MADGET MUKHANG pagsisisihan ko ang ginawa kong pagdakot sa kaniya ngayong madaling araw. Hindi ko alam kung paano ako magdadahilan, kung sasabihin ko ba na nananaginip lang ako o hindi ko iyon sinasadya. Bigla na lang siyang pumatong sa akin at dumampi sa balat ko ang kanyang mainit na balat dahil wala siyang pang-itaas. "Anong gusto mong unang mangyari, my labs?" tanong niya sa akin habang nakakulong ang mukha ko sa kanyang mga kamay. Ang presko at bango ng kanyang hininga. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya masyado dahil madilim ay alam kong gwapong gwapo talaga siya. "Conor, hindi pa ako handa," pag-amin ko. "Eh bakit ka nandadakot kung hindi ka pa handa?" "Hindi ko sinasadya." "Kung hindi mo sinasadya ay bakit dinakot mo pa, sinakal mo pa nga eh," aniya. Hindi ako nakak