Kabanata 4

2121 Words
MADGET KINAUMAGAHAN, nagising na ako sa ingay sa paligid. Parang mayroong meeting ang mga tao sa barangay at dahil puyat ako sa sobrang takot ay hindi ako nakatulog. Hindi pa ako masyadong nahihimasmasan nang kumatok ang kung sino muna sa pintuan. Agad akong tumayo at pinagbuksan iyon. "Good morning. Pwede ka nang umuwi ngayon. Paki-ayos na lang ang mga gamit mo at saka ka dumaan sa office ni kapitan upang pirmahan ang isang dokumento, ma'am," ito ang wika ng isang batang babae na sa tingin ko ay ang SK Chairman ng barangay. Natuwa naman ako sa balitang iyon kaya't nagpasalamat na ako sa kanya bago ako nagsara ng pinto. Uminat ako at saka ako excited na nag-ayos ng gamit ko. Hindi ko na tatawagan si Tiyang Felisa sa bagay na ito, uuwi na lang ako sa kanya mamaya. Kaunti lang ang dala kong gamit, ang nagparami lang talaga ay ang mga dinadala dito ni Tiya Felisa. Paglabas ko ng kwarto ay inilagay ko muna sa tapat ng pinto ang mga gamit ko at saka ako nagtungo sa CR upang sa ganoon ay maghilamos at mag-toothbrush. Nasa shoulder bag ko ang lahat ng gamit ko na pang toilet kaya't iyon lang ang dala ko. Nang matapos ay nagpunas na ako ng aking mukha gamit ang bimpo na puti na nakasampay sa aking balikat at bumalik sa kinaroroonan ng mga gamit ko. Nagtungo naman ako sa opisina ni kapitan at doon ay naabutan kong nag-uusap ang dalawang tao. Si Conor at si kapitan. Nakasando ng itim si Conor, fit iyon sa kanyang katawan at nangingintab ang mga braso at balikat niya sa pawis. Mayroon ding nakasabit sa kanyang leeg na puting face towel at saka mayroon ding hairbond sa kanyang ulo na kulay itim. "Gano'n na lang siguro hijo. Ipagkakatiwala ko na sa'yo ang bagay na iyon," wika ng kapitan. "Sige po kap, gagawin ko po ang kaya ko." Tumayo si Conor at nakipagkamay sa kapitan. "Salamat. At mukhang heto na ang susunduin mo," wika ng kapitan. Natuon naman sa akin ang atensyon nilang dalawa at saka ako pumasok sa loob. Susunduin? Bakit? Kaya ko namang magbayad ng masasakyan para makauwi. Hindi ko kailangan ang tulong ng isang ito. "Hija. Pirmahan mo ito. Sana ay sinabi mo sa aking kakilala mo pala ang poging tanod ko. Eh di sana ay nag home quarantine ka na lang." Wika ni kapitan saka inabot sa akin ang isang papel. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako umaasa sa mga kapit dahil gusto ko ng malinis na gawain. Pero dahil opportunity na ito upang makaalis na ako ay pinirmahan ko na lang. "Salamat po sa inyo kap," wika ko. "Huwag ka sa akin magpasalamat hija, dito ka kay Conor magpasalamat." Bilib na bilib na tinapik ko kapitan ang balikat ng isa. "Paano kap? Mauuna na po kami." Paalam ni Conor. Hinatid pa kami ni kapitan hanggang sa labas ng kanyang opisina hanggang sa tuluyan na kaming makalabas. Agad kong kinuha ang gamit ko at balak kong takasan si Conor ngunit heto at sinundan ako ng kanyang motor hanggang sa tapat ng quarantine facility. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakatayo ako sa harapan niya at bitbit ang mga gamit ko. "Para kang zombie. Ang pangit mo," natatawa niyang wika saka nag-iwas ng tingin sa akin. Wow. May guts pa talaga siyang laitin ako matapos akong hindi makatulog ng maayos nang dahil sa ginawa niya. Ang galing galing lang talaga ng isang ito. "Sakay na," aniya. "Hindi na. Sa iba na lang ako sasakay." Maglalakad sana ako ngunit pinigilan niya ako. "Kapag hindi ka sumakay, babanggain kita." "Eh di makukulong ka." "Lumpo ka naman." "Ano ba kasing problema mo?" inis kong tanong. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Ano bang problema mo sa akin?" Wala akong ibang masabi dahil tongue tied ako sa kanya. Sa totoo lang ay wala akong mai-point out na problema ko sa kanya dahil ang light lang lahat ng mga iyon. "Basta. Umalis ka na lang sa harapan ko. Period." "Huwag mong hintayin na buhatin pa kita at maisakay sa motor ko. Mas nakakahiya iyon," pagbabanta niya. Tumingin ako sa mga tao na ang ilan ay nakatingin sa amin saka ako nagbalik ng tingin sa kanya. "Mamahalin naman ang motor ko. N-Max pa iyan," pagyayabang niya. Umirap na lang ako bago ako huminga ng malalim. "Sa susunod na irapan mo ako, dudukutin ko na ang mga mata mo." Bwisit. Basag trip talaga ang buang na ito. Walang binatbat ang aking pagtataray sa ginagawa niyang pang-iinis sa akin. "Ano, sasakay ka ba o kakaladkarin kita hangga't magmukha kang pulubing ginahasa?" Wala na talaga akong nagawa kundi ang sumakay na lang. Isinukbit ko ang backpack ko at saka kinandong ang aking isa pang bag. "Ready?" tanong niya. "Ano pa nga ba?" inis kong sagot. Pinaandar niya ang motor at paharurot na umalis. Ngayon lang ako ninerbyos sa pagsakay ng motor. Para akong sumakay ng roller coaster nang siya nang magdrive. "Hoy, dahan dahan naman. Kung hindi mo mahal ang buhay mo, huwag mo akong idadamay!" Sigaw ko sa kanya habang naiinis na kumapit sa aking bag. "Kumapit ka kasi sa akin," aniya. Kumapit? Ano siya? Sineswerte? Gusto ko na lang talagang makauwi na ako upang sa ganoon ay mawala na sa paningin ko ang isang ito. "Kapit na kasi!" Pang-iinis niya saka niya mas lalong pimaharurot iyon. "Bwisit ka!" Naiinis akong yumakap sa kanya mula sa likuran sa sobrang bilis ng takbo. Nakapa ko ang matigas na abs niya, totoo nga, tama nga ang imahinasyon ko. Pero hindi na ito ang dapat kong pagtuunan ngayon ng pansin, kundi ang labis na pang-iinis niya sa akin. Hanggang sa makarating na kami sa lugar kung saan niya ako ibababa. "Oh, masyado mo na yatang nae-enjoy ang pagyakap sa akin, ineng. Baba na, narito na tayo," wika niya. Matalim ang tingin ko sa kanya saka ko mabilis na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. "Hija, narito ka na pala. Naku naman, ang ganda naman ng umaga na nakikita ko kayong magkasama." Binitawan ni Tiyang Felisa ang walis na hawak at agad na lumapit sa amin. Agad namang nagmano ang buang sa kanya at bumati ng magandang umaga. "Naku hijo, salamat sa iyo. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi lalabas ng quarantine ang pamangkin ko," at talagang sinsero pa ang tita ko sa pagsasabi nito. "Wala po iyon tita. Malakas po kayo sa akin eh, pwera lang ang isang ito." Saka niya ako tinapunan ng matalim na tingin bago muling ngumiti sa aking tiyahin. "Naku hijo, hayaan mo na. Pero gusto kitang imbitahan sa isang hapunan. Mamayang gabi, para naman makabawi ako sa iyo." Nagagalak na wika ni Tiyang Felisa saka himawak sa kamay ni Conor. Hmp. Kung gano'n, hindi ako sasabay sa dinner mamaya. Mag-dinner sila kung gusto nila, basta't ako ay hindi. "Makakatanggi ba ako niyan, tiyang?" Nagkamot muli ng batok si Conor na parang nahihiya pa. Sinasadya niya ba akong akitin ng pogi niyang kili-kili? "Oh siya. Sige, baka naabala na kita. Salamat sa paghahatid at pagsundo sa pamangkin ko. Aasahan ka namin mamayang gabi ha?" "Opo tiyang. Wala pong anuman." "Oh anak, magpasalamat ka naman kay Conor." Kinalabit pa ako ni Tiyang Felisa saka naman tumingin sa akin si Conor. "Thanks." Tipid kong wika saka ako naglakad papasok sa gate. "Nireregla iyang pamangkin niyo tiyang. Ang sarap kutusan," wika pa niya at narinig ko iyon. Bahala na sila diyan. Agad akong dumeretso sa kwarto na nakalaan sa akin sa tuwing uuwi ako rito. Wala si tiyong at malamang ay nasa paaralan ang aking pinsan kaya't walang tao sa loob. Kaya naman sa ngayon ay ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan at dahil puyat na puyat ako ay agad na rin akong nakatulog sa pwesto ko na iyon. Mamaya na lang ako kakain, ang mahalaga sa akin ay ang makatulog. ALAS TRES ng hapon nang pagbantayin ako ng tindahan ni Tiyang Felisa dahil ayon sa kanya ay mamamalengke siya para sa hapunan namin mamaya . Tumao naman ako doon habang nagsisimula na ako sa trabaho ko. Nakaharap sa akin ang laptop at habang nasa tindahan ako ay panay rin ang pagkain ko ng tsitsirya na binabayaran ko rin upang sa ganoon ay hindi malugi ang aking tiyahin. Abala ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang boses ng bumibili. "Pagbilan." Hindi ko muna kaagad iyon pinansin dahil focused na focused ako sa aking ginagawa. "Pagbilan nga po, ale," pag-uulit ng pamilyar na boses. Siya nga. Kinumpirma ko iyon sa pamamagitan ng paglingon sa nasa tapat ng tindahan at kahit na mayroong screen ay kita ko siya. Naka-topless ang monkey. Nakasabit naman sa kanyang balikat ang puting damit at ngayon ay nakasuot ng pulang shorts. Naka-hair band pa rin siya dahilan para tumayo ang buhok niya sa harapan. Pa-sexy pa siya. Tipikal siyang taga kanto na parang nag-aabang lang ng makakakwentuhan sa tindahan. "Ano?" mataray kong tanong. "Pabili nga ng mani." Tumingin akong muli sa kanya na ngayon ay nakatitig lang sa akin. "Mani?" pag-uulit ko. Tumayo ako at hinanap ang mani sa mga nakasabit. "Walang mani." "Mayroon." "Wala nga sabi," inis kong wika. "Kapag itinuro ko sa'yo kung nasaan ang mani, ililibre mo ako pati soft drinks?" At nagawa niya pang pumusta ha? Mukha ba akong nakikipaglaro? "Ituro mo na lang kaya." "Ayan oh." Itinuro niya ang private part ko. "Hoy! Manyak ka talaga ano?" "Anong manyak. Iba iba kasi ang laman ng isip mo. Ayan ang mani oh, sa likuran mo. Ilibot mo kasi ang tingin mo, huwag lang sa abs ko ang focus mo." Nagawa niya pa talaga akong bulyawan sa lagay na ito. Tumingin nga ako doon at tama nga siya, nakita ko ang adobong mani doon. "Ilan?" tanong ko. "Dalawa lang. Wala kayong Maning hubad? Mas masarap kasi iyon, mas malinamnam." Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya pero dahil ayaw ko siyang patulan ay hindi na lang ako kumibo. "Oh ayan, bente." Inabot ko sa kanya ang mani at hinintay ang bayad niya. "Ang mahal naman ng mani mo. Singko lang isa nito," reklamo niya. Ang pangit pakinggan ng MANI MO pero upang makaalis na siya ay nagtimpi na lang ako. "Alam mo pala. Tinanong mo pa." Inabot niya ang bente pesos at susuklian ko sana ngunit nagsalita siyang muli. "Iyong sukli ko, ibibili ko na lang ng dalawang milkita." "Para kanino?" tanong ko. Kasi napaka-imposible namang sa edad niyang ito ay naglo-lollipop pa siya. "Basta." Inabot ko sa kanya ang dalawang lollipop at saka ko sinaraduhan ng garapon. "Oh, sa'yo na iyang isa. Para matuto ka namang sumipsip at dumila." Sabi niya saka iniwan ang isang lollipop at papito-pito pang umalis. Naiinis akong tumingin sa lollipop na iniwan niya para sa akin. Kahit kailan talaga ay bwisit siya sa buhay ko. Sa inis ko ay ibinalik ko sa garapon ang iniwan niyang lollipop at nagpatuloy sa aking ginagawa. KINAGABIHAN ay maaga akong pumasok sa kwarto ko. Hindi pa dumarating si Joy ang aking pinsan, mula sa kanyang paaralan. Nag-uusap naman sina Tiyang Felisa at tiyong sa kusina habang nagluluto. Alam kong darating na mamaya ang pinaka-ayaw kong makita sa lahat kaya't gumawa na ako ng paraan para makatakas. Matutulog na ako. Alas sais y media pa lang kaya't impossible na makatulog ako kaagad. Pero dahil mayroon akong nais na takasan ay gagawin ko. Hanggang sa bumukas ang pinto at nakita kong pumasok hindi si tiyang, hindi si tiyong at hindi rin si Joy kundi si Conor. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Inutusan ako ng tiyahin mo na tawagin ka." "Inaantok na ako." "Aba eh kay aga-aga pa. Matutulog ka na?" "Pagod ako." Nahiga ako sa kama ko at pumikit. Nakatalikod ako sa kanya. "Kapag hindi ka lumabas dito ay pagsisisihan mo!" Medyo tumaas ang boses niya. Hindi ko siya pinapansin kaya't nabigla na lang ako nang hilahin niya ang suot kong jogging pants na dahilan para mahubad iyon. "Ano ba?" sa inis ko ay hinabol ko siya at nahagip ng kamay ko ang suot niyang shorts at saka ko iyon nahila na dahilan din para mahubo iyon sa kanya. "Anong nangyayari dito?" tanong ni Tiyang Felisa. At dahil hawak ko ang shorts ni Conor habang siya ay nakatayo at ako ay nakasalampak sa semento ay mukhang ako pa ang salarin sa kaganapan. "Hinuhubaran po ako ng pamangkin niyo, tiyang." Inis na inis ako pero wala akong magawa dahil huling huli na talaga ako sa akto. Ano pa ang magagawa ko? Wala na talaga. Sirang sira na ang imahe ko. "Tiyang, let me explain." "Tita, hawak pa rin po shorts ko oh, ayaw bitawan." At parang batang nagsusumbong ang buang na ito sa tiyahin ko. Sasabog na ang galit ko sa Conor na ito. Bwisit talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD