MADGET NAKATITIG lang ako sa papel at bato habang nakaupo sa sofa. Kanina pa iyon naganap ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung kanino galing ang bato at ang papel. Wala akong load, kaya't hindi ako makatawag kay Conor. Hindi naman kasi siya mahilig sa social media kaya't impossible na matawagan ko siya gamit ang Messenger. Nasaan na ba kasi ang isang iyon? Ang sabi niya ay susunod na siya sa akin. Bakit wala pa rin siya? Huwag niyang sabihin na bumalik na naman ang babaeng labanos na nais siyang kalantarihin. Kukurutin ko sila ng nail cutter. Nakalipas na yata ang tatlumpung minuto pero wala pa rin siya. Napakurap-kurap ako sa mga posibleng mangyayari. Isa itong pagbabanta sa akin at kay Conor. Alam ng taong iyon kung ano ang mayroon kaming dalawa ni Conor kaya't for