MADGET
POST MENSTRUAL SYNDROME. Hindi ako maiintindihan ng kung sino mang lalaki sa nararamdaman ko ngayon. Ang hirap hirap ng sitwasyon ko lalo pa at nasa quarantine facility ako at nag-iisa.
Ilang araw pa ako sa lugar na ito at hindi ko alam kung hanggang kailan ako makatitiis sa aking sitwasyon. No wifi, no source of entertainment, nothing to talk with.
Kaya naman sobrang naiinip na ako sa sitwasyon ko. Bagot na bagot na akong maghintay na matapos ang araw ko kaya naman kung anu-ano na lang ang ginagawa ko.
BIYERNES ng umaga nang bisitahin ako ni Tiya Felisa sa aking kinaroroonan. Mayroon siyang dalang pagkain at mga kutkutin, nagdala rin siya ng mga inumin at ngayon ay mas matagal na siyang nakipagkwentuhan dahil ayon sa kanya ay mayroon namang nagbabantay sa kanyang tindahan.
"Hindi po ba pwedeng pakiusapan na lang si kapitan na mag home quarantine na lang ako? Negative naman ako, Tiyang," mauulinigan sa akin ang pagrereklamo dahil sa protocol na ipinatutupad ng barangay.
"Kung sana ay close kami ni kapitan ay nakausap ko na siya. Pero hayaan mo, kakausapin ko si Conor na pakiusapan na lang si kapitan," suhestiyon niya.
Napaisip ako sa bagay na sinabi ni Tiya Felisa. Ayaw kong masira ang araw ko sa pangalan pa lamang ng lalaki na iyon. Ngunit paano kung siya ang magiging susi upang sa ganoon ay makalabas ako sa impyerno na ito sa lalong madaling panahon?
"Tiyang, wala na po bang ibang paraan?" tanong ko dahil baka mayroon pang pwedeng kumausap sa punong barangay.
"Si Conor lang ang kilala kong close kay kapitan, nak. Kaya't hayaan mo at kakausapin ko siya para sa'yo."
"Tawagan mo na kaya tiyang, para alam natin."
"Baka abala iyon sa vulcanizing shop. Pero sige, susubukan ko." Inilabas ni Tiyang Felisa ang kanyang old model na Nokia phone at makikita sa kalumaan nito ang kulay na nag-fade na at halos wala na ring letra ang makikita sa keypad nito.
Nang itapat niya ang phone sa tenga ay nagsimulang tumipa ang mga daliri ko sa aking upuan habang nakatitig lang sa aking tiyahin.
"Hello hijo," bati ni Tiya Felisa sa nasa kabilang linya.
Napakagat labi ako habang nag-aabang sa kung ano ang susunod na sasabihin ni Tiyang Felisa. Hindi naman kasi naka-loud speaker ang phone kaya't hindi ko naririnig ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
"May ginagawa ka ba?" patuloy ni tiyang.
"Ah gano'n ba? May sasabihin lamang sana ako tungkol sa pamangkin ko."
Tumingin sa akin si Tiyang Felisa habang nakikinig sa nasa kabilang linya.
"Nais nga sana niyang mapabilis ang paglabas niya dito sa quarantine facility ng barangay. Marami pa ekang gagawin para sa trabaho niya. Negatibo naman siya sa swan test, kaya baka pwedeng kausapin mo na ang kapitan, kung okay lang sa'yo, Conor hijo."
Ang bilis ng pananalita ni Tiyang Felisa at halata sa kanya na close sila ng kausap sa cellphone.
"Ah gano'n ba? Sige, mas mabuti nga kung gano'n hijo. Tama ka riyan," nakangiting wika ni Tiyang Felisa habang nakatitig sa akin.
Ano kaya ang sinabi ng buang na iyon sa kabilang linya?
"Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya. Salamat hijo, pasensya ka na sa abala. Okay, sige."
Matapos iyon ay ibinaba na ni Tiyang Felisa ang cellphone saka pinatay ang tawag bago tumingin sa akin.
"Ano pong sabi?" hindi ako makapaghintay na nagtanong kay tiyang.
"Anak, siya raw ang mag-duduty mamayang gabi. Mas mabuti raw na sa kanya mo sabihin at huwag mong ipasabi sa akin at nang mas maintindihan niya ang sitwasyon mo. Tama nga naman siya," malumanay na wika ni Tiyang Felisa.
"Hmp." Napairap ako sa kawalan at saka ako nagbalik ng tingin kay tiyang.
"Hija, mukhang tipo ka ng binatang iyon. Ayaw mo niyon? Magkakausap kayo mamayang gabi? Magdamit ka ng sexy ha? Maligo at magpabango ka," tukso pa ng matandang babae.
"Ano ka ba tiyang? Wala sa bokabularyo ko ang mga ganyan. Nakakadiri naman ang nasa isip ninyo," iritado kong wika.
"Ikaw naman, binibiro lang kita. Alam mo at kilala mo naman ako. Pero sa totoo lang ay masuwerte ka kung mapapangasawa mo si Conor. Responsable at masipag na lalaki. Binata. Gwapo."
"Tiyang, tutulungan niyo po ba akong makalabas dito o ibebenta niyo po ako?"
"Parehas."
Hays. Kainis. Nabilog na rin talaga ng buang na iyon ang ulo ng tiyahin ko.
"Huwag na lang po. Di bale na lang. Maghihintay na lang po akong matapos ang araw ko rito sa quarantine facility na ito."
"Oh siya hija, aalis na ako at baka ako'y hinahanap na ng tito mo. Magluluto pa ako ng pananghalian. Ipadadala ko na lang ang pagkain mo mamaya." Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng room at tiningnan kung mayroong nakamasid sa paligid dahil bawal siyang pumasok sa loob kung tutuusin.
"Sige na po, mag-iingat po kayo," paalam ko.
Hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa makaalis na siya sa barangay.
So ngayon, maghapon na naman akong tutunganga habang iniinda ang PMS ko. Naiinis ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Naghalu-halo na siguro ngayon ang pakiramdam ko kaya't madali na lang akong mairita.
KINAGABIHAN, alas syete y media ng gabi nang mayroon akong marinig na pumaradang motor sa harapan.
Malakas ang kutob ko na si Conor iyon dahil iyon din ang tunog ng motor niya nang madaling araw na iwanan niya ako rito.
Hindi nga ako nagkamali nang mayroong kumatok sa pintuan. Wala akong kibong naglakad palapit at pinagbuksan siya.
"Hi." Bati niya sa akin sabay pasok sa loob.
Hindi ko pa ibinubuka ng husto ang pintuan ngunit siya na mismo ang nagpapasok sa kanyang sarili.
Agad niyang ipinatong sa mesa ang mga supot na dala niya na pakiwari ko ay pagkain na padala ni Tiyang Felisa.
Nakasuot siya ng tank top na color gray na halos lantad na ang buong tagiliran niya, exposing his rin cage at shorts na itim.
Sa isip isip ko, ang sexy niya at parang ang bango niya sa simpleng damit niyang ito.
Pero teka, hindi kami close at mas lalong hindi ko siya pwedeng purihin. Monkey siya. Tao ako. Hindi kami pwedeng maging compatible.
"Gusto mo raw akong kausapin?" Kaswal niyang wika saka naupo sa gilid ng kama habang ako ay nakatayo pa rin sa tapat ng pintuan.
"Hindi ba't bawal kang pumasok dito?"
"Sinong may sabi?" kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Protocol."
"Sino si protocol?" pamimilosopo niya.
Umirap ako at naiinis na muling binuksan ang pintuan.
"Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka nang lumabas." Sabi ko pa saka ko itinuro ang labas.
Seryoso lang siyang tumingin sa akin at saka hindi natinag mula sa kanyang pwesto.
"Ano pang hinihintay mo? Labas na," kalmado pa rin ang boses ko at kontrolado pa rin ang aking sarili.
"Ikaw kaya ang palabasin ko ngayon." Tumayo siya at kitang kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple.
Bumaba pa ang tingin ko sa kanyang dibdib at bahagyang nakalantad ang kanyang kanang n*pple dahil sa suot niyang tank top.
Hays. Pigil na pigil ang panlalambot ng tuhod ko sa aking mga nakikita.
For sure, mayroon siyang abs. Flat kasi ang nakikita ko sa kanyang tiyan at kusa pang nagbilang ang aking mga mata.
Isa...dalawa...tatlo...apat. Pero sure ako anim iyon. Naningkit pa ang mga mata ko nang dumako ang tingin ko sa umbok sa kanyang shorts.
Wait, danger zone. Back to his face. Nahuli ng mga mata ko ang pagtulo ng butil ng tubig mula sa kanyang leeg kaya't napatikhim ako ng bahagya at hindi ko pinahalata iyon sa kanya.
Pati ba naman iyon ay sexy sa aking paningin? Dinadaya ako ngayon ng aking katawan at alam kong natatalo nito ang aking prinsipyo.
"Nasa lunch box ang pagkain mo, huwag mong hanapin sa akin, ineng." Strikto niyang wika saka nagkamot ng batok.
Oh my. I saw his mighty kili-kili na sexy rin dahil sa pagkakaroon niyon ng buhok. One of my kahinaan talaga.
Ano ba naman iyan. Paano pa ako makakapag-concentrate sa aking pagmamaldita kung ganito lang kagwapo ang nasa harapan ko?
Walang epekto ang pagiging bruha ko sa kanya, dahil sa totoo lang, lelembot lembot na ang tuhod ko sa ngayon.
Pero, hindi pwedeng mahalata niya na tensed ako sa presensya niya.
Okay, back to pagmamaldita mode.
"Focus Madget. Focus. Letson lang na mayroong sarsa ang mas harapan mo. Huwag kang maglaway. Vegetarian ka," bulong ng utak ko.
Ngunit nang bigla siyang nagtiklop ng mga kamay ay kita ko ang pagflex ng kanyang mga biceps. Parang ang sarap umunan sa mga iyon.
Lord. Hindi pala ako vegetarian. Hindi pala ako on diet. Gusto kong kumain. Nagutom ako bigla.
Ano ba iyan. Sadyang dinadaya ako ng sarili ko. Naiinis akong huminga ng malalalim saka ako nagbalik ng tingin sa kanya.
Nagtiklop ako ng aking mga kamay at saka ako sumandal sa hamba ng pintuan saka walang ganang tumingin sa kanya.
Heto at nakikipagtitigan din siya sa akin. Parang nilalandi niya ako sa kanyang pagtitig pero pilit akong lumalaban.
Nang bigla niyang basain ng kanyang dila ang kanyang pang-itaas na labi ay mas lalo pa yata akong nanghina. Nag-slow motion pa iyon sa isipan ko at para akong nahi-hypnotized sa aking sitwasyon ngayon.
"Hoy ineng. Sa mga tingin mong iyan, parang ginagahasa mo na ako sa isipan mo ah. Para kang babaeng rapist ," wika pa niya.
Sa mga sinabi niyang iyon ay para akong nahimasmasan.
Patay malisya akong napatitig sa kanyang mukha na sobrang gwapo, bagong ahit lang siya at parang ang bango bango niyang tingnan.
Teka, pinupuri ko na naman ang kaaway ko.
"Wala akong panahon para makipagtalo sa'yo, kuya. Labas na at kakain na ako."
"Ano kamo? Magpapalabas ako? Ibang usapan na iyan, ineng."
"Manyak! Bingi ka ba? Sabi ko, lumabas ka na!"
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kung gaano siya kadahan-dahang kumilos ay siya namang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Bigla ko na lang nalanghap ang mabangong samyo ng hangin na galing sa kanya at dahil doon ay hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa bango na dulot ng kanyang presensya.
Matapang ang pabango niya ngunit hindi iyon masakit sa ilong. Sexy lang talaga sa aking pang-amoy.
"Ako na nga itong nagboluntaryo na puntahan ka upang sabihin sa akin ang gusto mong mangyari, ikaw pa itong matapang?" mahina ang boses niya at halatang galit.
But instead na unawain ko ang sinabi niya ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang napakabango niyang hininga na parang bagong sipilyo lang.
Wala na bang kapintasan ang isang ito? Masyado na yata siyang perfect.
"Nagbago na ang isip ko. Mas nag-eenjoy na ako dito sa quarantine facility," sabi ko naman.
Tiningnan ko lang siya sa mata upang sa ganoon ay makita niya sa akin ang pagiging matapang kong babae.
"Sigurado ka ba?"
"Yes. Kaya't pwede ka nang umalis."
"Okay." Saka siya umatras at ngumiti.
Sa ngiti niyang iyon ay parang mayroon akong kakaibang nararamdaman. Kaya nang lumabas na siya ay kumabog ang dibdib ko.
Para akong nagsisi sa lahat ng pag-iinarte ko nang isara niya ang pinto palabas.
Pero heto, wala akong lakas ng loob na pigilan siya dahil umiiral sa akin ang pride at ang aking prinsipyo.
Kaya naman, padabog akong naglakad papunta sa aking kama at tinitigan ang plastic na dala niya.
Wala pang limang minuto ang lumipas nang bigla na lang mawalan ng kuryente.
"Shocks!" Napahalukipkip ako sa aking kinauupuan sa gulat.
"Ngayon pa talaga nawalan ng kuryente?" Naiinis akong hinanap ang cellphone ko sa aking higaan hanggang sa kusa itong umilaw nang dahil sa isang text message.
Agad ko namang tiningnan iyon at mayroong isang text mula sa isang unknown number.
From: +6397766...
Sana ma-enjoy mo ang stay mo diyan. Maglaro kayo ng taguan nung batang babae na dumadalaw sa kwarto na iyan. Sweetdreams.
Pagkabasa ko niyon ay tumindig lahat ng balahibo ko. At saka biglang tumunog ang motor at paalis na ito sa lugar.
Gawa ito ni Conor. Siya ang nagtext sa akin at siya rin ang salarin sa pagbaba ng switch ng kuryente.
"Bwisit ka Conoooorrrr!"
Malakas na malakas kong sigaw sa sobrang inis ko sa kanya.