saka muling namewang. "Well, mas okay kasi para sa akin ang lalaki na mayroong tattoo kahit kaunti lang. Mas qualified ka sana kung mayroon kang gano'n." Nasa isip ko pa rin ang style ng tattoo sa ari ng nanggahasa sa anak ni Mr. Go. Hindi iyon maaalis sa aking isip. "Mayroon din naman akong tattoo, pero hindi ko pwedeng ipakita sa'yo," bigla niyang wika. What? Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang sabihin niya ito. Para akong mas lalong nabuhayan ng loob na nalalapit na ako sa aking tinutumbok na misyon dahil sa kanyang sinabi. Siya na nga kaya ang salarin? Napalunok ako at nag-focus and at the same time ay hindi ako nagpahalata na mayroon akong misyon na kailangan kong magawa. "Gaano ka-sensitive ang tattoo mo na hindi ko pwedeng makita?" kalmado pa rin akong nagtatanong sa kanya. "Basta. Sensitive. Rated SPG. Kaya't hindi mo pwedeng tingnan." "Ang arte mo naman. Patingin na dali. At nang matapos na ito, brad." Sumandal akong muli sa upuan ko. "Sigurado ka bang gusto mong makita?" tanong niya pa. "Yes. Wala sa akin iyon. It's just work. You know?" Nagkibit-balikat pa ako sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at parang habang lumalapit siya sa akin ay mas lalo pang kumakabog ang dibdib ko. Tataas yata kaagad ang blood pressure ko sa mga sandaling ito. But I should be ready sa ano mang maaari kong makita. Nang dumikit na ang hita niyang balbon sa mesa at nasa tapat ko na mismo ang hubad niyang katawan ay pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng dugo. "Ready?" Tanong niya saka siya humawak sa garter ng kanyang brief. Dios ko. Seryoso ba siya? Ako naman ay seryoso rin sa gusto kong makita dahil sa aking misyon pero ganito ba siya ka seryoso na ipapakita niya mismo sa akin iyon? "Yes. I am ready, Conor," wika ko. "Matapang ka ha? Sige, ipikit mo muna ang mga mata mo at nang mayroon namang surprise," utos niya. "Ang daming pasakalye, boy. Sige na nga." Naiinis kong sabi at saka naman ako pumikit at naghintay ng kanyang gagawin. For a moment ay para akong naghihintay ng surpresa. Birthday ko ba? It feels like it's my birthday. Magbo-blow ba ako ng candle mamaya? "Matagal ka pa ba?" tanong ko. "Huwag kang mag-apura. Mas maganda kung makikita mo ng husto. Ipinepwesto ko lang ng mabuti," malumanay ang boses niya na parang mas lalo pa akong ine-excite. Pero parang napakatagal ng pagpwesto niya. "Bakit kailangan mo pang ipwesto?" "Pinatitigas ko pa. Malapit na ito," natatawa pa niyang wika. "Kahit hindi matigas. Okay lang," nakangiti ko na ring wika. And then, na-realize ko na para akong babaeng salat sa view ng lalaking sexy at idagdag na rin ang ari niya. Dios ko. Ngayon lang ako makakakita ng live view ng lalaking hubo't hubad. "Handa ka na ba?" tanong niya. "Kanina pa." "Bakit parang masyado kang excited na makita ang itinatago ko?" aniya. "So ano? Magmumulat na ba ako ng mga mata ko?" "Sige. In one ...two...three...open." Nagmulat nga ako ng aking mga mata at saka ako nagulat sa nakita ko. "Nasaan na, Monkey?" dismayado kong wika. Paano ba naman kasi ay nakabihis na siya ng kanyang white plain t-shirt at maong pants. Yumuko siya at ipinatong ang mga kamay sa mesa sa harapan ko. Itinapat niya ang mukha niya sa aking mukha at saka siya seryosong nagsalita. "Hindi for free ang viewing ng berdeng lakatan ko, ineng. Pay per view ito. At hindi mo ito basta bastang makikita na lang. Nakuha mo ba?" Saka niya pinitik ang noo ko. Sa gulat ko ay napasandal akong muli sa upuan. Dismayado akong tumayo at saka tiningnan siya ng masama. Para akong batang inagawan ng lollipop. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" Namulsa siya ng mga kamay at ngising aso siyang tumingin. "Paasa ka." Inayos ko na ang mga papel sa table at nagbalak na umalis. "Ops. Saan ka pupunta? Hindi ba't mayroon tayong usapan?" "Sumakit bigla ang ulo ko. Ikaw na lang. Next time na lang." Sagot ko habang inaayos pa rin ang mga papel. "Ganyan ka na kaagad hindi lang napagbigyan ang gusto mo," bwelta niya. "Hoy. Hindi naman sa gano'n. Sadyang sumakit lang ang ulo ko sa half day na ito. Kaya't huwag kang judgemental." "Sus. Kanina lang, ang saya saya mong nakikipag-usap sa lalaking iyon. Tapos nang ako na ay tumamlay ka na. May favoritism ka. Tapos nang di kita mapagbigyan sa gusto mo, sambakol na iyang mukha mo." "Hindi nga kasi gano'n iyon, okay?" Tumaas na ang tono ng boses ko saka ako tumingin sa kanya ng seryoso. Nanahimik siya ng ilang sandali bago siya magsalita. "Miss Manyak, kung t**i ko lang din naman ang iyong nais, dapat ikaw mapalitan muna ang apelyido mo ng Arnais." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niyang iyon kaya't napanganga na lang ako at naiinis na ngumiti. "Halika na." Hinawakan niya ang aking kamay. "Saan?" "Basta nga, ang daming tanong." Pilit niya akong hinihila. "Masakit nga sabi ang ulo ko, huwag mo akong pilitin." "Huwag mo akong artehan, Madget. Hindi mo ako maiisahan sa mga ganyang style mo na bulok!" Itinuro niya pa ako. "Saan mo nga kasi ako dadalhin?" "Basta nga. Nag-usap na tayo. Pumayag ka na kaya't huwag nang magtanong pa ng magtanong." DINALA niya ako sa isang lugar sa bayan kung saan ay parang puro mayayaman lang ang pumupunta. Napaka-romantic ng place at saka sosyal ang mga nasa loob na kagamitan. "May reservation po, sir?" tanong ng nasa pintuan na crew. "Name sir?" "Conor Isaac Arnais." "This way sir." Iginiya kami ng waiter sa isang pwesto kung saan ay mayroong nakalagay na reserved. Pinaupo kami doon ng magkaharap kaya't laking pagtataka ko. "Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya. "Mayroon lang akong mga tatanungin sa'yo. Tungkol pa rin sa mga dapat kong gawin sa panliligaw ko. Hindi naman kasi effective iyong unang sinabi mo." "Hay naku Conor. Tigilan mo na ako. Wala na akong maitutulong sa'yo tungkol diyan. Kaya't tama na." Tumayo na ako ngunit pinigilan niya ako. "Hindi, saglit lang. Ikaw naman oh, kakain muna tayo." Pinaupo niya akong muli. Naupo naman ako at tumingin lang sa kanya. "Sino ba kasi ang babaeng iyan?" iritado kong tanong. "Hindi mo rin naman siya kilala. Kaya't huwag mo nang alamin." "Kailangan ko siyang makilala para malaman ko kung ano ang mga mai-rerecommend ko na maaari mong gawin sa kanya." "Basta't iyon na ang tungkol sa kanya. Mahirap suyuin, parang tibo. Wala pa nga yatang nanligaw doon." Kumunot pa ng lalo ang noo ko nang marinig ko iyon sa kanya. Kahit na pakiramdam ko ay hindi ako ang tinutukoy niya ay parang ako na rin iyon. "Anong malay mo kung hindi lang talaga siya showy di ba?" komento ko. "Ano ang gagawin ko upang lumabas ang tunay niyang kulay at emosyon?" "Aba ewan ko sa'yo, Conor." "Kaya nga ako nagpapatulong sa'yo hindi ba?" "May masasahod ba ako kapag tinulungan kita?" "Pera lang ba ang katapat mo?" "Hindi naman. I mean, wala naman akong mapapala." "Tinulungan nga kitang makalabas sa quarantine facility wala akong napala. Pero ngayon at ako naman ang nagpapatulong ay ayaw mo akong pakisamahan." "Hindi ko nga kasi alam kung papaano, okay?" "Babae ka. Dapat alam mo iyan." "Lalaki ka Conor. Dapat marunong kang manligaw. Huwag kang torpe." "Hindi naman ako torpe ah." "Eh bakit kailangan mo pa ng tulong kung hindi ka naman pala torpe?" "Ideya lang ang hinihingi ko." "Okay. Kung hindi pa rin effective ang flowers at chocolates ang susunod na pwede mong gawin ay dalawin mo na siya sa bahay nila. Huwag mong lulubayan hanggang sa sagutin ka na niya," suhestiyon ko. "Wala na bang iba?" "Iyon ang the best." "Yung better muna na suggestion," hirit pa niya. "Haranahin mo." "Uso pa ba iyon?" "Oo. Luma na iyon pero hindi nalalaos." "Sige. Gagawin ko iyon bukas na bukas din." "So, ano na ang gagawin natin dito?" "Kakain lang tayo pagkatapos ay mayroon pa tayong pupuntahan," sabi niya at saka umorder. AFTER LUNCH dinala naman niya ako sa isang lugar kung saan ay ayon sa kanya ay naroon ang kanyang mga batchmates noong college. Sinalubong kami ng ilan sa mga nakakakilala sa kanya at mayroong isang lalaki na mayroong hawak na wine na nagtanong ng isang bagay na kumuha sa atensyon ko. "Hoy Isaac, kumusta na ang kaso mo sa negosyanteng Intsik na iyon? Okay na ba?" Bigla akong kinutuban sa narinig ko. Parang ito na ang isa sa mga lead upang sa gano'n ay maging mas madali na ang misyon ko. "Pre, huwag ngayon. Kasama ko ang nobya ko," wika ni Conor na ako ang tinutukoy. Ha? Nobya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD