MADGET "ATE Madget, may naghahanap sa'yo." Panay ang katok ni Joy sa pintuan ng kwarto ko dahil tuluyan na nilang pinapasok si Conor. Ayaw kong magsalita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, basta't nakaupo na lang ako sa gilid ng kama at nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. "Sabihin mo gabing gabi na, tulog na iyong hinahanap niya!" Sigaw ko sa loob. "Kung tulog na iyong hinahanap niya, sino yung sumagot? Other self mo?" pamimilosopo ng pinsan kong konsintidor. Isa pa ito. Alam kong botong boto sila kay Canor at alam kong buong sambahayan ay gustong gusto si Canor para sa akin. Ngunit katulad nga ng sinabi ko, hindi ako naparito para makipaglandian o makipagrelasyon, narito ako para sa isang misyon na kailangan kong maisakatuparan sa lalong madaling panahon. "