MADGET "BIRO ko lang naman, Tiyong Erning." Inakbayan ni Conor ang tiyuhin ko nang makita niyang biglang naging seryoso ang mukha nito nang dahil sa sinabi niyang buntis ako. Maging ako ay naging seryoso na lang bigla nang dahil doon. "So, kailan ang kasal?" singit naman ni Joy sa usapan. "Huwag ka ngang sumali dito Joy. Matulog ka na," sita ko naman. Inirapan lang ako ng mabuti kong pinsan at saka pumasok sa loob. "Masyado nang gabi hijo, bumalik ka na lang bukas ng gabi at nang makapag-usap usap tayo," saad ni Tiyong Erning sa ma-autoridad niyang tono. "Sige po. Maraming salamat po sa inyo. Paano ba iyan, mauuna na muna ako labs." At saka ako inakbayan ni Conor at isiniksik sa kanyang tagiliran. Para lang akong laruan na bigla bigla na lamang niyang kinakaldag. At sa harapan